CHAPTER 2

268K 2.7K 173
                                    

"Eris!"


"Kazumi Eris! Bangon!"



Ano ba naman 'yan! Bakit ba ginagawang hobby ni mama ang bulabugin ako tuwing umaga!



Hindi ba ako pwedeng matulog hanggang hapon ng mapayapa?



Siguro kapag hindi ko sya pinansin aalis din to.



"Zumi . . ." biglang mahinahon na sabi ni mama. Naramdaman ko din na umupo siya sa tabi ko.



Zumi, they used to call me that noong okay pa kami, tuwing naglalambing sya, or page may bagong tsismis syang gustong sabihin.



"Sobra siguro 'yung galit mo sakin 'no? Pasensya ka na 'nak, ako mismo hindi ko na alam paano ko papatawarin sarili ko sa nagawa ko sayo." She said in a very low voice. Muntik ko ng hindi narinig.



Matagal bago ulit sya nagsalita. Puro pag singhot lang nya nageecho sa kwarto ko.



"Haaay! I need a drink! Eris! Bumangon ka na!" sigaw nya na parang walang nangyari.



Hinampas nya muna ako sa pwet bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.



Nung naisara nya na yung pinto tsaka tumulo 'yung luha ko. Ang aga aga! Kung hindi nya ko binubwisit sa umaga, pinapaiyak nya ko.



I love my mom pero andito pa din 'yung galit hindi ko pa kayang kalimutan 'yung mga nangyari.


Flashback


"Tama naman na ang inom! Isang taon na, wala pa din pagbabago! Nagpapagod na ko. Kailangan ko pa din ng mommy!"



"Nagsasawa ka na? Lalayas ka? Saan ka pupunta? Sa daddy mo? Iniwan nga tayo, remember." She said quietly.



Wala naman akong sinabing aalis ako. Masakit lang na nakikita na unti unti nyang pinapatay sarili nya sa alak. Sa loob ng isang taon walang oras na hindi sya lasing.



Yes, iniwan kami para sa ibang babae. Masakit, nakakagalit, pero may mangyayari ba kung halos lahat ng alak sa village naming laklakin nya? May magandang dulot ba kung pati bote kainin na din nya? Wala naman di ba?



Bigla syang humagugol tsaka tumawa ng malakas. She was laughing through her tears. Para syang nababaliw na palakad lakad.



Maya Maya lang huminto sya sa pagtawa pero tuloy tuloy lang ang iyak nya. Lumapit sya sa'kin, hinawakan nya ako sa magkabilamg braso.



"Iniwan nya tayo, lahat ng lalaki iiwan tayo. Naiintindihan mo ba? Zumi? Pare parehas sila!" she said in a loud voice tsaka tumawa-iyak na naman. "iniwan tayo" Paulit-ulit nyang sinasabi.




Umiling ako pero hindi nagsalita.




'Damien will never leave me.' Sabi ko sa sarili ko.



Tinalikuran nya ko tsaka kinuha yung bote tapos dumiretso sa kwarto nya at sinarado ng malakas pinto nya.



Napaupo nalang ako sa sahig. Kinuha ko 'yung phone ko sa bulsa then dialed Moyi's number.



"Andito lang ako sa bahay. Order ako ng cakes, pizza, beer, and manggang kalabaw para mag-tae ka. I love you." dire-diretsong sabi in Moyi na parang kanina nya ba inaabangan tawag ko.



Napangiti nalang ako bago ko binaba 'yung call. Pumunta ko sa kwarto ni mama para magpaalam na lalabas.



Dahan dahan kong binuksan yung pinto tsaka sumilip. Tulog na tulog na sya. Nakadapa sya sa kama.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BED friends foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon