Special Chapter

14 1 0
                                    

Naisip ko na... what if I told Felix about what I really felt about him. How he simply completes my day and gives color to it? Gusto ko ring malaman niya na sobra niya akong napapasaya kahit wala naman siyang ginagawa. May magbabago ba sa aming dalawa? What if gusto niya rin pala ako pero naghihintay lang pala siya ng tamang oras para magsabi ng nararamdaman niya para sa akin?

Napaka imposible naman kung gano'n ang sitwasyon. Nalilito kasi ako. Alam kong wala naman siyang gusto sa akin pero sobrang caring niya pag dating sa akin. Paano kung hindi lang pala sa akin lang siya caring? Nag mukha naman akong assuming at tanga. Ang pangit naman tignan.

"Gusto mo pa rin ba si Callante?" tanong sa akin ni Bylth. Umiling ako. "Bakit naman? Ano bang nangyari bakit hindi mo na siya gusto?"

"Tumigil na ako kasi ayoko nang pagurin ang sarili ko kakahabol sa taong hindi ako gusto." I smiled at her. Nandito kami ngayon sa isang park. Maraming tao ang narito ngayon dahil Sabado.

"Sabagay. Tama ka naman, maganda ang pinili mong desisyon para sa sarili mo." aniya. Huminga ako nang malalim. Nilabas ko ang larawan ni Felix na pina-develop ko noong gusto ko pa siya.

"It's time to put some memories in the past and move forward." Sinindihan ko ito at pinanood na masunog. Susunugin ko na rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayoko nang pagurin ang sarili ko kakahabol sa taong takbo nang takbo papalayo.

"Bakit nga ba laging naghahabol ang tao sa taong mahal niya, Elsinah?" Tumawa ako sa sinabi ni Bylth. Gago 'to!

"Hindi ko rin alam, e. Siguro takot silang mahalin ang taong mahal sila? Siguro hindi pa sila handa? Siguro yung taong mahal nila ay hindi para sa kanila?" Lahat ng sagot ko ay hindi sigurado. Tanong ko rin 'yan sa sarili ko.

Maraming beses na akong nagmahal pero ni isa walang nagbalik sa akin ng pagmamahal sa binigay ko. Hindi ko alam kung bakit dahil simple lang naman ang gagawin. Ibabalik lang pero choice na nila 'yon, e kung ibabalik ba o ipagdadamot.

"Mapanakit talaga ang pagibig, no?" aniya. Tumango ako, tama si Bylth.

"Ikaw ba, Bylth, nasubukan mo na bang maghabol?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Isang beses." ngumiti siya. "Akala ko kasi may pagasa pang babalik si Xenon pero wala, e. Hindi na siya bumalik. Pinili niyang umalis sa buhay ko, nainis ako sa ginawa niya pero pinatawad ko rin siya." Classmate namin si Xenon na umalis papuntang Amerika para ipagpatuloy ang career sa basketball. Kaibigan nito si Felix bago sila lumipat ng JACIU.

"Natatandaan ko pa na ako messenger niyo, bwisit kayong dalawa. Hindi ba kayo marunong gumamit ng Messenger? May cellphone naman kayo, ah." tumawa kaming dalawa. Ayaw kasi nilang pinapakita sa ibang tao na nag-uusap sila. Umiiwas silas sa issue, bilang mabuting kaibigan ay tinulungan ko na lang sila. Kaibigan ko rin si Xenon dahil kay Felix. Sa akin silang dalawa laging kumokopya tuwing may exam, buti nga nagre-review ako dahil kung hindi malas kami.

"Hindi ka na messenger ngayon."

"Mabuti naman. Sarap niyo kayang kotongan! Buti na lang nililibre niyo ako sa Mcdo tuwing may date kayo. Bwisit!" Tumawa ulit ako. Pumapayag akong maging third wheel basta ba ililibre ako. Kuripot ako, e at saka nagiipon ako. Mahirap na dahil maliit lang naman ang baon ko, gusto kong pumunta sa Ilocos mag-isa. Gusto ko rin magkaroon ng sarili kotse at tirahan kapag third or fourth year college student na ako. First year pa lang kasi ako ngayon, ang hirap ng buhay na nasa kolehiyo.

"Thank you gift na namin sa'yo 'yon! Napaka-kuripot mo kasi, simpleng ice cream lang nagpapa-libre ka pa. Magkano lang naman 'yon, 30 pesos lang!"

"Gano'n talaga. Ang tawag do'n ay Millionaire Mind! Syempre, joke lang 'yon. Try mo kaya manood ng vlogs ni Cong TV. Sigurado akong magugustuhan mo 'yon." Binuksan ko ang cellphone ko at nagpakita sa kanya ng mga favorite videos ko ni Cong TV.

"Ewan ko sa'yo. Ay— oo nga pala, nasaan na yung pinangako mong bibilhan mo 'ko ng gitara? Isang taon na 'yon, ah!" Tinapik niya ako sa likod at ginulo ang buhok ko. Ang bigat talaga ng kamay nitong babaeng 'to, magkakapasa ako nito, e!

"Nasa bahay na. Hindi ka naman kasi pumupunta sa bahay, nakakalimutan ko tuloy. Don't worry, hindi ko naman ginagalaw 'yon simula nung binili ko." Tumili siya at niyakap ako.

"Thank you so much, El! You're the best talaga! Napaka-galante mo, sana sa friends mo lang. Dapat sa amin mga friends mo lang ikaw galante, ah?" Tumango ako. Maraming nagsasabi na sobrang galante ko, I disagree with them. Galante ako sa mga ngiti nila tuwing nireregaluhan ko sila. Solb na ako do'n, ngiti 'yon.

"Sa susunod na yung electric guitar mo, ah? Medyo mahal 'yon, e. Acoustic guitar at amplifier muna, tutal mahilig kang mag cover ng kanta sa mga café. Pinaka maganda gitara ang kinuha ko para sa'yo kaya ingatan mo." saad ko.

"Oo, thank you ulit! Iingatan ko 'yon kasi alam ko ang pakiramdam ng hindi iniingatan."

"Gaga ka talaga. Halika na nga! Umuwi na tayo, hanapin pa tayo ni tita. Baka i-pukpok pa sa atin yung thesis natin." Nag tawanan kami nang malakas.

"Oo, tara na."

Special Chapter para sa aking munting kaibigan, 22lexyomii_. I love you, gaga! See you after MECQ!

I Love You, FelixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon