Pustahan.

15 2 0
                                    

Sana Magandahan Kayo Dito Sa Story! I'm Hoping (:

Krung :*

----------------------------------------------------

Chapter 2

Nasa bar si Clethon kasama ang kaibigan nyang si Denver Ferosso.

"Grabe talaga yung babaeng yun. Ang sungit mukha pa namang mabait, yun pala tigre kung makapag-sungit! Siguro di pa nagkakaboyfriend yun kaya ganon." kwento ni Clethon.

"Pare, dapat di ka nagpatalo! Pagkakataon mo na yun eh. Dapat niligawan mo na. Pustahan tayo, sasagutin ka agad nun." sabi ni Denver.

"Matanggihan pa kaya niya ako? Baka ngitian ko nga lang siya mapasagot ko na." pagbibida ni Clethon.

"Hanep hah! Grabe bilib mo sa sarili mo!" iiling-iling na sabi ni Denver habang nakangiti.

"Ako pa ba?" sabi ni Clethon

"Kailan nga pala ang kasal ng mommy mo at soon to be step father mo?" tanong ni Denver.

"Sa December 25." walang gana nyang sagot.

"Pupunta ka?" tanong ulit ni Denver.

"Hindi ko alam. Bahala na." sagot nya.

"Bakit naman?"

"Hindi ko kaya makitang kinakasal si mommy sa ibang lalaki imbis na sa daddy ko. Saka bakit ba sila ang pinag-uusapan natin! Pwede iba nalang?" medyo galit na sabi ni Clethon.

Ayaw nya kasing magpakasal ang mommy nya sa iba. Kaya ganon na lang ang galit nya nung magpapakasal ito kay Carlos Marasigan ang fiancé ng kanyang mommy na si Catherine Venlin.

^^^^^^^^^^^^

Kakagising lang ni Rea ng bumaba sya ng kanyang kwarto.

"Oh! Anak, okey ka na ba?" tanong ng mommy nya.

"Opo." sagot ni Rea habang nakaupo at kinukuskos ang mata nya.

"May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong ulit ng kanyang mommy.

"Opo eh. Gusto makipag-kita ning client namin mamayang 12. Bakit nyo po natanong?" tanong ni Rea.

"Ah. Gusto ko lang sana magpasama magpasama sayo sa grocery." sagot ng kanyang ina.

"Ganon po ba.. Mommy pwede next time nalang? May gagawin pa kasi ako. Promise ko po sasamahan ko talaga kayo, wag lang po ngayon." sabi ni Rea.

"Okey lang. Alam ko naman busy ka.." malungkot na sabi ng kanyang mommy.

Nilapitan nya ang kanyang mommy at niyakap.

"Mommy, wag ka na po magtampo. Sa day off ko po, sasamahan kita. Kung gusto mo mamasyal, manuod ng sine, kahit anong gusto nyo sasamahan ko kayo." sabi ni Rea.

"Promise?"

"Promise! Cross my heart." sabi ni Rea habang nakataas ang kanang kamay.

"Sige na nga."

"Thank you. The best ka talaga!" sabi ni Rea habang nakayakap padin sa mommy nya.

"Tama na yan. Kumain ka na baka malate kapa." sabi ng kanyang mommy.

"Opo." sagot ni Rea.

Pagkatapos kumain ni Rea naligo nadin sya. Medyo maaga-aga pa naman kaya nagbasa muna sya ng magazine habang inaantay si Deri. Ng mainip sya, pinuntahan na nya si Deri sa bahay nito.

*Tok tok tok*

"Hi Tita Cris! Anjan po ba si Deri?" tanong ni Rea.

" Derriiiii! Si Rea nandito na!!!" sigaw ni Tita Cris.

"Opo!! Nanjan na!!!" sigaw din ni Deri.

"Pasok ka muna." pang-aalok ni Tita Cris.

"Salamat po."

End Of 2nd Chapter.

----------------------------------------------------

Sana Talaga Magustuhan Nyo! Nagpapakapuyat  Pako Para Itype Lang To Ehh! Muaaah (: Hope You Like It =D

Krung :*

Rahcky_o525

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon