Kabanata 36

31K 835 60
                                    

Kabanata 36

"Stay away from that guy, Lou," biglang sambit ni Shaun nang maihatid niya ako sa hotel room ko.

Hindi ko tuluyang naisara ang pinto dahil humarang siya. Hindi ko naman kilala ang lalaking iyon at hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa kanya. Kumunot ang noo kong nag-angat ng tingin kay Shaun.

"Shaun..." Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Hindi ko nga kilala 'yong lalaki, eh."

"I know. Hindi mo siya kilala and you have to stay away from him, Lou."

Para matapos na ang usapan ay tumango na ako. Pagod na pagod na ako at dumagdag pa itong si Shaun. I think I need to rest.

"See you tomorrow, Lou," aniya at sinilip ang loob. "Vina, take good care of her."

Tipid akong ngumiti kay Shaun at pinagsarahan na siya ng pinto. Ang daming nangyari ngayong araw at gusto ko na lang matulog. Hindi ko maiwasang isipin ang lalaking iyon kanina. Magkakilala ba sila ni Shaun? I guess so, kasi alam ni Shaun ang pangalan ng lalaki. Ano nga pangalan no'n?

Grego—

Napapikit ako at napaluhod sa sahig nang biglang sumakit at kumirot ang ulo ko.

"Aray!" sigaw ko at napahandusay sa sahig dahil sa sobrang sakit.

Narinig ko ang mabilis na yapak ni Vina at agad dinaluhan ako. Bumilis ang paghinga ko at parang binibiyak ang ulo ko sa sa sobrang sakit.

"Ma'am!" sigaw niya at bago pa man siya makatayo ay biglang bumukas ang pinto at nakita ko na si Feach 'yon kasama ang bodyguard niya.

"Omg!" tili niya at mabilis din akong dinaluhan. "Edgar! Help! Ano ang nangyari?"

"Ma'am! Kailangan lang natin siyang painumin ng gamot—"

"Boba ka ba?" sigaw ni Feach na ikinagulat ni Vina. "Kailangan niyang dalhin sa ospital! Edgar, buhatin mo si Rachel, dali!"

Patuloy pa rin sa pagsakit ang ulo ko habang buhat-buhat ako ng lalaki. Tumulo ang luha sa aking mata at hindi ko na maintindihan kung ano ang nangyari sa 'kin. Gusto ko mawala na ang sakit na ito. Sa sobrang sakit ng ulo ko ay unti-unti akong nawalan ng malay. Ang huli kong narinig ay ang tili ni Feach na nasa likuran lang namin.

***

Hindi na ako nagulat nang puting kisame ang bumungad sa akin. Hindi na ito bago sa 'kin kaya hindi na ako nagtataka. Nawalan na ako ng pag-asa. Kung amnesia nga ito, bakit ganito? Bakit parang mas lalo akong pinapalimot?

"Thank God, you're awake!"

Binalingan ko ang gilid ko at nakita ko ang nag-alalang mukha ni Feach. Siya lang mag-isa sa buong kwarto kaya nakahinga ako nang maluwag.

"A-Alam b-ba n-nila?" nauutal ko na tanong.

Hinawakan niya ang kamay ko at umiling. "H-Hindi..." Nakita ko ang pagtulo ng luha niya. "B-Bakit hindi mo sinabi?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin.

"A-Akala ko p-pa naman...I mean, you look okay, Rachel. Hindi ko akalain na may amnesia k-ka pala..." Halos bulong na lang ang huling salita niya.

Mahina akong tumango at pumikit. "M-Mabuti at hindi naman pala halata..."

"Rachel!" Tumaas ang boses niya. "Hindi biro ang amnesia. Hindi mo dapat pinabayaan iyon. Hindi mo alam...baka may naghihintay pala sa pagbalik mo."

Sumikip ang dibdib ko nang dahil sa sinabi niya.

"Hindi mo alam na baka may nagmamahal pala sa 'yo na hinihintay ang pagbalik mo, Rachel. Hindi mo dapat pinabayaan ang sarili mo. Paano kung tuluyan ka nang makalimot?" lumuluha niyang sambit. "Hindi mo dapat pinabayaan iyan!"

Runaway #2: The Runaway Mom (COMPLETED)Where stories live. Discover now