QSS 2

0 0 0
                                    

May kaibigan ako na parang kapatid kona talaga halos apat na taon na kami, simula nung maghighschool ako siya na ang bestfriend ko, tapos ngayon senior highschool nakami, open kami sa isa't isa, diko alam yung buhay ko ngayon kung wala siya, nakasanayan ko nang nandyan siya through thick and thin. Until one day she just go, hindi nagpaalam, hindi na nagpakita, we have so many plans, like staying each other kahit may pamilya na kami but she left me alone, sabi kopa magtatravel kami sa buong mundo na wala siyang babayaran dahil sagot ko, gusto kong mag flight attendant at alam niya iyon, siya naman gustong mag teacher, sobrang naooverwhelmed ako kasi sobrang supportive niya, kahit sa crush ko, sa studies ko, gusto ko kasing mag with honor pero hindi lagi umaabot yung average ko, pero anjan siya to cheer me up, madalas pinapagalitan ko rin siya dahil matigas ang ulo niya, may mga food and drinks na bawal sakanya, kahit saakin, we really have same vibe, halos magkapareho ang buhay namin, pinag kaiba lang ay may kapatid siya at only child ako, magkasundo kami sa fashion styles, and many more pero yung pinaka favorite ko sa lahat nang pinagsamahan namin is yung pagkatapos nang school daretso kami nang church at iiyak namin lahat don habang nagdadasal after that were going to mcdo para kumain and sasabihin namin yung mga pinagpray namin, kaso ngayon wala na, she left me. at inintindi ko nalang baka kasi napagod na siyang maging bestfriend ako. Baka nakakapagod talaga ako. Years past nagkita kami ulit, pero may bago na siyang kasama, may bago na siyang bestfriend. Hindi man niya akong magawang tignan at ngitian pero ako parin nag approach sakanya naghi ako at kinamusta siya, she said ayus lang daw siya pinakilala niya pa ako sa kasama niya at tama ako, bestfriend nya ngayon pero yung masakit sakin pinakilala lang niya ako bilang schoolmate niya. Na wala kaming pinagsamahang dalawa. I smiled bitterly, and wave my hand to them chaka umalis na. Kahit nasa mall ako naiyak ako bigla, wala na akong pakeelam kung may makakita, ang sakit pala. She denied me infront of her new bestfriend. 

Nasasabi ko lang sa sarili ko na ganon lang pala ako kadaling iwan, kasi yung pinaka favorite na tao iniwan ako haha. Di ako naglagay nang galit sa puso ko pati sakanya, naging friendly parin ako kahit alam ko in the end of the day iiwan din nila ako. Tutuo pala na end of the day sarili mo lang yung kasama mo, kahit na binigay mo yung best mo para pasayahin at magstay yung tao, aalis parin pag may nakitang mas better sayo.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : May 16, 2020 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Quarantine Short StoriesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant