Bonus Chapter

1.2K 24 4
                                    

Quintinn

Hindi matanggap ni Margaux ang pagkawala ni Jacob. Dead on arrival si Jacob sa hospital noong panahong siya ang sumalo ng bala para sa akin. I know Jacob did that because he thought that Margaux do still love me, but the real thing is Margaux just couldn't accept the fact that he is inlove with Jacob. Honestly, sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari dahil dapat ako ang namatay, dapat ako ang pinaglamayan at inalayan ng mga bulaklak. Limang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin matanggap ni Margaux ang sinapit ng asawa niya.

Yesterday was Kevin and Fatima's wedding, pero she kept on saying that she is seeing Jacob. Madalas akong pumunta sa bahay nila dahil sobrang nag-aalala ako kung anong mangyayari sa kanya. Hindi ko siya kayang makitang ganito araw-araw. Sometimes she even talks to herself. I am just pretending that I also see Jacob. Nakausap ko na ang mother niya at ang mga kuya niya, they are planning to take Margaux in a mental facility because she might break down.

Nasasaktan akong makitang ganito ang taong mahal ko, sobrang hirap at sobrang sakit. Palagi kong sinisisi ang sarili ko, pero alam kong kahit anong sisi ko ay hindi na maibabalik nito si Jacob. Jacob chose to die for me and I will not waste it, aalagaan ko si Margaux at si Marga para sa kanya. I know this will be hard, but I will do this. Alam kong kahit kailan ay hindi ko na mapapalitan ang nilalaman ng puso niya. Malalagpasan namin ito ni Margaux.

We will be going to the mental hospital today at nasa likod na ng kotse ang mga gamit niya habang nasa katabi ko siya, sa passenger seat.

"Jacob said na okay lang naman daw na sumama akong kumain sa'yo, you are friends na naman. Saan ba tayo kakain?" Sabi ni Margaux.

Habang sinasabi niya 'yon ay kinagat ko ang inner lip ko para pigilan ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. I just can't see her like this.

Your ghost still haunts her, Jacob.

"Dyan lang, malapit lang." Sagot ko na lang sa kanya.

Pagkapasok namin sa hospital ay agad kaming inasikaso ng mga staff dahil na-evaluate na siya ng isang psychiatrist and psychologist at ang solusyon nila ay ang matutukan ang therapy niya at ang gamutan. Siguro ay hindi dito magugustuhan ni Margaux, pero kailangan niyang pumasok dito para gumaling siya.

"Where are you going Quinn? Sino sila?! Bakit mo ako iiwan dito?! Isusumbong kita kay Jacob! My husband will be mad at you!" Sigaw ni Margaux habang hawak siya ng mga staffs.

Iniabot ko sa kanila ang mga gamit niya at tuluyan na ngang umalis sa hospital. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol habang nagmamaneho ako ng sasakyan ko. Kung kaya ko lang kunin ng sakit at pait na nararamdaman niya ngayon at pilit niyang kinakalimutan, gagawin ko dahil hindi ko kayang makita pa siyang ganito.

Bumalik ako sa bahay nila at sinalubong naman ako ni Marga.

"Tito Quinn, kailan babalik si mommy?" Tanong ni Marga habang yakap-yakap ang dalawa niyang stuff toys.

"Soon baby. But as of now, si Tito Quinn muna ang mag-aalaga sa'yo huh? Saka magstart ka nang pumasok sa school huh?" Sabi ko sa kanya.

They already planned to enroll Marga in preparatory class kaya bukas ay magpapasa na ako ng requirements para makapasok na siya sa school.

"Tito Quinn, kapag bumalik na si mommy, sana hindi na niya kakausapin sarili niya..." She was sad.

Niyakap ko si Marga at hinalikan sa noo niya. This poor little kid doesn't deserve anything of this. Her daddy died, and she needed to cope up immediately because her mommy was greatly affected.

~ONE YEAR LATER~

I am really excited dahil susunduin ko na ngayon si Margaux sa hospital. Tinawagan kasi ako ng hospital and they said that Margaux is well right now. They did their evaluations and therapies, Margaux passed them. Magaling na siya kaya hindi na ako makapaghintay na sunduin na siya.

Naghintay ako sa kanya hanggang lumabas na siya kasama ang ilang medical staffs, yumakap siya dito at nagpasalamat. Tumingin siya sa akin at binigyan ako nang napakatamis niyang ngiti. I can't wait to bring her home para magkita na sila ni Marga.

Sumakay kaming dalawa sa sasakyan ko at dumiretso na sa bahay nila. Naghihintay na doon si Marga. Pagkakitang-pagkakita niya pa lang sa mommy niya ay sinalubong niya ito at niyakap nang mahigpit. Nangingilid ang mga luha ko dahil isang taong hinintay ni Marga ang mommy niya na makauwi sa bahay nila.

"Can we go to daddy, mommy?" Tanong ni Marga sa kanya.

"Oo naman, let's go. I miss him so much." Margaux said.

Sumakay ulit kami sa sasakyan ko at dumiretso sa puntod ni Jacob, pero bago iyon ay bumili kami ng isang bulaklak.

Nakatingin kaming tatlo sa puntod ni Jacob ngayon. Inilagay ni Margaux ang bulalak sa tabi ng lapida niya. Tears began to fall from her beautiful eyes. My words aren't enough to comfort and remove the pain she is feeling right now. Hinawakan ni Marga ang kamay ng mommy niya.

"Hindi ko man lang nasabi kung gaano kita kamahal, you just left me, just like that. Hindi ko man lang nasabi kung paano mo ako napahanga sa mga ginawa mo para sa akin. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa mga araw na pinasaya mo ako at si Marga. You've been the best husband in the world, Jacob. You will always be in my heart forever, even though you are in heaven now. I love you, Jacob." Patuloy ang pag-iyak ni Margaux.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

"Jacob, pare... Palayain mo na si Margaux huh? Saka diba okay lang na maging masaya siya? Gustung-gusto ko na kasi siyang pasayahin eh. Sana hayaan mo ako. Hinding-hindi ko siya sasaktan, aalagaan ko siya araw-araw pati si Marga. Mamahalin ko sila gaya ng pagmamahal mo sa kanila." Hindi ko namalayang tumutulo na rin ang luha sa mga mata ko.

Yumakap si Margaux at si Marga sa akin. I made a promise in his grave that I will love and protect them. Things may not go my way, pero araw-araw kong ipapakita at papatunayan sa babaeng mahal ko na hindi pa tapos ang lahat, I can still be the one she loves. Hindi ko man kayang palitan at higitan si Jacob sa puso niya, pero kaya ko siyang mahalin at tanggapin araw-araw, hinding-hindi ako mapapagod sa'yo, Margaux.

End.

Again, mag-ingat palagi. Hindi safe lumabas, manatili sa loob ng bahay at magbasa na lang, kung hindi naman importante ang gagawin sa labas, wag ka nang lumabas sis! Maawa tayo sa frontliners, pagod na pagod na sila. Please, do wear mask if you're going outside your house. Always disinfect everything and wash your hands.

Nobela by Join the club at the multimedia!

-kathycarrot26

-kathycarrot26

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Day We Met (Completed)Where stories live. Discover now