Chapter 1

6 0 0
                                    

"Nakakainis naman bakit ba ako nanaman sinisisi kung bakit may nagalit na customer, eh kitang kita naman na yung iba kong kasamahan ang babagal kumilos, tapos saakin na isisisi lahat porket baguhan?" Padabog kong nilapag yung mga basura. 

Isang linggo palang ako sa bagong part time job ko pero hindi ko na matiis itong manager namin. Sa dami dami ng pinasukan kong trabaho ngayon lang ako tinrato ng ganito.

Bahala na, kailangan kong kumita para mabayaran ko na yung mga utang ko sa mga kamag anak namin.

"Vio! dumadami na ang customer napakabagal mo magtapon." Sinita nanaman ako ng manager ko na akala mo siya yung may ari nitong coffee shop na ito. Napaka suplado hindi ako nainform pati na rin pala lalaki nireregla! May mood swings din siya.

"Opo eto na po!" Sagot ko nalang at baka may masabi pang hindi ko siya sinagot sa sinabi niya. Jusko, hanggang kailan ko ba titiisin itong paghihirap ng manager na ito.

Tapos na ang shift ko at weekends ngayon, schedule ko naman ay sa convenience store na pinagtatrabahuan ko. Kung tatanungin niyo ilan ang part time jobs ko mga apat lang naman. Wala pinatos ko na lahat matindi pangangailangan ko eh.

Umuwi na muna ko dahil mamayang 9 pm pa naman ang pasok ko sa isa. Naabutan ko ang kapatid ko na naglalaro sa cellphone.

"Hoy! Tignan mo naman yung kalat ano puro laro laro nalang? hintayin mo pa ko makauwi para lang linisin yan?" Singhal ko sakaniya. Nakakahiya naman kase itong kapatid ko nakakalat yung mga damit na sinuot niya nung isang linggo pa ata yung iba dito.

Hindi naman kase ako madalas din matulog dito dahil sa isang part time job ko dun na ako natutulog para mas madali dahil yung iba kong part time jobs nasa iisang lugar lang maliban dun sa convenience store, buti na nga lang pumayag yung may ari.

"Ate naman para kang si mama nakakabingi ka kaya nga sayo ako sumama kase nakakabingi siya eh." Sagot naman ng kapatid ko habang nakatutok pa din sa cellphone niya.  Ako na ang magaayos at hindi ko naman matiis na ganito kakalat dahil may pag ka oc din ako.

"Ate ako nalang magluluto at maglilinis. Pahinga ka muna diyan, sorry na ngayon lang kumilos baka matalo ako eh." Inagaw niya saakin yung walis na hawak ko. Gagawin din naman pala. Kaming dalawa nalang ng bunsong kapatid ko magkasama, yung dalawa naming kapatid ayun nagenjoy sa kayamanan hindi na kami naalala. Si kuya nakapag asawa ng Amerikana kaya nasa ibang bansa na siya nakatira at si ate naman may napangasawang lalaking mayaman dito sa pilipinas pero hindi na rin namin siya hinanap.

"Gagawin mo din naman pala hay nako! Kaya ikaw magpakabuti ka at magpayaman para ikaw yung magpprovide sa pamilya mo hindi katulad ng dalawa mong kapatid." Ginulo ko buhok niya at natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ate hindi kita iiwan hangga't wala ka pang pamilya at dapat sasama mo ko dalawa tayong yayaman." Sagot naman nito. Sana nga, sana nga iba siya sa mga kapatid namin.

"Ate! Wag mo kong iwan wag mo kaming iwan ni Rhys! Ayaw namin maiwan kay mama." Hinahabol ko si ate na nakasakay na sa sasakyan ng boyfriend niya. Naabutan ko kase siyang may mga malalaking bag at nakita ko na wala na rin mga gamit niya sa kwarto namin.

"Ate!" Sigaw na ko ng sigaw habang hinahabol ang kotse. Wala na akong pake sa sasabihin ng mga tao sa labasan, ayaw ko lang mawala yung taong naging kakampi ko at naging sandalan ko. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makauwi na ko. Naiwan na kami ng kapatid kong bunso at wala na si kuya at ate.

Ang sakit maiwanan. Pangatlong beses na ito at parang mamamatay na ko sa sobrang sakit ng puso ko. Una si papa sunod si kuya at ngayon si ate naman. Nagising nalang ako ng batuhan ako ng unan ng magaling kong kapatid.

Goodnights in DisguiseWhere stories live. Discover now