PROLOGUE

4 1 0
                                    


Papunta na ako ng school, it's already 7:20 in the morning after a few minutes nasa harap na ako ng Gate ng school namin. Bumaba na ako ng sinasakyan kong kotse.

"HELLION UNIVERSITY." Basa ko sa pangalan ng school namin.

Nagsimula na akong maglakad sa pasilyo, papuntang room isa nga pala akong Grade 12 student. Matangkad, maganda, matalino, mayaman almost perfect. Bawat hakbang ko ay tila inaabangan ng bawat estudyante rito, maraming iba na hindi makapaniwala maraming ring napapaatras sa hindi ko malamang dahilan, simula ng pumasok ako rito every morning ganyan sila. Hindi ko alam kung ano ang problema.

"Sya ba talaga yon?"

"Oo nga, paano nangyare yon?"

"Baka hindi rin sya"

"Kumalat ang buong balita sa school natin kaya imposebleng sya yon"

"Pero, sya yon "

Ayan ang bulong bulongan sa paligid, habang ako ay naglalakad hindi ko napansin na may mababangga akong tao mali isa silang grupo. Grupo ng mga lalaki, 3 sila, seryosong nakatingin sa akin ang isa, samatalang nagulat naman ang dalawa.

"A-aerien? Aerien Jane Vilasco?," Nauutal na tanong ng lalaking nasa unahan sya siguro ang leader ng grupo.

"Who's Aerien?," Nagtatakang tanong ko rito

"Ah eh" Hindi nya sinagot ang tanong ko

"Hindi ako si Aerien," Deritsong sagot ko rito

"Okay," Sagot nito, at aakmang aalis na sila ng magsalita ako

"Bakit mo'ko napagkamalang si Aerien?"

"Wala, at mas mabuting wala kang alam" Seryosong sagot nito at tuluyan na silang umalis sa harapan ko.

Sino ba talaga si Aerien Jane Vilasco?, Bakit napapagkamalan nilang ako iyon.

"Chloe!?" Napalingon ako sa tumawag sa akin nakita ko si Sophia, bagong kaibigan ko rito.

"Bakit?,"

"Tara na, late na tayo. Napagkamalang ka nanaman siguro," Aya nito at hinila na ako paakyat ng hagdan.




THIS IS ONLY A BEGINNING AND NOT THE ENDING

I am Chloe Aezra Ferrer student of HELLION UNIVERSITY.






~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N
This is my second Story, Hindi ko pa natapos iyong una pero ito Tatapusin ko.

Bago palang ako sa pagsusulat ng Mystery pero gagawin ko lahat para maging maganda itong story na ito.

Kung may kaparehas man itong ginawa ko iyon ay nagkataon lamang na parehas kami ng ideya, ito galing lahat sa imagination ni author.

PLAGIARISM IS A CRIME

🖤All right reserved 2020🖤

Heiya_Earl

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WHO IS THE KILLERWhere stories live. Discover now