Part 24

627 28 3
                                    

'Josh tayo muna mag prepare ng hapunan masakit ulo ni stell'.

'Sige sejun ilabas ko lang yung mga ingredients'.

(Stell's Pov)

Ano bayan! Ang sakit ng ulo ko. Gusto ko nang kumain nagugutom nako mamaa!

Nagpunas lang ako ng sarili ko, at nag half bath, paglabas ko ng banyo biglang bumukas yung pinto. Nakita kong pumasok si sejun may dala dalang tray na may pagkain.

'Oh! Ako naman ngayon mag aalaga sayo, baka sabihin mo wala akong kwentang kaibigan'.

Isa isang nilapag ni sejun yung mga ulam na paborito ko. Hala natatakam nako.

'Salamat sejun, sino kasama mo magluto nito?'.

Ngumunguya na si sejun nang sinagot nya ko.

'Si josh actually, yang sinigang ako nagluto mag isa'.

Tinikman ko naman yung sinigang na pinagmamalaki nyang  niluto nya kuno.

Humagod talaga yung asim sa lalamunan ko as in hindi naman sobrang asim pero maasim sya. Haha masarap nasobrahan lang ng konti.

Baka pagod lang din talaga sya hahahaha natatawa ako sa reaksyon ng mukha ni sejun. Mula sa pagiging excited ay napalitan nang parang may mali haha

'At bakit ang tagal mong mag decide jan! Di ba masarap luto ko? Tikman ko nga ulit!'.

'Pft!'.

Talagang nagsalubong yung kilay ni sejun parang angry bird.

'bwahahaha'.

'Stell! Babarilin talaga kita!'.

At dinagukan nga ako.

'Aray sejun ang sakit na nga ng ulo ko!'.

'Eh kase tinatawanan mo yung luto ko!'.

'Masarap naman ah!'.

'Porket magaling ka maglut-
Eh bakit tumatawa ka!'.

'Kase naman, yung reaksyon mo parang sasabak ka sa giyera!'

Stelljun Story ( In my Zone)Where stories live. Discover now