Kabanata 6

14 1 0
                                    

Kung hindi ko lang kasabay umuwi si Archibald at walang maghahatid sa akin ay umalis na dapat ako sa harapan nila ngunit hindi. Hinintay ko sila hanggang sa mapunta sila sa aking harapan.

The way he flashes his beautiful smile in front of Alyssa broke me. Hinigpitan ko ang kapit sa strap ng bag ko. Do I really like you Archibald Culan?

Nakarating na sila sa harapan ko at nakita kong pasimpleng inalis ni Archibald ang kamay ni Alyssa sa braso nya na ikinainis naman ni Alyssa.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Archibald kay Alyssa. "Kailangan ko ng ihatid si Miss Gabriela, Alyssa." Dagdag pa nya.

Tumingin lamang sa akin si Alyssa na parang may napagtanto. Nahihiya syang yumuko sa akin at bumati. Tumango lamang ako bilang tugon. Nagpaalam na si Alyssa kay Archibald at sa akin.

"Let's go." Aya ko kay Archibald at umalis na sa tapat ng aking classroom. Naramdaman ko naman na sumunod sya sa akin kaya ipinagpatuloy ko ang paglalakad.

Pagpindot ni Archibald para buksan ang sasakyan ay agad akong pumasok at inilapag ang aking gamit. He started the engine and starts driving. Inilabas ko ang aking cellphone at inabala ang sarili. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nairita. Hindi tuloy ako makapagpokus sa pagtingin ng aking mga social medias.

Naramdaman ko na may nakatingin sa akin kaya naman hinarap ko sya at nahuli kong nakatingin sya sa akin sa rear view mirror kaya kinunutan ko sya ng noo bago inirapan. Narinig ko ang mahina nyang tawa kaya tumingin ako muli sa kanya.

"Masama ata ang timpla mo, Miss?" Tanong nya. I looked at him sharply. Why did he even bother asking me that?

Hindi ko sya pinansin at binaling muli ang tingin ko sa aking cellphone. I heard him chuckled that made me pissed. It's my first time seeing him smiling and laughing that made me confuse. I did not bother looking at him again and just shook my head.

"Anong ibig mong sabihin? Ano!? Tragis naman John! Kamusta si Mayor?" Napabaling ang atensyon ko kay Archibald ng dahil sa pagbanggit nya ng Mayor. Nakita kong inis nyang hinagis ang ear piece nya sa shotgun seat.

"Anong nangyari kay Tatay?" Natataranta kong tanong. Hindi nya ako pinansin ay naramdaman kong binilisan nya ang pagmamaneho.

Nakarating kami sa bahay na bukas ang gate at nagkalat ang mga pulis at bodyguards sa labas. Binuksan ko agad ang pinto at lumabas na ng sasakyan. Hinanap ko agad si Tatay sa aming sala.

Yinakap ko sya ng makita kong katabi nya si Nanay at si Lola. Tinignan ko ang buong katawan ni Tatay kung may problema o kung may sugat sya ngunit wala. Napahinga ako ng malalim.

"Anong nangyari?" Tanong ni Nanay. Tinignan ko si Tatay at naghintay ng sagot.

"May nagtangkang pumatay sa akin kanina habang nililibot ko ang buong bahay. Tinutukan ako ng baril at buti na lamang ay nakita ni John at binaril." He doesn't looked scared at all! Habang kami ay takot na takot sa pwedeng mangyari si Tatay naman ay ayos lang at parang walang nangyari."

"That means this house is not safe anymore!" I said. Nilibot ang ang paningin at nakitang kasama namin ang halos lahat ng bodyguards.

"Natiliw na ba ang nagtangka sa iyo, anak?" Tanong ni Lola. Umiling si Tatay. Napapikit ako ng mariin.

"Hindi pa po, Ma. Naisipan ko na rin na pabalikin muna si Gashiana sa Maynila habang si Gabriela naman ay sa Amerika na." Agad akong tumingin kay Ate na nanlaki ang mga mata sa narinig.

"Tay how about school?" Nalilito kong tanong. Ang bilis ni Tatay mag plano at pabigla bigla.

"Unang araw mo pa lang naman diba? Aabot ka pa sa luma mong pinapasukan doon. Sa Agosto pa naman ang simula ng klase." Aniya.

Enthralled by IllusionsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora