Second Chance

31 2 0
                                    

First Story Guys. Hope You Like It (:

Krung :*

----------------------------------------------------

Chapter 1

"Rea, tayo na! Malelate na tayo! Dalian mo na!" tawag ni Deri.

"Eto na nga oh!" sagot ni Rea.

Si Reamoira Fuentera ay hindi pa nagkakaron ng kahit isang boyfriend. Ang daddy niya lang ang nag-iisang lalaki sa buhay niya, pero yun pa yung nanakit sa kanila ng kanyang mommy na si Imelda Fuentera. Nang malaman nilang may ibang pamilya ang kanyang daddy, grabe ang sakit na naramdaman ng kanyang mommy. Nakita nya ang paghihirap nito.

Di kinalaunan, naghiwalay din ang kanyang  mommy at daddy. Noong naghiwalay sila, hindi na sya nagulat dahil alam nyang doon din papunta ang kanilang pamilya.

Kahit na hindi nila kasama ang kanilang daddy ay bumibisita parin ito sa kanila. Minsan pa nga ay lumalabas sila na parang isang buong pamilya.

Si Derianne Lenza naman ay kaklase niya simula palang nung Elementary sila.

Hanggang ngayon ay magkasama sila. Hindi mo sila mapaghiwalay parang tuko silang dalawa. Magkakapalit na ata sila ng mukha sa sobrang close nila.

Aalis sila, kailangan kasi nilang dumating ng maaga dahil sila ay mga WEDDING COORDINATORS.

"Rea, ano ba?! Dalian mo na! Anong oras na oh?!" pagmamadali ni Deri kay Rea.

"Oo na! Eto na!" sabi ni Rea habang palabas ng pinto.

"Ano ba kasing ginagawa mo, bakit ang tagal mo?!" tanong ni Deri.

"Nag-CR pa kasi ako. Ang saket kaya ng tyan ko!" sagot ni Rea.

"O Shasha! Tara na, malelate na talaga tayo." sabay sakay sa kotse.

Magkasabay palagi silang pumapasok kasi magkapit-bahay lang naman sila. Iilang hakbang lang ang layo nila sa isa't-isa.

Buti nalang walang traffic kaya mabilis silang nakarating sa pupuntahan nila.

"Buti nalang hindi traffic." sabi ni Deri.

"Oo nga eh!" sabi ni Rea habang nakahawak sa tyan nya.

"Oh! Anyare sayo?" nagtatakang tanong ni Deri.

"Ansaket ng tyan ko eh." sagot ni Rea.

"Ano ba kasing kinain mo?" tanong nanaman ng kaibigan.

"Ahmm.... Ang naaalala ko, lettuce ang kinain ko kagabi bago ako matulog." sabi ni Rea habang nakahawak padin si tyan niya.

"Hindi ka natunawan...."

"Mamaya mo na ako sermonan. Hindi ko na talaga kaya, lalabas na!" sabi ni Rea. Dali-dali syang bumaba at dumeretso ng CR.

"To talaga." natatawang sabi ni Deri.

Makalipas ang ilang sandali, natapos na ni Deri ang 1/4 ng gawain nya.

"Ang tagal naman?" sabi ni Deri.

Sa wakas natapos din si Rea. Palabas na sya ng CR pero hawak parin nya ang tyan nya. Nasa may pinto na sya ng may makasalubong syang lalaki.

"Miss, okey ka lang?" tanong ng lalaki.

"Okey lang"

"Gusto mo tulungan na kita? San ka ba pupunta?" pagmamagandang loob ng lalaki. Habang hawak ang bewang ni Rea.

"Hindi na. Kaya ko na to. Pwede alisin mo yung kamay mo sa bewang ko?" naiinis na sabi nito.

"Sorry." sabi naman ng lalaki sabay tanggal ng  kamay nya sa bewang ni Rea.

"Sorry mo mukha mo. Tabi nga jan, dadaan ako!" galit na sabi nya.

"Okey, ito na! Ang sungit mo naman. Akala ko mabait ka." sabi ng lalaki habang tumatabi.

"F.Y.I. mabait ako, hindi nga lang sa mga lalaking manyakis katulad mo!" sigaw ni Rea.

"Hindi ako manyakis. Ikaw na nga tong tinutulungan, ikaw pa tong galit." sabi nya.

"May sinabi ba akong tulungan mo ko? Wala naman ah! Ikaw lang naman ang gustong tulungan ako ah! Ang kapal din naman talaga ng mukha mo para sumbatan ako!" galit na sabi ni Rea sabay alis.

"Ang mga babae nga naman talaga. Masyadong mabunganga!" ngising sabi ng lalaki.

Pumunta na siya kay Deri.

"Anong nangyari sayo't nakabusangot yang mukha mo?" tanong ni Deri.

"Nakakainis kasi yung lalaking nanun! Ang kapal ng mukha! Ang akala nya kung sino syang gwapo eh! Walang-wala naman kay Coco Martin. Napakamanyak pa! Nakakaasar talaga! Bwisit." inis na sabi nya.

"Easy lang. Wag kang highblood. Ahmm.. May costumer nga pala tayo. Kaya mo na bang magtrabaho?" tanong ni Deri kay Rea.

"Sino bang costumer?" tanong naman ni Rea.

"Clethon Mars Venlin, ikakasal daw ang mga magulang nya, ang akala ko nga siya ang ikakasal eh. Pero infairness, pogi sya. Kung siguro sya yung ikakasal, gusto ko ako yung bride nya." pag-iilusyon ni Deri.

"Pwede ba tigilan mo yan? Uhh... By the way, Kelan yung kasal ?" tanong no Rea.

"Sa December 25. Nagpa-sched na sila para hindi na sila maagawan ng date." sabi ni Deri.

"Ah. Ganon ba.."

"Gusto nya din pala tayo makausap bukas. Sasabihin niya kung ano ang mga details na gusto ng mga magulang nya." dagdag pa ni Deri.

"Ganon ba.. Anong oras daw ba?" tanong ni Rea.

"Mga 12 daw."

"K."

"Ang tamlay mo parin." sabi ni Deri.

"Ang sakit pa kasi ng tyan ko. Pwede bang maaga ako umuwi? Sobang saket na kasi eh!" sabi ni Rea habang hinihimas ang tyan nya.

"Sige, para may lakas ka bukas pag kausap na natin ang client natin." sabi ni Deri.

"Oo nga."

Pagdating ni Rea sa bahay nila ay agad siyang tumakbo sa CR. Sobrang sakit ng tyan nya. Nasa loob na sya ng CR ng tanungin sya ng kanyang ina.

"Anak, okey ka lang ba? Parang kanina pa masama ang tyan mo ah! Uminom ka na kaya ng gamot?" nag-aalalang tanong ng ina.

"Okey lang po ako. Iinumin nalang po ako pag labas ko dito." tugon nya.

"Sige, kukuhain ko lang yung gamot na iinumin mo mamaya." sabi ng ina nya.

"Opo." sagot ni Rea.

Nang makainom sya ng gamot, hindi na sya pabalik-balik sa banyo at nakapagpahinga nadin sya. Hindi kasi sya nakatulog kagabi dahil sa kakapabalik-balik nya sa CR.

Second ChanceWhere stories live. Discover now