Day One

0 0 0
                                    

Nakapikit ako ngayon habang nakabuka ang aking mga kamay at dinadama ang hangin.

Kay sarap ng hangin sa mundo ng mga tao!

Niyakap ko ang sarili ko na parang niyayakap ko ang hangin.  Sumayaw pa ako habang nakapikit dahil parang henehele ako ng musika ng hangin.

Hmm...hmm...hmmm...

"Hay..." Bigkas ko sabay mulat. Ngunit napawi ang ngiti ko nang makita ang mga taong bumubungisngis sa direksyon ko. Kumunot naman ang aking noo.

"Bakit nila ako tinatawanan? Dinadama ko lang naman ang hangin. Hmm, mga tao talaga" nakangiwi kong bulong.

Kinuha ko na lamang ang maleta ko at tinignan ang address na binigay ni Mr. G kung saan ako tutuloy.

Maraming tao ngayon at nag-aabang ng masasakyan kaya nahirapan ako dahil unahan.

Napapakamot na lang ako sa ulo ko 'tuwing may nakakauna sa akin.

Buti na lang at mahaba pasensya ko.

Ngayon ay mas alerto ako sa paparating na taxi. Itinaas ko agad ang kamay ko para magpara.

"Mr. G please, sana makasakay na ako. Gusto ko ng magpahinga" reklamo ko. Kanina pa kaya ako nakatayo. Ang sakit na nga ng dapan ko.

Luckily, huminto ang taxi sa harap ko. Lumawak ang ngiti ko ngunit makikipag unahan sana mga tao pero hinarangan ko sila.

"Hep! Hep! Hep! Ako ang nauna. Kanina pa ako nakatayo, nagpakababa ako. Tiniis ko lahat ng paghihintay kahit masakit na ang dapan ko. Gusto ko ng pumunta sa titirhan ko. Kaya kayong mga tao akin na 'to!" Mabilis ko silang tinalikuran at sumakay sa taxi. Sa pagkakaupo ko ay nakaginhawa ako. Unti-unti na ring sumakit ang tuhod ko. Nangalay ata.

"Hay, 'no bayan! Gusto ko ng pahinga..." Nakasandal ako sa upuan at nakabukaka ang mga paa dahil sa ngalay. Nakapikit na rin ako dahil sa pagod.

"Ser, saan po tayo?" Sabi ni manong driver.

"Ser? Manong babae ho ako. Mahaba po buhok ko kita niyo naman siguro" sabi ko habang nakapikit pa rin.

Baliw ata 'tong si manong. 'Di marunong tumingin ng dyosa. Chos!

"Ah, hindi ho kayo. Si Ser ho" may pag-aalinlangang saad ni manong driver.

"Sa Khreston University ho" isang malalim na boses ang nagsalita mula sa kaliwa ko. Agad akong napamulat. Unti-unti akong lumingon at nakita ko ang isang lalaking nakauniform. May puting polo sa loob ang kanyang uniporme at nakakurbata. May coat rin itong kulay maroon at logo ng kanyang eskwelahaan sa kaliwang dibdib. Akap-akap niya ang kanyang bag habang nakatingin lang sa bintana.

Matangos ang kanyang ilong at super kita ito kasi naka side view. Namumula ang kanyang mga pisngi dahil sa init ng panahon. Kaso walang kaemo-emosyon ang mga mata niya. Parang pasan niya ang mundo. Kawawa naman 'tong taong ito.

"Why are you looking at me?" Sabi niya ng hindi tumitingin sa akin. Ang flat naman ng pagkakasabi niya. Walang emosyon

Nag-almusal kaya siya? Walang kasigla-sigla.

"Pasan mo ba ang mundo?" Wala sa sarili kong tanong. Natauhan lang ako sa nasabi kong salita nang humigpit ang hawak niya sa kanyang bag.

Bumuntong hininga lang siya sa tanong ko

Napakagat ako ng labi at umiwas ng tingin pero binalik ko ulit.

Ilang segundo ko siyang tinitigan.

"Ang gwapo mo. Kaso parang 'di ka naman ngumingiti" bulong ko saka bumuntong hininga ako matapos kong sabihin iyon.

"I don't need your opinion" walang emosyon niyang saad.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: May 14, 2020 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

20 Days of ExistenceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt