32

2.8K 52 18
                                    

Hindi na kami nagtagal pa sa loob ng Fort Santiago at nagpasyang pumasok na. Sakto naman akong nakarating sa campus kaya hindi ako napagalitan na late o ano.

Buong umaga kaming naging busy dahil sa sunod sunod na bigay ng requirements ng mga professor namin. I get it naman kasi seniors na kami at ilang linggo na lang mula ngayon ay tapos na kami sa pag-aaral pero hindi ko parin maiwasang magreklamo dahil nakakapagod naman talaga.

Hindi na madali ang mag-aral. Kaya lang naman kami nagrereklamo eh kasi wala kaming magawa kundi ang mag-comply because it is for our future. I guess students do that to release stress and all pero hindi naman aabot sa pagkakataon na susuko kami.

Nang lumabas ang prof namin bago maglunch ay agad king ginulo si Sav dahil abalang abala ito sa pagkukumpuni ng school works niya.

"Alam mo mas lalong hindi matutuwa si Salem kapag nagkita kayo at nalaman niyang hindi ka mag-lulunch." sabi ko. Alam kong makikipag-usap din siya kay Salem mamayang pagkatapos ng klase namin.

Dahil sa ginawa naming open forum ay naliwanagan kami sa kung ano anong bagay.

"I need to finish this, Irish. Tulungan mo na lang kaya ako. Atsaka mabilis lang to." sabi niya sa akin kaya sinimangutan ko siya. Nagugutom na ako. Naalala kong frappe lang ang almusal ko kaninang umaga.

"Ayoko ngang tulungan ka. Nagugutom na ako, Sav. Mamaya na lang yan may vacant naman tayo after nito eh. Tara na." pagmamaktol ko. Sa huli nanaig ang pagiging makulit ko kaya wala siyang nagawa kundi iwan ang ginagawa niya at sumama sa akin.

Nang makababa kami ay nagulat ako ng makita ko si Kian na nag-aabang sa akin. Sa akin unang dumapo ang tingin niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Akala ko ba decided ka na." she whispered and I nodded.

"Pwede naman humingi ng kunting araw diba?" sagot ko and she smiled. Kumaway sa amin si Kian kaya lumapit kami sa kanya.

"San niyo gusto kumain girls?" he asks.

"Wag kang ano. Manlilibre ka ba?" sagot ko at sininghalan naman niya ako.

"Bilhin pa kita eh." namula naman ako sa kanyang komento kaya kaagad ko siyang hinampas sa braso at ang gago ay tumawa lang sa ginawa ko.

"I will sure miss this Kian-Irish banter." sabat naman ni Sav kaya natahimik ako bigla.

"Uhm, tara na." putol ni Kian sa katahimikan na unti unting bumabalot sa amin. Badtrip tong si Sav eh.

"Pasmado bibig mo no?" bulong ko sa kanya at kinurot naman niya ang tagiliran ko kaya napadaing ako ng mahina.

"Sorry na. Hindi ko sinasadya." she replied at hinila siya para mapabilis ang lakad namin at maabutan namin si Kian.

Pero honestly, I agree on what Sav said earlier. I will surely miss our banter.

Naging mabilis ang oras pagkatapos ng lunch namin. Hindi ko namalayan na uwian na pala. Pagkababa ko ng building namin ay agad ko na namang nakita si Kian na nag-aabang sa akin.

"Bakit ka ba laging nandito?" asar ko at ngumiti lang siya.

"Gusto mong sumama?" he asks and I raised my brows at him. "This is a friendly gesture, Irish."

"Saan naman tayo pupunta aber?" tanong ko at nginitian naman niya ako.

"Sasama ka ba?"

"Makakatanggi ba ako sa tanong mo?" tanong ko pabalik at ngumiti naman siya sa akin.

"Fair enough. Let's go." he said and I followed him towards his car.

Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa pupuntahan daw namin. Napakunot ang noo ko ng makita ang pinuntahan namin.

"Bakit tayo nasa hospital? May nangyari ba?" I asked and he smiled.

"Alam kong ang gago ko kasi sinama kita dito pero gusto kong ikaw ang kasama ko sa panahong to." he answered and pulled me towards the entrance of the hospital. Sabay kaming pumunta sa reception at nagsimula siyang makipag-usap sa nurse.

Pinagmasdan ko ang buong hospital at hinayaan siyang makipag-usap doon. Naramdaman ko na lang na hinihila na niya ako patungo sa kung saan.

"Bakit ba kasi tayo nandito?" I asks habang nasa elevator kami. He kissed the back of my hands then the elevator dings. Nakita kong nakaupo si Imee sa isang bench dito sa hospital.

"Thank Heavens, you are here." sabi ni Imee at nginitian ako. Nginitian ko siya pabalik. Wala akong sama ng loob o kahit ano kay Imee. What they did was a mistake but the baby is never a mistake.

"Irish, hindi ko alam na sasama ka pala. Feeling ko tuloy ang laki ng kasalanan ko sa inyo." she said and look down. Binitawan ko ang kamay ni Kian at nilapitan siya.

"I told you na okay lang, Imee. Besides, I'm here to support the both of you." I said and she nodded.

"Nandyan na ba si Doc?" tanong ni Kian sa kanya.

"Maghintay lang daw ako ng unti tapos next na ako. Sabi ko naman kasi sayo na kahit ako nalang muna." reklamo ni Imee kaya napangiti ako. Alam kong dapat akong masaktan sa nasasaksihan ko ngayon pero wala akong ni isang nararamdaman na galit.

"Hindi ko hahayaan na wala ako ngayon no. Ilang checkup mo na na wala ako at pinapagalitan na ako ng nanay ko." she nodded.

"Hindi ko alam na sinabi mo na kay Tita." sambit ko and he scratched the back of his head.

"Nung nakaraang araw lang kasi nag-away kami ni Johan kaya ayun." sabi niya at tumango naman ako.

"Ms. Hernandez, kayo na po." the nurse called Imee and she stood up.

"Dito na lang ako. Hintayin ko nalang kayo dito." sabi ko at nagulat ako ng kunin ni Imee ang kamay ko.

"Sumama ka na sa loob, Irish. I owe you everything and hindi ko alam kung paani kita babayaran pero atleast sumama ka lang." she pleads and I sighed.

Pagiging martyr ba ang ginagawa ko? I don't think so. The moment na nag-usap kami ni Imee noon ay tinanggap ko na. Naging maayos din ang pag-uusap na nangyari sa amin ni Kian kanina kaya I don't have any grudge towards the both of them.

Matapos magpalit ni Imee into a hospital gown ay agad siyang nilagyan ng kung ano sa tiyan niya at sinimulan na ang ultrasound. Namangha naman ako sa nakikita ko. The baby is alive and moving inside of Imee. It is still small though pero alam kong buhay ito.

Napatingin ako kay Kian at nakita siyang namamangha din sa nakikita niya. Napatingin ako kay Imee na siyang tumingin pabalik sa akin at kay Kian. Sabay kaming natawa.

"Dapat pala kunuhaan kita ng picture." sabi ko at umagree naman sa akin si Imee.

"Ang bully niyong dalawa. Sa susunod hindi na ako sasama dito." sagot niya at tumawa lang ulit kaming dalawa ni Imee at pinagmasdan ang munting buhay sa loob ng tiyan niya.

'Alagaan mo ang daddy mo, baby. I may not be there for him but I know na ikaw ang papalit sa akin.' I thought to myself.

•••
Nararamdaman ko na yung galit niyo but it is what it is HAHAHAHAHAA 3 chapters left.

Blinded (Montenegro Series #2)Where stories live. Discover now