Capítulo Seis

48 8 0
                                    

•••

EZPERANZA'S POV

Tumingin ako sa tyan ko at pinagmasdan iyon. Hindi pa naman sya masyado nakaumbok dahil dalawang buwan pa lang naman itong tyan ko.

Napaiwas ako ng tingin ng mahuli kong nakatingin saakin si Jeremy, sya si Jeremy Bartolome ang matalik kong kaibigan. Isa sya sa mga taong tumulong sakin sa mga paghihirap na mga nangyari sakin.

Hindi madali ang napagdaanan ko, buong buhay ko, pasakit lang ata ang naramdaman ko. Pakiramdam ko nga ay walang magandang nangyari sa buong buhay ko.

Tumungo ako sa kabilang bintana ng bar, nasa bar ako dahil dito ako nagtatrabaho. Part time job, dahil mahirap ang buhay.

Napangisi ako at napayuko ng maalala ang sinapit ko sa kamay ng sarili kong ina.

-FLASHBACK-

Iyak ako ng iyak noong 17 years old ako, dahil ang sabi ni mama ay ipapadala nya daw ako sa tita ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o itutuloy ko lang ang iyak ko dahil sa wakas ay mahihiwalay na ako sa kamay ng nanay ko.

Ngunit ang mata ko ay hindi sumasang-ayon sa iniisip ko. Agos lamang ng agos ang luha ko ngunit wala akong maramdaman.

Hindi ko alam kung sa sugat bang nasa buong katawan ko ang nakakawala sa nararamdaman ko o  sadyang ganito na ako. Sadyang ganito na ba ako?

"Oh? Bakit ka umiiyak?! Huwag ka ngang umiyak dito hinayupak ka! Nakakasira ka talaga ng araw kahit kailan. Kaya mas makakabuti kung doon ka muna kay Elizabeth, nang matuto ka!" sambit nya at pabagsak na sinarado ang pintuan.

Limang taon mula noong nalaman ng pamilya ko na nasobrahan ang katawan ko ng mga gamot at nalaman nilang nakulong ako ng ilang linggo sa maliit na silid na yun.

Chasing The High (On Going)Where stories live. Discover now