Chapter 22

706 32 0
                                    

Pinili naming kumain sa isang restaurant kung saan overlooking ang buong syudad. Nakakarelax ang mga nakasabit na  aerial plants sa palibot ng kisame ng mistulang veranda na location.

We took photos together at nagsalitan din. It was perfect. Kahit naging mabilis lang kami roon ay hindi na ako nagmaktol pa dahil sobra sobra na ang kasiyahan na makasama siya sa isa sa mga pinakaromantic na lugar dito.


The days went by swiftly. Hindi pa rin namin napaguusapan ni mama ang tungkol kay Syverth. Tikom ang bibig niya roon kahit noong napabalitang alam ng mga awtirdad kung saan ito nagtatago.

Wala na rin naman akong nararamdamang kung ano sa paligid ko maliban sa mga mapanghusgang titig ng mga may ayaw sa akin at ilang manliligaw.

Somehow I felt safe now. Syverth's kind of busy too dahil sumasabay siya minsan sa mga freelance activity ni Peter. Marami ata silang natatanggap na projects kahit pa sa kabila ng kinasasangkutan ni Syverth.

I bet his family is doing something in Manila. Alam kong magagawa nila iyon dahil may kapit sila.

"Buti tumigil na 'yung mga nambabash sa 'yo. Nakakapagod kayang replyan lahat!" singhap ni Ira

"Ba't mo naman kasi nirereplyan."

Umagang umaga nandito na siya bahay para sa gagawin naming by-pair project. Plano sana naming sa kanila gawin kaso hindi ako pinayagan ni mama. Baka raw tatakas lang ako which is somehow true dahil may plano akong ganoon.

Hindi tuloy natuloy yung plano kung pumunta ng Avida mamayang hapon. Hays para naman akong bata ngayon kung makahigpit si mama kung kailan malapit na ako mag 18! Nakakainis.


"Infairness ha ang gaganda ng mga models sa feed ni Syverth. Hindi ka ba nagseselos dito? Baka you're one of them? Look oh." ibinalandra niya ang Instagram ni Syverth sa akin as if hindi ko pa nakita iyon.

"Anong one of them. Isa lang ang alam kung ex niya si Ashlen Diaz." kahit ayaw ko sa babaeng iyon napanatag na rin ako dahil isa lang ang naging ex ni Syverth.

Kinulit ko siya noong isang buwan kung mayroon ba siyang naging girlfriend pero wala naman daw talaga kahit fling. Of course naniwala ako. And wala naman akong ibang nakita so I guess totoo talaga iyon.


"May IG ba iyon? Omaay ito ba?!" Turo niya sa isanh picture ni Ashlen sa IG feed ni Syve.

Nakapulang bikini ito at hapit na hapit iyon sa katawan niya. Kitang kita ang magandang kurba ng katawan at kalakihan ng dibdib at pwet.

Kung sana ganoon din ako.

"Shet ang sexy Lors, wala kang binatbat." natatawang paniinsulto n Ira.


"Hoy excuse me! May laban ako jan no tingnan lang natin pag umabot na ako sa ganyang edad. Kahit nga ngayong 17 pa ako eh maganda na ang katawan ko." pagmamayabang ko.

Binelatan niya ako at nagpatuloy sa ginagawa.

Habang wala naman siyang ginagawa at mukhang wala pang planong simulan iyong gagawin naming project, napagpasiyahan kong kunin nalang iyon sa kwarto.

Sa susunod na linggo pa ang pasahan nito pero mas pinili naming gawin na ngayon dahil libre naman kami buong araw.

Ayaw na ayaw ko ang mga procastinate dahil nasisira noon ang gagawin ko. Mas mabuti na iyong ginagawang maaga para may panahon pa itong ayusin kung sakaling may mali o kulang.

"Ira saan mo nilagay yung binili kong chipboards bakit wala rito?" hindi kami makakapagsimula nito kung may kulang sa materyales.

Para namang wala siyang narinig sa sinabi ko dahil kunot na kunot ang noo niyang nakakatitig sa cellphone ngayon.

Staring at the Sun [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora