21

814 22 2
                                    

Darling P.O.V

Sa next week na ang kasal ng best friend ko at ako ang magiging bride's maid niya. Nakakatawa na kasal nga ako pero hindi ako dumaan sa ganitong proseso.

Naging maayos na ang lahat. Pati mga kailangang parties ginawa na namin para sa kanila.

Naiintindihan naman namin ni Nathan ang isa't isa. Abala siya sa.trabaho at abala din ako sa pagtulong ko sa kaibigan ko.

Nasa kwarto ako dahil masama ang pakirmdam ko. Nahihilo ako at parang laging naduduwal. Kaya naman nakahiga ako sa kama.

"Ate! Ate!" katok na tawag ni Pearl mula sa pinto.

"Bakit? Kala mo may sunog ah" sigaw kong sagot sa kanya.

"Hoy ate! Wag kang mag inarte diyan! Ang baho ng itchura mo! Andyan sa baba si Kuya Nathan! Wala sina Mommy at Daddy ngayon" sagot ng kapatid ko habang naka pamaywang.

Dali dali akong pumunta sa banyo para maligo.

Kainis naman! Tamad nga akong maligo.

Lumabas ako na suot ko na ang pantulog ko.

"Hey!" bungad niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Galing ka ba sa Ospital?" mataray na tanong ko at umupo sa sofa habang nakatayo parin siya.

"Nope. May binili lang ako sa mall. Tska para sayo nga pala" sabay abot ng bulaklak at isang box ng cake.

"Salamat. Akala ko sa Ospital ka galing tas pumunta ka agad dito. Malay ko bang may dala kang virus" taas kilay kong sagot.

"Ang sungit sungit mo talaga pag kaharap ako no? Pag wala naman ako ang sweet sweet mo sa text tska sa call. Abnormal kana yata" maktol niya kaya naman binatukan ko siya.

"Abnormal pala ah? Edi lumayas ka sa harapan ko ngayon din!" iritang sagot ko.

Bigla naman niya akong niyakap at naamoy ang pabango niya.

"Ang baho mo! Ang baho baho mo!" sagot ko habang pinapalo siya sa dibdib.

"Anong mabaho! Ang bango kaya" sagot  niya at inamoy ang sarili niya.

"Wag kang didikit sa akin!" pagtataboy ko at umupo ako sa sulo ng mahabang sofa napa kamot naman siya sa ulo niya.

"Kumain ka na ba?" tanong niya kaya biglang tumunog ang tyan ko. Nahiya pa ko sa lakas nito. "I see. Hindi pa. Anong gusto kong kainin?" tanong ulit niya at tumayo.

"May katulong naman diyan. Pero since you insist gusto ko ng beef steak with pineapple slice tska gawan mo ko ng fruit salad ha? Damihan mo ng cheese tas gawan mo ko ng hot matcha tea" mahabang sagot ko kaya naman lalo siyang napakamot sa ulo niya.

"Gabi na bat ang dami mong gusto?" tanong niya.

"Edi di ako kakain as simple as that" nakakalokong sagot ko at nginisian siya.

"Fine!" sagot niya at nag umpisa ng magluto.

Nahiga ako sa sofa at nanood ng TV. Bigla aking nakaramdam ng antok.kaya naman pinikit ko muna ang mga mata ko.

Nathan P.O.V

Sa dami ng ginagawa ko ngayon lang.ako bumawi sa kanya. Di ako makapaniwalang nagluluto ako ngayon dito.

Makalipas ang ilang oras tumingin ako sa relo at pasado alas nuebe na ng gabi.

Inapag ko na ang lahat sa mesa ng makita kong mahimbing siyang natutulog sa sofa.

Pinagmasdan ko muna ang buong mukha niya. Siya yung tipong babae na kahit buong araw mong titigan sa mukha ay hindi ka magsasawa.

Kaya naman hinalikan ko siya sa noo at pisngi bago siya gisingin.

Accidentally Get MarriedWhere stories live. Discover now