Chapter 2

6.9K 171 144
                                    

Chapter 2 of He's My Boss (Book 3)
____

Airah's POV:

"KAILANGAN mong magpalakas. Hindi pa gaanong maayos ang katawan at sugat mo.", bigkas ni Andrei nang makauwi kami sa kanilang bahay.

Malapit lang kami sa dagat, kaya ang mga hanap-buhay ng mga tao dito ay lahat mangingisda.

Kung iisipin, maganda ang pakitungo nila sa akin.
Ako lang yata ang may problema dahil gustong-gusto ko na makabalik sa mismong tahanan ko na kasama ang aking pamilya.

Kaso wala eh. Wala na akong babalikan pa.

"Hi ate, kain ka na po.", magalang na saad ni Thea.

Siya ang bunsong kapatid ng binata na masyadong bibo.
Naging close ko na rin siya at napalapit na rin ang damdamin ko sa kanya.

"Kainin mo po 'yan, ate Airah. Dahil ako ang naghanda n'yan.", proud na sambit ng bata.

Talagang pinaghandaan niya pa ako.

Hindi ko tuloy maiwasan na malungkot dahil naalala ko ang kambal kong anak.

"Salamat.",

"Walang anuman po, ate. Pero bakit po pala kayo umalis?",

"Thea, nagugutom na ang ate Airah mo. H'wag ka ng maraming tanong.", singit na sabi ni Andrei para patigilin ang kapatid.

"Okay po, kuya. Sige ate, kain ka na po. At maglalaro na ako sa labas.", paalam na sambit ng bata at tsaka kumaripas ng takbo.

Mapait akong napangiti dahil sa poot na nararamdaman ko ngayon.

Pinasaya lang ako saglit, pero katumbas no'n ang sakit, na hindi mawala-wala sa dibdib ko.

"Walang magagawa ang pag-iyak mo, kaya kung ako sa'yo, baguhin mo ang sarili mo.", wika ng binata bago umalis sa harapan ko.

Ang katagang 'yon ang nagpamulat sa isipan ko para lakasan ang aking loob.

Kumain ako ng kumain, at dito ko nilabas ang galit na dapat sa babaeng impostora ko ginawa.
___

And after that, pumasok ako sa kwarto ni Andrei na naabutan kong nakatulala at tila malalim ang iniisip.

Marahan akong tumabi sa kanya at walang alinlangan kong hinawakan ang palad ng lalaki.

"T-thank you. Thank you for saving my life. Alam ko na ilang beses ko na 'tong sinabi, at gusto kong ulit-ulitin 'yon para mabalik ko ang sakripisyo na ginawa mo.", mahinang bigkas ko na puno ng sensiridad.

Napalingon siya sa gawi ko at ngumiti.

"Ginawa ko lang ang tama. Kaya sana, may natutunan ka.", wika niya sa akin.

"Huh?",

"H'wag mong sayangin ang pangalawang buhay mo, Airah.", patuloy niya muli.

"Ano bang ibig mong sabihin?", naguguluhan na saad ko.

Napahinga ito ng malalim at sa mismong bintana niya binaling ang tingin.

"Masaya na ang asawa mo. At base sa nakita ko kanina, pinagtulakan ka palayo ni Gino.", pahayag nito.

Kumirot ang puso ko, dahil naalala ko ang mga sinabi ng asawa ko.

"P-pero alam kong nauto lang siya. Na-brainwash lang siya ng babaeng kinakasama niya ngayon. Ikaw na rin ang nagsabi diba? Nakita mo ang nangyari kanina. Nakita mo 'yon. At yung babae, kamukha siya. Gano'n ang mukha ko kung hindi sana natunaw ng acido ang kalahati kong mukha.", mahabang wika ko.

Shit! Naluluha na naman ako.

"Ang hina mo, Airah. Napaka-hina mong tao. Kung ako sayo, 'wag kang maghabol sa taong hindi na ikaw ang gusto.", pasegunda niya na may kasamang opinyon.

"Mahal niya ako, Andrei. Kasal kaming dalawa. At may anak kami. H-hindi ko hahayaan na pati 'yon, mawala sa akin.", turan ko sa binata.

"Edi magbago ka. Gawin mo ang dapat. Labanan mo ang kahinaan mo.", wika nito na walang alinlangan.

"M-mahihirapan yata akong gawin 'yan. K-kasi kahinaan ko mismo si Gino at ang mga anak ko.", yukong tugon ko.

"Makukuha mo din sila, Airah. But for now, you need to focus on yourself. Hindi ka na nila kilala, dahil sa itsura mo. Kaya mag-iipon tayo, para mabalik ang dati mong mukha.", pag-aadvice niya.

"T-tayo?", utal kong sambit.

"Oo, tayo. Gusto kitang tulungan ulit.",

"Pero nakakahiya na sayo, Andrei.", muling saad ko.

"Wala kang dapat ikahiya. Ang gusto ko, maging masaya ka. Hindi ko pa kasi nakikita ang Airah na masaya. Ang Airah na may totoong ngiti.",

"I w-will try.", tanging turan ko.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang buhay ko.
Pero siguro, panahon na para isantabi ko muna sila.
Nagawa na akong talikuran ni Gino, kaya dapat lang gawin ko rin ang ginawa niya.

___

END OF CHAPTER 2
©Binibining_Timoji

He's My Boss (Book 3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang