F. O 42

19 1 0
                                    

Kinabukasan ay muling tinignan ng mga doctor ang kalagayan ni Ate Raquel. Dumaan na din uli si Darryl para icheck din si ate Raquel. He also brought food and water for me.

Mabuti nalamang at napilit kong pauwiin si Radu kagabi. Nagmatigas pa talaga itong manatili. Kung wala si Egil at Mikee ay baka nanatili na din siya para samahan ako sa pagbabantay. Ayoko lang na pinagtitinginan at pinag-uusapan kami ng mga medical staff. Mas lalong nakakadagdag sa kaba at takot ko ang presensya niya.

"Si Tita Aileen mo, te. Paparating dito." bulong ni Egil sakin

Sinundan ko ang gawing tinitignan ni Egil. At tama nga siyang papalapit si Tita Aileen samin. Wearing a satin yellow formal dress with tie on the hips, on her righ forearm her black hermes chain bag, black pumps at may kasamang tatlong bodyguards. Isa sa likod, nasa magkabilang gilid ang dalawa. Tumayo ako at sinalubong siya.

"Tita..." mahinang sambit ko

"Virgo, how's Raquel?." Tanong niya sabay tanggal sa aviators nito.

Mas lumapit pa ako kay Tita Aileen upang ipaliwanag ang kalagayan ni Ate Raquel ngayon.

"She's now stable Tita, pwede na siyang mailipat sa room." Sabi ko sabay lingun sa ICU

"mm, that's good to hear. Alright, don't worry with the hospital bill. I'll take care of that." Sabi ni Tita sabay tingin din sa ICU tapos balik sakin.

"Gusto niyo po bang pumasok?."

"No. Hindi na rin ako magtatagal pa. I still need to go for a meeting. Just call me if you need anything." Aniya

"Salamat Tita.."

Bahagya lamang siyang tumango sakin at tipid na ngumiti kay Egil at Mikee. Pagkatapos nun ay tumalikod na siya upang umalis, ngunit di siya agad nakahakbang ng makita niya ang taong papalapit samin ngayon. Sh*t! Mariin akong napapikit at napahawak ng mahigpit sa damit ko ng makita ko si Radu papalapit samin habang may dalang paper bag. Pinagtitinginan na siya ngayon ng nga nurses, staffs, and doctors.

Kumalabog ang dibdib ko ng taas ang isang kilay na lumingun si Tita Aileen sakin ngayon.

"Good morning, Mrs. Alvarez..." pormal na bati ni Radu kay Tita

Nakangiting humarap si Tita kay Radu at pormal na bumati din.

"G-good morning too, Mr. Alcante. Do you have a patient here?."

"I came here to visit a friend." Radu sabay tingin sakin. Fudge!

"Oh, I didn't know that you're friend with, Virgo." Hilaw na tawa ang pinakawalan ni Tita Aileen, at ng bumaling sakin ay matalim na tingin ang iginawad. Napalunok ako uli dahil duon.

"She's working in A&V. And I've known her for a little while now."

Please. Pwede bang wag ka nalang sumagot pa.

"Oh, I see..." Tita Aileen

Kagat labi akong tumingin kay Egil at Mikee. At kagaya ko ay pareho na din silang kabado dahil sa kabado na din sa pagkikita ng dalawa ngayon. I should have told Radu last night to not visit today. Nakalimutan ko tuloy na isipin na pupunta si Tita dito sa hospital. Oh. What a great timing!

VIRGO (Far-out )Where stories live. Discover now