3

63 7 3
                                    

Seven

"Sir, someone wants to see you." I looked at the maid and immediately rolled my eyes.

"Someone?" I asked her and raised an eyebrow.

Pabalibag na isinara ang pinto ng bagong dating na kaibigan at halos mabingi ako.

"Wala ka bang balak umalis sa office mo? ni hindi kana naa-arawang bakla ka! mukha ka ng bangkay!" sabay hila sa buhok ko.

Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa na parang kumausap lang siya sa hangin. At isa pa tinatamad akong magsalita.

"Tumawag nga pala ang kapatid mo sakin last night. At mabuti na din yon para dalawa na kaming manggulo sayo." Sabi niya habang tinitignan mga papeles na nasa table ko.

Napabuntong hininga na lang ako sa huli niyang sinabi. Another sakit ng ulo na naman madagdagan neto.

Naglalakad ako ng mabilis palabas ng lobby at nakasunod sa akin ang bestfriend ko. Saktong may humintong sasakyan sa harapan namin. Pumasok ako at sinara ang pinto. Ang init ng panahon.

"Mall." I said while looking outside the window.

"Pakibaba ako sa condo ko, at ikaw mag iingat ka ha. Huwag ka papakamatay." Tumango na lang ako bago pako maasar talaga sa malditang toh.

Bago bumaba ang bruha eh niyakap at hinalikan muna ako sa pisngi at nagpatuloy ang byahe ng ilang minuto.

"I'll be back at 5:00." I said when the car stopped in front of the main entrance of the mall.

I walked inside. I'm just planning to walk around. Wala ako sa mood dumeretso sa condo.

Aware naman akong tinitignan ako ng mga kababaihan-- or should staring at me while im serious.

"What the f---?" I looked at the lady who bumped me.

"Sorry!" Nakayukong paumanhin niya ng paulit-ulit habang pinupulot ang mga nalaglag na papel. Tinulungan ko na lang siya dahil sa tingin ko hindi naman niya sinasadya at mukhang nagmamadali.

Ibibigay ko na sana sa kanya ang huling napulot kaso she ran away na. Inayos ko na lang ang nagusot kong damit at tinago ang papel sa bulsa ko.

Habang naglalakad ako, nahagip ng mata ko ang starbucks coffee. Pumasok na lang ako at nag order. Umupo ako para hintayin ang order. Nilabas ko ang cellphone kasabay ng napulot ko kanina.

"He's so handsome." I heard someone whisper. Habang naghihintay ako ng order, nagkunwari na lang ako ng walang narinig. Saka ko tinignan ang nakatuping kapirasong papel.

Papalabas nako ng starbucks nang nahagip ko yung babaeng nakabanggaan ko. Tinitignan niya ang dakit na nakapaloob sa salamin. Hindi ko alam kung bakit tila ayaw ko siyang mawala sa paningin ko. Hipokrita ako kung di ko sasabihing maganda siya. Gusto ko ang kulay ng mga mata niya. Mapungay huh, at pinkish lips. Simole lang manamit pero ang lakas ng dating. Isasauli ko sana yung papel kaso paglingon ko ulit ay wala na siya.

Tinignan ko na lang ang papel. Huh, Victorina A. Mendoza huh? Napailing na lang ako at napagpasyahang lumabas ng mall.

Alas-onse na nang gabi, as usual di na naman ako madalaw ng antok. Kaya napagpasyahan kong uminom na lang. Pampaantok kumbaga. Saka ako dumiretso sa sala at sinindi ang T.V ..

I remember again. My mom and my ex-girlfriend. The sweet smile from my mom, and my dreams for my girlfriend to soon to be my wife. My future. Huminga ako ng malalim, para na naman akong mawawalan ng hangin sa baga kapag naalala ko yon.

Napangiti na lang ako ng mapait. Mga ala-alang bigla na lang gumuho. At hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili.

Namalayan ko na lang ang luha ko nung nalasahan ko sa pagsabay ng lagok ko sa hawak kong baso. Pinunasan ko na lang ang basang pisngi ko sa likod ng palad ko.

LIES and TRUST MEWhere stories live. Discover now