[50]

1.9K 41 0
                                    

[Chapter 50]

The car where Carver and i was riding stopped infront of a huge mansion. Sa sobrang laki nito ay hindi ito kayang masakop ng buong paningin ko. Kinakailangan ko pang luminga para makita ang pinaka dulong bahagi nito.

Natigil ako sa pamamangha sa lugar ng hawakan ni Carver ang kamay ko at inakay ako papasok sa loob. Sa labas pa lamang ay maririnig na ang maganda at masarap sa pandinig na musikang nanggagaling sa loob ng mansyon. May isang lalaki ang bumati sa amin ng papasok na kami sa malaking pinto ng mansyon.

"Good evening Mr. Hugo and Mrs. Noir." The butler looking guy bow his head to us. Making me feel a little uncomfortable, pakiramdam ko ay ang taas taas kong tao para batiin niya ako sa ganoong paraan kahit na ang totoo ay hindi naman dapat. I felt Carver's arm wrapped in my waist as we finally enter the mansion.

My jaw almost dropped on amusement when i saw beautiful and sophisticated ladies on their own evening dresses. The way they move shows how influential and wealthy people they are, even the gentlemen. The way they stand straight shouts the authority they have just like the man beside me.

"Who are these people?" I asked Carver.

"From my world." Dumiretso kami sa isang mesa pero bago pa man kami makadiretso sa isang bakanteng mesa ay may humarang sa aming lalaki na mukha nasa edad 40 pataas.

Binati niya si Carver and he also called him Hugo so i think he was part of the underground thing because they started to talk about assasination and illegal things. Nagpaalam ako kay Carver na mauuna na sa table dahil mukhang matatagalan pa ang pag uusap nila at mukhang importante ito. I can't stand that long with this pair of heels i was wearing. Pumayag naman siya at hinayaan ako pero ramdam ko parin ang pagtitig niya hanggang sa makaupo ako.

Pag upo ko ay siya namang pagbaba ng isang lalaki ng pagkain sa table ko. "Enjoy the night, Madam." Anito at umalis na.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng mansion. There's a huge and long staircase in the middle while there's also a space where ladies and gentlemen are free to dance with the slow melody that was played by a group of band at the side. Tumama ang tingin ko kay Carver na ngayon ay palihim na tumitingin sa direksyon ko habang kausap parin ang lalaki. Bumuntong hininga na lamang ako at ibinaba sa pagkaing nakahain sa harap ko ang tingin. Hindi ito pamilyar sa akin pero sa itsura at amoy pa lamang nito ay halatang masarap ito at gawa ng isang propesyonal.

Hindi pa naman ako gaanong gutom kaya tumikim lamang ako ng kaunti sa pagkain. Tama nga ako, masarap ito at nanunuot ang linamnam nito sa panlasa ko. Napaangat ang tingin ko sa tabi ko ng bumalik ang lalaking nagbigay sa akin ng pagkain. May hawak itong wine at nakangiti ng malawak sa akin.

"Do you want some wine Madam?" Tanong nito. Tumingin naman ako sa hawak nitong wine at tumango. Hindi pa ako nakakatikim ng wine sa tanang ng buhay ko kaya naman agad akong napapayag sa alok nito.

Umalis na rin agad ang lalaki matapos niyang lagyan ng kalahating wine ang baso. Bahagya akong napangiti ng marahan at maingat kong paikutin ang wine sa hawak kong wine glass upang mahalo ito at lumabas ang mabangong amoy. Ganito ang napapanood ko sa tv na ginagawa ng mga bida kapag umiinom sila ng wine at natutuwa ako na matagumpay kong naamoy ang mabangong halimuyak ng inumin.

"You look adorable." A girl in my age sat beside me.  Agad kong napansin ang pares ng itim at mapupungay niyang mga mata. She's wearing a gold evening dress and she have a long and silky hair. Ngumiti ako sa kanya na siyang sinuklian rin niya ng ngiti.

"Hi, i saw you earlier with that man." She said and pointed on Carver's back that is now facing us. Ngayon ko lang napansin na nadagdagan na ng dalawa ang kausap nito.

Chase of DeathWhere stories live. Discover now