ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴡᴏ

8 1 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴡᴏ

ᴍɪᴋᴏ's ᴘᴏᴠ

Bukas na ang Student Day&Night kaya busy na ang lahat para sa practice. May dance and singing performance kasi bawat section. Kaya heto busy kami.

Bilis ng araw noh? Parang nung nakaraan lang 1st day of school lang pero heto kami ngayon busy para sa isang event sa school.

Kakatapos lang nga ng practice namin eh. Sabi ng Adviser namin na magpahinga na daw kami para bukas kaya heto kami naglalunch sa may soccer field sa ilalim ng mga puno. Pinapanuod namin kung pano magtayo ng mga booth ang mga seniors.

Seniors lang ang may booth. Lalo na yung mga ABM student madaming booth. Nag iipon sila ng pera may pinag iiponan ata ang seniors eh.

Nakikita nga naming dumadaan yung mga chix na seniors eh. Kanina nga nakita namin dumaan si Rhea tsaka si GeAnne. Tuwang tuwa sila Red dahil dun.

"Hindi pa din dumadaan si Sammy at Lou ah." sabi ni Tim.

"Ang alam ko. Tumutulong ang It Girls sa Gym. Tinutulungan nila ang SSC tutal bestfriend sila nila Ate Ali at yung iba naman nilang kaklase ang bahala sa booth nila." sabi ni Nikka.

"Kaya pala di ko pa din nakikita si Ate Ali." sabi ni Andrew. Ito na nama  tayo sa Ali na yan.

"Bilang SC President syempre busy yun. Daming responsibilities eh." sabi ni Larren.

"Buti na lang andun si Kuya Chanchan para alagaan sya." sabi ni Trixie.

"Bakit naman sya aalagaan ni Kuya Kohleen?" tanong ko. Team Captain namin yung binaggit nya kaya curious ako.

"Heto na naman si Clueless." sabi ni Clarence. Kaya binatukan ko napa aray naman sya sa ginawa ko.

"Diba alam naman sa buong team na may nililigawan si Captain since grade 10?" sabi ni Red. Kaya tumango ako. "Yung nililigawan ni Captain ay si Ali. Perfect couple diba? Pareho sporty at matalino."

"Bali-balita nga na sila na daw. Pero sabi ng friends nila hindi pa naman daw." sabi ni Belle.

"Tagal na ding nanliligaw ni Captain. Tsaka kahit di pa naman sila parang sila na din naman. Napakasweet nila sa isa't isa. Pag dumadaan nga ako sa classroom nila nakikita ko kung gaano sila kasweet." sabi ni Tim.

"Ano namang ginagawa mo sa Senior's Building?" tanong ko.

"Malamang nautasan na naman ako ng pinsan ko. Alam mo namang pabor din sakin yun kasi nakakatanaw ako sa mga seniors." sabi ni Tim. Siraulo talaga.

"Label na lang talaga ang kulang sakanila sa KrisLlex loveteam." sabi ni Lara.

"KrisLlex?" takang tanong ko.

"Pinagsama yung realname nila." sabi ni Andrew.

"Ang kokorni ng nalalaman nyo." sabi ko.

"Palibhasa di kilala si Ate Ali." sabi ni Larren.

Di ko na lang sila pinansin. Parang mga tanga lang eh.

Tumingin na lang ako sa paligid ng Soccer field at nakita ko si Allison Keith. Nginitian at kinawayan pa ako. Kaya nginitian at tinaguan ko sya.

Bigla namang nagvibrate phone ko for sure nagchat na naman yun.

Allison Keith Del Rosario active now

Lunch?

Saan?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lucky OneWhere stories live. Discover now