Chapter 25: Safe

42 2 0
                                    

Arleigh is always too much. And she will always be too much. - Ephilus

PAREHONG tahimik lang na nakaupo sina Arleigh at Brent sa backseat ng sasakyan. Si Gabriel ang kasalukuyang nagmamaneho.

Wala pang tatlumpung minuto ay nasa harap na sila ng gate ng isang napakagarang mansion na nasa gitna ng isang malawak na hardin.

Agad silang pinagbuksan ng gate. Tumuloy ang sinasakyan nila at huminto ito sa harap mismo ng pinto ng mansion.

Bumaba si Arleigh kasunod si Brent. Sinalubong sila ng isang nakangiting lalake na nasa 5' 2" lang ang height.

"Nasaan si Glazelyn?" Agad na tanong ni Brent.

Kumunot ang noo ni Brent nang niyukuan sila ng lalake saka nagsalita. "Magandang gabi at maligayang pagbabalik, Arleigh. Kanina pa naghihintay sa iyo si Don Carlos."

"Of course," maikling sagot nito saka naunang pumasok sa loob ng mansion.

Binalingan ng lalake si Brent. "Sumunod po kayo sa akin."

Tumalima naman si Brent nang agad na tumalikod ang lalake at pumasok sa loob.

Bumungad sa kanila ang isang malawak na bulwagan. Sa kaliwa ay may daanan habang nasa kanan naman ang malaking sala. Sa gitna ay may engrandeng hagdan na kulay pula at sa bandang ilalim nito ay isang mini-bar.

Nagtaka si Brent dahil imbes na umakyat sa hagdanan ay iginiya siya ng lalake sa likod ng bar. May pinto roon. Pumasok sila at bumungad ang isang mahaba at puting pasilyo na may pinto ulit sa dulo.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Brent.

"Sa Clavis kung nasaan ang mga kaibigan mo," sagot nito.

"Clavis?" kunot-noong lumingon si Brent sa pinanggalingan. "Hindi pa pala ang bahay na ito ang Clavis? Saan ba iyan?"

"Sumunod ka lang sa akin."

Tumalima ulit si Brent kahit hindi siya lubos na nagtitiwala kaagad. Kailangan lang talaga niyang makita kaagad si Glazelyn upang masigurong ligtas na nga ito.

"Ako nga pala si Sikszent. Sik, for short," pagpapakilala ng lalake nang hindi lumilingon. "Isa rin akong laverian katulad mo."

Nang marating ang dulo ng pasilyo kung saan may pinto ay hinarap siya ni Sik at nginitian. "Handa ka na bang makita ang Clavis?"

Hindi na nito hinintay na sumagot siya. Agad na nitong binuksan ang pinto.

Bumungad sa kanya ang isang napakalawak na bakuran. Isang hindi bababa sa sampung ektaryang lupain. May mahabang puti at sementadong pasilyo na may magagandang halaman at damo sa magkabilang panig. Ang pasilyong ito ang magdadala sa'yo papunta sa isang limang palapag na puting gusali na nakatayo sa gitna mismo ng malawak na bakuran. Isa itong mala-palasyong istruktura na tipong makikita mo lamang sa Europa pero ang kinang at ganda nito ay aakalain mong makikita mo lamang sa panaginip. 

At ang pinaka-nakakamangha sa lahat? 

Maliwanag ang kapaligiran. Nakakasilaw kung tutuusin. Halos puti ang lahat ng kanyang natatanaw maliban sa mga damo, halaman at mga punuan sa dulo at sa bandang likuran ng gusali. 

Tiningnan niya ang kanya relo sa kaliwang pulso. 11:45 PM. 

Hindi napigilan ni Brent ang mapanganga. Where the heck am I?  Nasa ibang mundo ba ako? 

"Halika na, Brent," tawag ni Sik sa kanya nang mapansing hindi na siya nakasunod dito. Naglakad ulit siya at sinundan si Sik papunta sa Clavis hanggang sa makapasok na sila sa loob. 

The Heart of Laveris: The Rise of Laverians Where stories live. Discover now