YOU + ME = CANNOT BE

13 5 0
                                    

[Errors ahead]

Clea's PoV

"Xi Lian! Ang sabi ko hintayin mo 'ko e."

"Bilisan mo na kasi, ang bagal mo e." Malditong sambit niya.

"Napaka gentle man naman ng boyfriend ko.." sarkasitikong sambit ko.

"Kailan mo ba kasi ipapaalam sa mga mama mo yung tungkol sa'tin?" Tanong niya. Hindi pa din niya ako nagagawang lingunin. Tuloy-tuloy pa rin siya sa paglalakad niya.

"Araaay!"

Napaupo ako sa gilid ng kalsada. Nakita kong mabilis niya akong nilingon, tumakbo siya papalapit sa'kin.

"Sa'n may masakit, Clea?" Nag-aalalang tanong ni Xi Lian.

"Naipitan yata ako ng ugat."

"Kaya mo bang tumayo? Halika sumakay ka sa likod ko." Inalalayan niya akong makatayo. "Dahan-dahan ah?"

"Pwede mo na 'kong ibaba kung nabibigatan ka na ah? Hindi mo ko kailangang ipasan." Paalala ko.

"Oo mabigat ka, pero hindi ko hahayaang mahirapan ka." Nakaranas ako ng matinding kabog sa dibdib ko.

"Linyahan ng mga manloloko."

"Sa tatlong taong relasyon natin, kahit kailan ay hindi sumagi sa isip kong lokohin ka." Sa isang banda ay lihim akong napangiti.

"Heeeh! Ang clingy mo, tara na umuwi na tayo. Magr-review pa 'ko."

"Kinilig ka naman e." Natatawang sambit niya.

"Xi Lian..."

"Hmmm?"

"Sa Linggo na ang birthday ko. Pumunta ka ah? Ipapaalam ko na kay mama yung tungkol sa'tin."

*****

Kagigising ko lang at hindi pa ako nakakapaghilamos manlang nang tumunog ang telepono ko.

"Hmmm?"

"Good morning." Masiglang bati niya.

"Good morning din. Ang aga pa ah, ba't gising ka na agad?" Tanong ko.

"Kagigising mo lang ba?"

"Oo."

"Tara tabi tayo HAHAHAHA!"

"Heeeh! Peste ka."

"Clea..."

"Hmmm?"

"Nasa labas ako ng bahay niyo." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Aalis tayo."

"Where are we going?"

"Basta."

"Fine, pumasok ka. Wala si mama." Sambit ko. Ibinaba ko na ang tawag.

Pumasok na ako sa banyo at naligo. Natitiyak ko namang naka lock ang pinto ng kwarto ko.

Pagkatapos kong magbihis ay binuksan ko na ang pinto, pagbukas ko niyon ay nakita ko na si Xi Lian.

"Bakit nakasarado?"

You + Me = Cannot Be (One shot)Where stories live. Discover now