A Love For Eternity - 2

2 1 0
                                    

“Pasensya na po kayo sa ginawang pagsugod dito ng Mama ko at sa mga inasal niya. Ako na po ang humihingi ng paumanhin para sa kanila.” mapagkumbabang sabi ni Liam sa mga magulang ko.

Nandito na kami ngayon sa bahay namin. Dito na namin napiling dumiretso pagkatapos ng mga nangyari kanina. Mas okay na kasi dito, mas safe at mas komportable dahil kasama ko ang pamilya ko. Marami kaming magtatanggol sa isa’t-isa kung sakali mang may biglang mangyari. Useless naman kasi kung magho-hotel o lalayo pa kami. Bukod sa magastos, tiyak na kahit saanman kami mapunta, paniguradong makikita’t mahahanap kami ng pamilya ni Liam. Sa lakas ng kapangyarihan, koneksyon at lawak ng yaman nila, imposibleng hindi nila kami matunton. Alam kong gagawa at gagawa sila ng paraan para makuha si Liam at tuluyan kaming mapaghiwalay.

“Naku, iho, huwag mo nang isipin ‘yun. Ang mahalaga, ipinaglaban mo ang nararamdaman mo para sa anak ko. Hindi mo siya iniwan at pinabayaan kahit masyado nang mahirap at magulo ang sitwasyon. Ang makitang karapat-dapat ka para sa sa pagmamahal ng anak ko, ang makitang masaya ang anak namin, ay kasiyahan na din namin. Sapat na ‘yun para mapatunayan mo ang sarili mo sa amin. Kaya salamat sa’yo, iho. Salamat na rin sa paghingi mo ng dispensa sa ginawa ng mga magulang mo. Alam mo, napakabuti mo talagang bata. Kaya magaan ang loob namin sa’yo, eh.” nakangiting sabi  ni nanay.

Napangiti na din si Liam. “Salamat din po. Mahal na mahal ko po si Reena. Hindi ko siya kayang iwan anuman ang mangyari. Gagawin ko po ang lahat nang makakaya ko para hindi po kami magkahiwalay, kahit pa kalabanin ko ang sarili kong pamilya.”

Tumango si nanay bago muling sumagot. “Sana nga’y hindi na kayo magkahiwalay. Sana’y maintindihan at matanggap na ng mga magulang mo ang pagmamahalan niyo. Para matapos na ang gulong ito. ‘Yan nalang naman ang aking ipinagdarasal.”

“Ipinagdarasal ko din ‘yan..” biglang singit naman ni tatay. “Nawa’y makita din ng mga magulang mo ang kamalian sa panghuhusga at pagmamaliit sa pamilya namin. Kahit ganito kami, hindi mayaman tulad niyo, sana isipin nilang hindi kami katulad ng iba na may masamang motibo o hangarin sa inyo.
Hindi pera niyo ang pakay ni Reena. Talagang ikaw lang ang nagustuhan at minahal ng anak ko at bilang mga magulang niya, sinusuportahan namin siya. Wala sa amin ang naghahangad ng inyong yaman. Hindi kami gano’ng mga tao. Salat man kami sa yaman, pero hindi ang magagandang-aral at asal na
itinuro namin sa pagpapalaki ng aming anak. Isa pa, masaya at kuntento kami sa ganitong buhay.”

“Alam ko po ‘yan, naiintindihan ko at  naniniwala po ako sa inyo. Kaya nga po nagustuhan at minahal ko si Reena dahil alam kong mabuti siyang tao at galing pa sa mabuting pamilya. Pasensya na po talaga sa lahat ng gulong dinala ng pamilya ko. Sorry po talaga.” sagot ni Liam dahilan para tumango at tipid na ngumiti si tatay.

“Salamat, iho. Naiintindihan ka namin pati na ang sitwasyon. ‘Wag mo nang masyadong alalahanin 'yun sa ngayon. Sige na, magpahinga na kayong dalawa. Alam kong masyado nang naging mahaba ang araw na ‘to para sa inyo. Sige na, matulog na kayo.” utos ni tatay na sabay naming tinanguan. Nagpaalam na kami at agad na tumungo sa aking kwarto.

Nasa ikalawang palapag ng bahay ang aking kwarto. Maliit lamang iyon. Pagkabukas mo ng pinto ay agad bubungad sa gilid ang may katamtamang laking kama na nababalutan ng pink na bedsheet. Sa ibabaw nito ay maayos na nakalagay ang apat na pirasong unan at isang kumot. Sa harap naman ng kama ay nakalagay ang cabinet at sa ibabaw niyon ay nakalagay ang iilang gamit tulad ng lotion, pulbos, sanitary napkins, perfume at make-up. Sa gawing kanan ay may isang munting bintana na nababalutan ng manipis na bulaklaking kurtina. Sa tabi nun ay isang mesa at upuan na nagsisilbing study table ko. Sa ibabaw nun ay ilang libro at may dalawang picture frames—ang una ay kuha ko kasama sina nanay at tatay noong graduation ko samantalang ang pangalawa ay kuha naman namin ni Liam noong unang anibersaryo namin. Simple lamang ang ayos ng kwarto ko pero maayos iyon at malinis.

A Love For Eternity [On-Going]Where stories live. Discover now