38: Far from the end

17 1 0
                                    

Allison

I woke up with a big smile on my face. Nakabalik na rin si dad mula sa business meeting nito. He just asked me if everything's okay. I just nodded my head. Because I know that everything's okay now. And I hope it will stay like that. Ayoko na ng sakit sa ulo.

"Start na ba ng graduation preparation niyo?" tanong ni dad. Nakaupo ito sa lamesa at kumakain. Umupo ako at nagsandok na din.

"I don't know." sagot ko. Si Sheena kasi ang nakaka-alam niyan. Hindi ko naman pinapakialaman yung mga school affairs unless urgent siya or may kinalaman sa akin.

Nang matapos kumain ay nauna ng umalis si dad. Inantay ko pa si Blake na sunduin ako. After telling me all of his secrets I told him to go back to his school go back to being a college student. Ayaw naman niya kasi hindi daw ako kasama. Babalik nalang daw siya next year kapag nasa Saint Claire na daw ako. Kinilig naman ako dahil gusto niya akong kasama pero binatukan ko din kasi uulitin niya yung sophomore year niya. Sayang kaya yun. Pero ayos lang daw kasi hindi niya naman daw nasimulan ang second year niya kasi dito siya sa Claymore pumasok.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na college student na ang boyfriend ko. Tapos future doctor din. Tangina goals. Hahaha. Sasamahan niya pa rin daw ako sa art academy tuwing saturday kapag nag-start na ako next school year.

"Hey, babe. Good morning." Blake went out of his car and walked towards me then kissed my cheek.

"Morning." I greeted back. He opened the door for me and I went inside. Umikot naman siya at sumakay sa driver's side.

"Graduation's just a week away. Kasama ka naming ga-graduate?" tanong ko. Ayos lang din naman if sabay kaming ga-graduate kaya lang ay magiging dalawang beses gum-raduate.

"If you want. If you don't, then I'll just come to see you get that valedictorian award." napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

"Should I tell Bridge about you being a college student or not?" I asked him.

"Depends on you." I rolled my eyes. Lagi nalang niya inaasa sa akin ang desisyon.

"Sa graduation nalang. Nga pala, alam din ba nina Tita at Tito pati ni ate Blaire na tumigil ka ng school?"

"Yes. Sila ang unang sinabihan ni chairman tungkol doon sa offer niya." sagot nito.

Sabay kaming bumaba ng kotse niya at naglakad papasok sa classroom. Sobrang ingay ng mga kaklase namin pagkapasok namin. Lalo na sina Dan at Justin na ginugulo ang mga upuan. Si Sheena naman ay kulang nalang umusok ang ilong dahil sa inis niya sa kulit ng dalawa.

"Yahh! Bwisit kayong dalawa!" sigaw niya at hinabol ang dalawa ng walis tambo. Nanlaki naman ang mata nila at sabay na tumakbo palabas ng classroom at agad naman silang hinabol ni Sheena. Napuno naman ng tawanan ang kwarto. I sat on my desk while Blake went to his seat too. Si Bridgette naman ay agad lumapit sa akin.

"Oh, ayos ka na? Bwisit ka ilang araw din akong nagluto at naglinis ng bahay niyo ah." reklamo nito. Pinakita niya pa ang kuko niya na tanggal na ang manicure dahil sa kakalinis daw na ginawa niya.

"Nga pala wala na daw class para focus na tayo sa graduation. Nagkaka gulo na nga yung ibang section dahil sa pag-paplano para sa design ng senior's prom three days from now." sabi nito. Kaya pala parang ang ingay kanina sa corridors.

"Oh? Saan daw gagawin? Dito lang ba sa school or aarkila pa ng venue?" kadalasan kasi ay nagho-hotel ang Claymore para sa senior's prom. Tsaka taon taon ding inaabangan ang prom namin dahil sa sobrang engrande. Mula sa design hanggang sa venue ay kaming mga students ang nagde-decide.

The Project PerfectWhere stories live. Discover now