Prologue

30 4 0
                                    

“Ate! Kain na muna tayo. Nagugutom na 'ko grabe. Never talaga akong hindi mapapagod pag namamasyal eh!”

Natawa na lang ako habang nagrereklamo ang kapatid ko na pagod na daw siya. Knowing her, panigurado ay mas gugustuhin niyang magstay sa bahay at manood ng korean dramas at pagpantasyahan ang mga koreano doon. Unlike me. Mas gugustuhin kong pasakitin ang ulo ko sa mga napapanood ko kaysa pangarapin ang taong hindi naman alam kung nag-eexist ka.

“We rarely do this. So please don't complain anymore. At isa pa, binili ko na nga ang lahat ng gusto mo. Nagrereklamo ka pa din?” ani ko habang tumitingala sa mga kainan na nasa food court.

She giggled.

“Hehehe sorry na ate. Pero totoo naman na pagod na talaga ako eh hahaha!” i just sighed.

“Where do you want to eat?” I asked because I can't even choose what to choose. Feeling ko ay masarap lahat.

“Greenwich na lang ate. I'm craving for a lasagna and chicken eh.”

I nodded.

We went to the fast food chain and asked Arabella to look for a table.

“Good evening ma'am! Welcome to Greenwich. May I take your order please?”

“A lasagna supreme with chicken. And Spaghetti with chicken meal please. Thank you.” I smiled as i gave her the bill.

“Here's your change ma'am. Here is your number too.” aniya at binigay ang isang number para ma-distinguish ka ng waiter.

“Salamat.” at nagpunta na ako sa table namin ni Arabella.

“Thank you ate. You are busy with your work but you managed to make time for me. I appreciate it.” ngiti niya at napangiti din ako dahil doon.

I miss to be with my sister again. Masaya akong nalaanan ko siya ng oras ko kahit hindi ganoon katagal.

Dumating ang mga inorder namin at masaya kaming magkuwentuhan.

“Is it really hard ate? You're a GS. You spent hours in the operating room. Then after non you do rounds. It's hard isn't it?” Napaisip ako sa sinabi niya.

Tama siya. Mahirap talaga. But the smile of the patients and their family keeps us encouraged. Nakakalakas makita na ang mga pasyenteng pinaghirapan mong dugtungan ang buhay ay haharap sayo. Pinapakitang naging tagumpay ang trabaho mo.

“Yes it's hard. There are lives that we can't save but i know that we did our best to save them. Alam mo while doing rounds, ang saya sa pakiramdam na nakikita mo yung patients mo na nakahiga lang sa loob ng operating room, makikita mo ulit yung ngiti nila kasi alam mong naging successful ang operation mo.” ngumiti sa akin si Arabella.

“Gosh ate! I admire you for being passionate about your work. Iba talaga pag mahal mo yung ginagawa mo ano?”

Natawa na lang ako. The same old Arabella. Ang kapatid kong hinahangaan ako sa lahat ng bagay na ginagawa ko.

“Oo nga pala ate! Nood tayo movie mamaya? Sa kwarto mo?”

Magsasalita na sana ako kaso naunahan na niya ako.

“Pero ayoko ng mga Sherlock Holmes, Prisoners, Memento, Seven, Shutter Island, tsaka iba pang detective movies ate! Ayoko na niyan sawa na 'ko! Halos lahat ng DVD mo ganoon eh. E detective conan lang naman ang naiintindihan kong detective movie! Tsaka isa pa, kapag nanonood ka ng kdrama ay puro law lang naman ang pinapanood mo! Punong puno ng ampalaya ang katawan mo, kaya ayan tuloy ay bitter ka sa mga bida!” angal niya. Well I told you, ako pa ang inaya niya e puro detective movies lang ang pinapanood ko. At tsaka ako? Bitter? Hello!

Traits Of A Murderer Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ