String 6 : Two of a kind

2.1K 125 18
                                    

***

Gusto niyang magwala! Bakit ba siya ang napiling teroristahin ng babaeng ito?

"Ano? Nagbabago na ba ang isip mo?" untag nito sa kanya. "Payag ka nang dito muna ako?"

Malapit nang umusok ang ilong ni Harvey. "You! Masyado kang—Masyado kang—" Hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin. Nakaluhod siya sa may paanan ng kama at hindi malaman ang gagawin.

Hinawakan nito ang buhok niya at ginulo-gulo. "Kawawa ka naman, 'no? Pero mas kawawa ako dahil wala akong bahay. Kaya pumayag ka na. Okay?"

Nakita na naman niya ang mga sugat nito sa mukha. Nagdudugo. Hindi niya matiis. Kaya kahit inis na inis siya sa pang-iipit nito ay—

"Sandali! Diyan ka lang!"

Mabilis siyang pumunta sa closet at kinuha ang first aid kit sa itaas na compartment niyon. Umupo siya sa tabi ng babae. Dumukot siya ng bulak, nilagyan ng alcohol, at pagkatapos ay hinawakan ang baba ni Charley. Iginiya niya patagilid ang mukha nito para makita nang maayos ang gasgas sa pisngi nito. Idinikit niya sa gasgas ang bulak saka inilabas ang galit niya.

"Gawain ba ng matinong babae ang mam-blackmail? Hindi ko alam kung anong klaseng tao ka, but only desperate people do what you do. Kailangan ko lang nang maayos na dahilan kung bakit wala kang bahay. Kung bakit wala kang matirhan. O kung bakit ako ang pinagtitripan mo," sabi niya habang dinudutdot ng bulak ang gasgas sa pisngi nito. "Wala ka bang pamilya?"

Naglapat ang mga ngipin nito at umiwas ng tingin. "Hard to say."

"Okay. Then, don't say it. How about friends? Wala ka bang kaibigan?" bumababa na ang boses niya.

Ngumuso ito. "The last time I checked... wala pala."

Ngayon ay hindi na niya alam kung ano'ng iisipin. "Puwede ba naman 'yon? Walang pamilya at walang kaibigan?"

Tinanggal nito ang kamay niya na nakahawak sa baba nito. At parang may nakita siyang butil ng luha na nasa sulok ng mata nito pero mabilis ding nawala.

"Gaya ng sabi ko, you don't have to know anything. You don't have to understand anything."

"Tsk."

Base sa mukha nito ay wala itong balak magsalita. Inabot niya uli ang mukha nito. This time ay para lagyan ng antiseptic cream.

"Hindi puwede 'yon. You have to give me something—anything—para naman malaman kong hindi ka alien."

"'Yon lang ba? Then, alien ako. Alien ako at nakita ko ang planet Earth habang namamasyal ako sa universe. Naisip kong masarap pala manggulo dito. Bumaba ako sa Earth pero sumabog 'yong spaceship na sinakyan ko kaya hindi ako makabalik sa planeta namin. Okay na?"

Pumintig-pintig na naman ang ugat sa ulo niya. Matigas talaga ang ulo ng babaeng ito. "Hindi ka ba hinahanap sa planeta n'yo?"

Masama itong tumingin sa kanya.

"Nagtatanong lang."

Kinuha naman niya ang braso nito at iyon naman ang nilinis ng alkohol. Napakagat ito sa sariling ngipin.

"Ginagantihan mo ba 'ko? Ang sakit, ah."

"Hay! Tingnan mo nga 'yang nasa braso mo!" Napataas na naman ang boses niya sa pangungunsumi. "Saan ka ba galing at puro ka gasgas?"

"None of your business," anito.

Pinisil niya ito sa ilong. "None of my business, alien?"

Ginantihan siya nito ng pisil sa pisngi. "Yep. None of your business."

(S&BS 1) String-knitted Hearts [Published by Psicom ICONS]Where stories live. Discover now