Ginintuang Spoilarium

653 8 0
                                    

Kung pwede lang sana
Itigil muna pansamantala,
Ang oras sa relo,
At pag-ikot ng mundo.

Gusto ko lang makahinga,
Mula sa mga nakaraan
Na pilit kong tinatakasan
Ngunit pilit rin akong binabalikan
Sa aking isipan.

Lahat ng sugat na idinulot niya,
Ang bawat sakit na kanyang iniwan,
Humihiwa pa rin sa aking lalamunan.
Ang bawat bagay na gusto kong sabihin,
Ngunit 'di ko magawa pagkat bibig ay binusalan.

Pwede kaya itigil muna ang pag-ikot nito?
Siguro nga kalabisan ang hinihiling ko,
Gusto ko lang naman makalaya!
Mula sa kanya, mula sa inyo,
Na piniling tumahimik, maging bulag,
Mula sa mga bagay na naging bangungot ko.

Tula't Mga SalitaWhere stories live. Discover now