AV's POV
"Oh, tito bat ang aga mo nagising?" Tanong ko kay tito na naka upo sa sofa at nanonood ng tv
Kakagising ko lang at baba sana ako para mag luto ng agahan namin
Tumingin ito sa akin, bahagya akong napa atras dahil sa eye bags niya na halata, wala pa naman ito kahapon
Napatawa ako "bab, anong nangyari diyan sa mata mo?"
Bumagsak ang balikat nito "hindi lang naman ako nakatulog dahil diyan sa malandi mong kaibigan"
Lumapit ako sa kanya "ano bang ginawa niya sayo?"
Hindi ito nagsalita sa halip sumandal siya sa sofa at itinangala ang ulo
Halata na pagod ito, ano kayang ginawa ni Chad dito, yong baklang yon talaga
Tatayo na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko "don't go, let me rest on your shoulder please"
Huminga ako ng malalim at bumalik sa pagkakaupo, awtomatikong inidantay naman niya ang ulo niya sa balikat ko
Hinayaan kong ganun kami ng ilang minuto bago ako nagsalita "Bab, dun ka na lang sa kwarto ko magpahinga, makakapag pahinga ka ng ayos dun wag ka mag alala hindi ko muna hahayaan si Chad na guluhin ka, just rest there" saad ko
Umalis siya sa pagkaka dantay sa balikat ko at antok na iminulat ang mata
"Thanks" tumayo siya at pasueay suray na naglakad papuntang kwarto ko muntik pa nga siyang madapa
Napailing na lang ako, ang baklang yon talaga, pumunta ako ng kusina para magluto ng agahan namin
Habang nagluluto ako pumasok si Chad sa kusina at kumuha ng tubig sa refrigirator
Habang nagsasalin siya ng tubig sa baso tinanong niya ako "nasan si baby?" Napangiwi ako dahil sa endearment niya kay Bab
Bumaling ako sa kanya na ngayon ay nainom na ng tubig "nandon sa kwarto ko nagpapahinga" dali dali niyang ibinaba ang baso sa lababo at akmang aalis na ng pigilan ko siya
"Hep hep hep, san ka pupunta?" Tanong ko
Tumingin siya sa akin "kay baby"
Umirap ako "wag mo na muna siyang guluhin, wala siyang tulog, ano bang ginawa mo sa kanya kagabi?" Tanong ko
Nagngingiti siyang tumingin sa kisame, siguro iniisip niya kung anong ginawa niya kay Bab kagabi, hmmm, iba na ang iniisip ko sa baklang to ahh
"Ano?" Tanong ko ulit
Bumaling siya sa akin "wala! Nothing, wag mo ng itanong" saad niya
Umirap ako, siguro hindi ko muna patutulugin si bab sa kwarto kasama si Chad, baka araw araw may eye bags ang tito ko kawawa naman, wala talagang pinipili itong baklang to eh
"Basta wag mo ng pupuntahan si Bab, nagpapahinga siya, walang tulog mabuti pa magtimpla ka na lang ng kape natin at malapit ng maluto itong agahan natin papasok pa tayo sa school" utos ko
Umirap siya pero ginawa pa din ang inutos ko, nang matapos na akong magluto kumain na kami, hindi na namin ginising si Bab baka inaantok pa siya ehh tinirhan na lang namin siya ng pagkain
Pagkatapos nun kanya kanya kaming pumasok sa mga kwarto namin
Nang makapasok ako sa kwarto ko, kita ko si tito na nakadapang natutulog sa kama ko
Poor man....
Na ambush ng bakla kong kaibigan tsk tsk. Ang baklang yun talaga
Napailing na lang ako at inihanda ang uniform ko sa school pagkatapos pumasok na sa Cr at naligo
YOU ARE READING
Ang babaeng mahilig sa hatdog
Teen Fictionmahilig sya sa hatdog at halos araw araw gusto nyang kumain ng hatdog she encounter a guy who is famous and handsome but smart and shes just a nerd although she is smart, shes lucky that she have this man, first he is just a friend, pero habang tuma...