The last Greeting

5 2 0
                                    

First story Collaboration with:
Aki Xeira Writes
Please support her and her wonderful stories❤️🥰
Crdts to the owner of the photo I edited ❤️

Mother's Day Special💗🤰
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

I never greet my mom when it's "Mother's day" and even when It's her birthday.
Kasi para saakin Isa lang yung walang kwentang bagay na gawin or should I say  kaplastikan. Because I know right after that day is over, everything will just go back to normal as if nothing happened. So what's the point of greeting her? Right? And also I'm not the type of person na close sa Parents or even sa ate ko. Pag nasa bahay meron akong sariling mundo at hindi masyadong nakikipag bonding sa kanila. My mom always shows me that she loves me pero para sakin cheesy yon kaya palagi ko siyang tinataboy.

"Happy Mother's day ma..."
"Nay, salamat sa lahat..."
"You're the best mommy..."

I've seen a lot of post on social media.
They're greeting their moms. I just rolled my eyes and continued to scroll. Ignoring those embarrassing greetings they were posting.
I was interrupted nang biglang kumatok si ate sa pinto.

"Shane, batiin mo naman si mama"
I dropped my phone on my bed as she came  then started tapping my shoulder.
That tap gave me shivers and I don't know why...It seems like a deja vu but I ignored it.

"Ate naman eh. Leave me alone. Batiin mo sya kung gusto mo" I said then began to scroll again on facebook.

"Shane, naman, napaka simple lang ng pagbati 'di mo pa magawa" She said

I rolled my eyes as I spoke "Ayaw ko. Stop telling me to do those things I don't want to do."
I stated with a cold tone.

"Napaka laking bagay na para saaming mga Ina ang mabati ng aming mga anak" I can clearly see the sadness on her eyes but just as I am...
I just ignored her.

Narinig ko ang mabigat niyang pag hinga tsaka naka rinig ng mga yapak na papalabas na. Then bigla namang pumasok si mama.

"Shane, anak, kumain ka na"  Wika ni mama habang naglalagay ng platong may pagkain sa table ng kwarto ko.

"Maya na ma" malamig na wika ko

"Anak, aalis muna ako ha. May pupuntahan lang. Dito muna kayo ng ate mo at ng pamangkin mo" saad ni mama

Hindi ko na lamang siya pinansin at patuloy lamang akong nag cellphone.

Huminga si mama ng malalim bago magsalita "I love you anak" Malungkot ang pagkaka sabi nya non malayo sa masigla nyang tinig kaya tinignan ko sya, nakatingin na pala sya saakin. Nakita ko yung kagustuhan niyang mayakap ako sa kaniyang mga mata ngunit ipinag sawalang bahala ko lang. Pinatili ko ang aking atensyon sa cellphone. Hindi ko namalayan na umalis na pala si mama kaya nag scroll nalang uli ako.

Nakita ko post ng isa sa mga hinahangaan kong writer.

Aleia Pablo posted an update:

"HABANG NAKAKASAMA NYO PA ANG MAGULANG NYO, HANGGAT MAARI, YAKAPIN NYO SIYA NG MAHIGPIT AT PASALAMATAN SA LAHAT NG SAKRIPISYONG NAGAWA NIYA.
DAHIL HINDI PALAGING MAKAKASAMA NYO SYA AT HINDI PALAGING NANDYAN SIYA PARA SAINYO PARA TUGUNAN ANG TUNGKULIN NIYA SA PAGIGING INA.
DADATING YUNG ARAW NA MAWAWALA SIYA, AT GUGUSTUHIN NYO BA NA MINSAN NYO NA NGA LANG SIYA BATIIN NGUNIT BATI NG PAGPAPA-ALAM ANG MATATANGGAP NIYA?
KAYA HABANG MAY ORAS PA, PASALAMAT NYO NA ANG INYONG MGA INA"

May biglang tumulong luha sa aking pisngi ng mabasa ko ang post na iyon. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kirot at kaba matapos ko iyong basahin.

"Shane, kanina pa si mama wala" wika ni ate
"H-huh" saad ko
"Hayst, Shane, kahit kailan talaga wala kang paki kay mama" Wika ni ate

May biglang tumawag sa telepono sa sala kaya't pumunta doon si ate para sumagot.
Habang nakatingin ako sa kawalan. Nakita ko si mama na papalapit saakin kaya agad akong tumayo para yakapin siya.

"Happy Mother's da--" Hindi pa ako tapos mag salita ng biglang mahulog ang litrato ni mama mula sa Cabinet sa may sala at bigla siyang nag laho na parang bula.

Dugdug dugdug dugdug

"M-ma" Bigla ako nakaramdam ng kaba at agad na lumuha ang mga mata ko.

No..no wag naman sana...

"S-shane" Nangangatog na saad ni ate. Hindi siya makapag salita habang nakapako ang kanyang paa sa kanyang kinatatayuan.

Ate please...Wag naman sana Yung iniisip ko....

"W-wala n-na s-si m-mama"
My world seemed to collapse as she uttered those words.
I prayed that it was only a prank para
lesksiyonan ako. And yes I was correct.
It was a lection. But sadly...It wasn't a prank. When we came to the hospital she was there laying on the hospital's bed. Lifeless. Grief started to enter my heart.

"Ma, gising ka na, Babatiin pa kita ng Happy mother's day. Mahal na mahal kita ma..." Niyakap ko ng mahigpit ang katawan ni mama na nanglalamig na.

Sobrang sakit isipin na tsaka ko lang mapagtatanto ang lahat kung kelan huli na. Kung kelan hindi niya na maririnig ang pag bati ko. Hindi ko na siya mayayakap.

Sana pala ginawa ko na ito noong nandyan pa sya.
Eto na ata ang karma ko.
Na ngayon na nga lang ako babati sa aking ina, ngunit bati pa nang pamama-alam ang matatanggap niya. Rest in peace there in heaven ma..

"This is my first and Last greeting for you mama....Happy Mother's Day"

Paalam...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The last GreetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon