Chapter 3

7 0 0
                                    

Habang nasa kwarto ako at naghahalungkat ng masusuot ko. Ay gulong gulo na talaga ako. Dahil??

Puro pants at t shirt lang ang meron ako!

Naisip kong isuot na lamang yung ripped jeans ko saka t shirt rin.

Ng masuot ko na, ay palabas na sana ako ng may pumasok sa kwarto ko.

Yung masungit na matandang babae.

Hindi ako kumibo at pinapasok ko siya. Kasabay non ang paglabas ko. Pero nagsalita na naman siya.

"anong klaseng damit yan?" at tumawa pa ito.

Ang tanda tanda na nito nakikiaway pa.

Hinabaan ko ang pasensya ko at hinarap siya.

"jeans at shirt po. Wala naman pong masama dito"

"anong wala? Naka suit ang kasama mo tapos mag jejeans ka?" saka tumawa ito uli.

Yumuko ako at hinahabaan ko ang pasensya kong hindi sagotin ang babaeng to. Bukod sa hindi ako taga rito. Hindi rin ako ang amo nito.

Binuksan niya ang isang pinto sa loob ng kwarto ko na kahit kailan ay hindi ko pa nakita ang loob.

Medyo umabante pa ako ng konti upang makita kung ano ang loob nito.

"ang tawag dito ay walk in closet.... Dito ka mamili ng totoong damit."

Naiinis ako sa salitang binibitawan niya. Ibig ba niyang sabihin na hindi tunay ang damit ko?! Anong akala niya sa damit ko? Drawing?

Umalis siya doon at iniwan lamang na nakabukas ang pinto.

Saka siya humarap sakin.

"mag ayos ka. Wag mong Ipapahiya ang amo ko."

Tiningnan ko siya ng masama, at humihingal narin akong sagotin siya.

Nang malaman niyang napipikon ako dahil lamang sa itsura ko. Ay tinaasan niya ako ng kilay bago lumabas.

Naiyukom ko ang kamao ko ng malakas niyang isinara ang pinto.

Ano bang problema niya sakin ha.!

Pumasok ako doon at pinilig ang ulo ko. Hahabaan ko ang pasensya dun. Bukod sa mas matanda pa siya sakin, hindi ako ang amo niya.

Habang namimili ako ay napili ko ang black dress na tube. Simple lang siya kaya pinatulan ko na.

Dun na ako mismo nagbihis. Napakasikip. Pero sakto rin naman. Ngayon ko lang na appreciate ang kurba ng katawan ko.

Lumabas ako at humarap sa salamin malapit rin sa walk in closet na yun.

May iba't ibang klaseng tali ng buhok dun. Balak ko sanang itali ang buhok ko kayalang. Naka tube dress ako. Mas safe kung ilulugay ko nalang.

Napatingin ako mula dito sa may salamin sa pinto ng may nagbukas nito. Tumambad sakin ang matangkad na imahe ng tao.

Lalake siya. Pero sa tingin ko ay....

"Hi!" bati nito sakin. Impit pa ang boses. Tama nga ako. Bakla siya.

Ngumiti naman ako at hinati ang buhok ko saka ko nilagay sa harapan at likoran

"Ikaw ba yung kasama ni sir?"
Tanong nito ng makalapit at may nilapag na bag sa mismong table.

"ah oo" tugon ko rito sa nahihiyang tumungo dahil sa hitsura ko.

"You look so pretty. Hehe, ang ganda mo..... Pero sa nabasa kong motif sa invitation ay gold e. So why black?" tanong nito saka hinawakan ang buhok ko habang nakatingina siya sakin sa salamin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

1000 years for YouWhere stories live. Discover now