Chapter 5

3.8K 203 3
                                    


MABAGAL ang ginawang paglakad ni Cathy sa pasilyo ng floor assignment habang malalim ang iniisip. Hindi niya lubos maisip kung bakit ginawa ni Karl ang ganoon. Iniligtas siya nito sa tiyak na pagkapahiya at sa panganib na baka kung anong mangyari sa kanya sa entablado dahil sa stage fright niya. Hindi siya makapaniwalang ito pa ang humarap sa maraming tao para linisin ang pangalan nito imbes na siya ang gumawa niyon. Hindi niya inaasahang mayroon din pala itong konsiderasyon matapos siya nitong gawan ng kapangahasan sa supply room.

Makailang-ulit na niyang iwinaksi sa isipan ang alaala ng halik na iyon ngunit kusa iyong nagpe-playback sa isip niya sa tuwing maiisip niya si Karl. Ganoon pala ang masibasib. Hindi pa rin siya makapaniwalang naranasan na niya ang bagay na iyon na pinaniniwalaan niyang malaswa. Bakit nang kasalukuyang ginagawa sa kanya ni Karl iyon ay hindi niya naisip na malaswa iyon?

Nagpakawala siya ng marahas na buntunghininga. Nababaliw na yata siya.

"Hi."

Bigla ang pagbulusok ng kaba sa dibdib niya nang masulyapan si Karl na nakaagapay sa kanya. Nakangiti ito. Kaagad siyang umiwas ng tingin rito at binilisan na ang pagtulak sa cart.

Sumunod ito. "Cathy—"

Napilitan siyang huminto para harapin ito. "Simula sa araw na ito, 'wag mo na akong guluhin. Amanos na tayo. Naparusahan mo na ako sa nagawa kong kasalanan sa 'yo kaya wala nang dahilan para guluhin mo pa ako," mataray niyang sabi at ipinagpatuloy na ang pagtutulak ng cart ngunit tumungo ito sa harapan ng cart kaya napahinto siya. "Ano ba? Umalis ka d'yan!"

"Listen. Wala naman talaga akong balak na guluhin ka simula pa ng una, eh. Makikipagkaibigan lang naman talaga ako sa 'yo dapat pero tinarayan mo 'ko kaya nauwi tayo sa bangayan. Cathy, hindi ako masamang tao. Napatunayan ko nang hindi ako callboy at hindi ako pumapatol sa mga matrona para magkapera. Kaya hindi mo dapat ako tinatrato ng ganito."

"Oo. Hindi ka nga siguro callboy pero totoong nagsasamantala sa mga magagandang babaeng guests. Huling-huli kita sa akto sa elevator kaya huwag mong ikakaila."

Napapantastikuhang tinitigan siya nito. "Hindi ba niliwanag ko na sa 'yong ang babaeng iyon ang nagsimula? Bago pa lang akong bellboy. Bakit gagawa kaagad ako ng bagay na ikaaalis ko sa trabaho?"

"Ang ginawa mo sa 'kin sa supply room. Patunay iyon na bastos ka at pangahas. Wala kang galang sa babae," nagpupuyos ang loob na asik niya.

He exhaled a short laugh with sarcasm. "Wala ba talaga akong lusot sa 'yo? Parusa ko sa 'yo 'yon 'di ba? At ikaw, napapansin mo ang mga mali ko pero ang sarili mo, hindi mo napapansin. Dahil sa pagkamalisyosa mo, napahamak ako. Hindi kaya pareho lang tayong imperpekto? Ano sa tingin mo?"

Tinablan siya sa sinabi nito ngunit hindi niya ipinahalata. "Umalis ka na d'yan..." Bumaba ang tingin niya sa tatamaan ng bumper ng cart niya kung sakaling itutulak niya iyon nang naroon pa ang lalaki. "kung ayaw mong masagasaan ko 'yang ano mo."

Nagpakawala ito ng naaaliw na pagtawa. "Anong ano ko?"

May pakiramdam siyang nag-init ang mga pisngi niya sa hindi sinasadyang lumabas sa bibig niya. "G-Gusto mo bang sagasaan kita para malaman mo kung anong tinutukoy ko?"

Muli itong tumawa. Hindi pa rin umalis sa pagkakaharang sa daanan niya. "Bakit kaya nagiging favorite topic mo na yata ang 'ano' ko?" Tudyo nito.

Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa mukha sa sinabi nito. "W-Wala akong pakialam sa... sa ano mo! B-Bastos ka talaga!" Singhal niya.

"Sino kaya sa atin ang mas bastos? Eh ikaw itong malisyosa at parating bumabanggit sa 'ano' ko."

She gritted her teeth. Napahigpit ang hawak niya sa cart rail. Kung hindi lang siya natatakot na baka kung ano na namang parusa ang gawin nito sa kanya sa oras na sagasaan niya ang 'ano' nito ay gagawin talaga niya ang bagay na iyon makaganti lang sa pang-iinis nito.

A Devil In Disguise [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora