Secret

2.3K 170 77
                                    

Chapter 4

Alaska Graycochea

Sa lahat ng pwedeng kalimutan ko, iyon pa! Anak ng impakto! Sa kakaiwas ko, ayan tuloy! Parang sinurpresa ako ni tadhana. At hindi ako natutuwa!

"Akala ko ba matatagalan ka?"

Pinasadahan ko lang ng tingin ang kapatid ko na naglalaro ng PlayStation sa living room at pumanhik na sa itaas. Akala ko nga din ay magtatagal ako, iyon pala ay hindi. Nang magtama ang mga paningin namin ni Arrividerci kanina ay bigla nalang naging eratiko ang pagtibok ng puso ko. Para akong ibinalik ng pamilyar na tibok na 'yon noong una ko siyang nakita.

Napapikit ako mariin. Ayan na naman ako sa pagbabalik-tanaw. Seriously, what is wrong with me?

Napabuga ako ng hangin at kinapa ang phone ko. May message pala ako galing kay Trea, saan daw ako. Nag-reply lang ako na nasa bahay lang. Kanina noong makita ko si illegal kapitbahay ay gusto ko nang umuwi. Nag-isip ako ng rason para payagan nila ako.

Hindi naman talaga masakit ang tiyan ko, sadyang ayaw ko lang talaga makita ang babaeng iyon. Pakiramdam ko, mas lalong nadagdagan ang hiya ko araw-araw at unti-unti na itong kumakapal. Maaaring hindi niya iyon pansin pero ako, araw-araw ko iyon napapansin simula pa noong highschool kami.

Pinigilan ako ni Yuri, kaso sinabi ko na sumakit bigla tiyan ko at natatae ako. Raj insisted na doon nalang ako magbawas sa bahay ni Selene pero nangatwiran ako na sa bahay nilang. Mabuti at kumagat naman sila sa alibi ko kaya nakauwi ako agad. At si Raj mismo ang naghatid sa akin dito sa bahay.

Tiningnan ko ang message, may ipinasang video si Trea through Viber. Mukhang nagkakasiyahan na sila sa party, sayang at hindi ako tumuloy. Pero, naalala ko ang rason kung bakit ako umuwi ay hindi na ako nanghinayang pa. Mas mabuting nandito ako sa bahay dahil ligtas ako sa kapahamakan.

Medyo matagal-tagal ang video kaya tahimik ko itong pinanuod. Puro naman sila kalokohan. Iyong asawa pala ni Nike ang game master. Nakakatawa ang mga palaro niya.

Then nag-request ng video call si Trea. Sinagot ko naman ito. Ang mukha niya agad ang bumungad sa akin.

"Anong drama mo?"

"Wala, masakit tiyan ko, eh." sabi ko. Magkatabi sila ni Trois. Tinanong ko kung saan si Mela, ang sagot naman niya ay nasa food table at kumukuha ng pagkain. Naiiling nalang ako. "Mukhang nagkakasiyahan na kayo diyan, ah?"

Hinintay ko siyang sumagot, inayos niya kasi ang pagkakahawak sa phone niya. "Sobra! Ikaw lang ang kulang dito!"

Nakarinig ako ng mga hiyawan. Leche, naiinggit ako. Tapos tumugtog iyong isang sensual na kanta. "Maypa lap dance ba kayo diyan?"

Tumatawa si Trea, kasama na niya ngayon si Mela. Para silang maglulupasay na sa kilig. Panay din ang pagmumura ni Trea tapos tatawa n naman. "Tangina, panuorin mo ito."

Nag-iba bigla ang paligid pero alam kong nasa party pa rin sila. Akala ko nga ay porn kaya nagtakip ako ng mga mata. Naghiyawan ang mga tao sa live video kaya dumilat ako. It was zoomed in kaya nakilala ko na agad ang dalawang taong sumasayaw sa gitna na parang sila lang ang tao sa mundo.

"Si Raj at Clio ba 'yan?!" 'Di makapaniwalang bulalas ko. Tumawa ako ng malakas. Tangina! Nakakakilig!

Naglalaro pala sila ng newspaper dance, nakita ko kasing may papel sa sahig na nasa gitna nila. Tangina ito! Tinalo pa ang porn sa sobrang exciting! Maya-maya pa ay huminto na ang tugtog at biglang binuhat ni Raj si Clio na parang isang sex position.

Putangina! Nakakakilig talaga! Walang sinabi ang KathNiel, LizQuen at JaDine sa hiyawan ng mga nanunuod sa kanila. Pati ako ay panay ang tili sa kilig. Sana all! Tangina! Nakatulog tuloy ako ng may ngiti sa labi.



Downtown Girls: Arrivederci SantanderWhere stories live. Discover now