Chapter 3

2 0 0
                                    

Pumasok na ako sa pang apat na part time job ko, waitress sa isang restaurant.

"Hey."

"Ay pucha ka!" Nahampas ko sakaniya yung hawak kong basahan. Hawakan ka ba naman bigla sa balikat.

"What the fuck is that!" Nagulat naman siya dahil yung hawak kong pamunas ay basa kaya naman lumapit ako agad at pinahiran ng tissue mukha niya.

Nagulat naman siya sa ginawa ko kaya kinuha niya ang tissue at siya nalang din ang nagpunas sa mukha niya.

"Sorry, ikaw kase nanggugulat ka."

"So how's your brother?"

"Ayon okay naman na gumagaling na yung mga sugat, ay yung utang ko nga pala magkano ba?"

"Hmm.." Hinayaan ko muna siya magisip at nagpunas nalang muna ng lamesa. "A friendly date."

Napatigil naman ako sa ginagawa ko. "Ha? Kailan pa naging pera ang friendly date?"

"Wala, gusto ko lang." Nagkibit balikat siya.

"Magkano nga?"

"Date nga eh."

"Magkano?"

"Date." Inirapan ko siya at hindi nalang pinansin. Badtrip wala naman akong oras para doon.

"Fine 200, meet me here sa place na ito. Oh wait, I don't have your number." Sabi niya. Hay buti naman mura lang, akala ko libo na eh. Kinuha ko naman ang phone niya at nilagay ko yung number ko.

"Thanks, see you." Guguluhin na dapat niya yung buhok ko pero hinawi ko na agad kamay niya. 

"Oo na hindi na." Sabi niya habang tumatawa. Tinignan ko naman siya ng masama habang naglalakad palabas ng restaurant.

Teka, paano niya nalaman na nagtatrabaho ako dito?

Dumiretso naman ako sa convenience store na pinagtatrabahuan ko. Schedule ko na ulit ngayon at nakita ko naman si Jaron na nagmomop.

"Uy, musta na si kuya pogi?" Tanong nito saakin. Tinignan ko naman siya at napakunot noo ko. Sinong kuya pogi? "Yung pinahuli mo saakin!"

"Malay ko ba."

"Anong malay! Nakita ko kaya kayo doon sa labas ng bahay niyo." Labas ng bahay namin? Yung time na naaksidente si bunso? Nakita niya pa yon?

"Wala lang yun."

"Sus, wala daw time. Mataas din pala standards mo ah, gwapo at mayaman."

"Ano ka ba issue ka naman, tinulungan lang ako." Patuloy pa rin niya akong inaasar sa lalaking yun. Bahala siya maubusan ng laway. Kaso ilang oras na hindi pa rin talaga tumitigil itong si Jaron.

"Gusto mo ba gupitan kita?"

"Uy sige medyo mahaba na din itong buhok ko." Pinagsasabi nito?

"Gupitan kita ng dila."

"Ay violent ka huh."

Inirapan ko siya at binatuhan ng basahan. Nakakarindi na rin kase boses nito, hindi ko lang talaga matiis yung kadaldalan niya ngayon.

Parang simula nung nawala si Ate Nadia at Kuya Eliziar hindi na rin ako nagbalak pang makipagusap sa ibang tao. Ayaw ko na rin naman maattached kase baka iwan ka lang din naman. Kaya nahirapan na rin ako makipagclose, sadyang makulit lang ito si Jaron kaya naging magkaibigan kami. Siya nga lang nagiisa kong kaibigan eh.

Natakot na rin ako mapalapit kase sa tingin ko iiwan din naman ako. Edi para makaiwas masaktan hindi ko nalang pinapapasok ang iba sa buhay ko. Okay na si bunso at itong nakakainis kong kaibigan, napatunayan naman nila na nandiyan talaga sila para saakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Goodnights in DisguiseWhere stories live. Discover now