- Prologue -

14 1 0
                                    

"Ano ba, tapos na tayo diba?" sabi nito sakin. I don't know bakit pa ba ako andito. I knew I deserve better, hindi yung parang tinatrato ako na parang basura. Is it a choice? I don't know either. 2 years kami netong lalaki sa harap ko, pero kung tignan niya ako, it feels like I'm just a stranger. I am a smart and a strong woman, but I guess when love really hits you hard, magiging tanga ka and it will be hard to recover.

"Ibibigay ko lang 'tong birthday gift mo." sabi ko. I disgust myself for doing this, pero parang may sariling utak tong puso ko, ewan ko ba dito kasi mahal na mahal niya 'tong rude guy na nasa harap ko. My brain is telling me to get the hell out of his birthday party now , kasi ang tanga na.

I look pathetic. I look desperate.


"Erin, seriously. Anong point mo? Bakit ka ba andito? You're not even invited." sabi niya saakin na kinasakit ng puso ko. I'm trying not to even shed a tear pero tangina bakit naiiyak talaga ako sa mga sinasabi niya. Napaka jerk ng lalaking 'to, what did I even do to deserve this rudeness.

Damn you, Storm Eros Henrìquez

Magsasalita palang sana ako pero he walked away at pumunta sa mga barkada niya na umiinom.

Naiinis ako deep inside. Nasa punto na kasi ako na sobrang apak na apak na pride ko. Wala nang natira.

My heart decided now to slow down a bit. Napapayag ko yung puso ko na umalis na doon sa kinaroroonan ko. Papalabas na ako ng gate nila  ng may nakita akong nag yoyosi na guy na naka lean sa kotse na black.

"So you're that girl." he smirked. I don't even know this guy to begin with. Sino ba 'to at makangisi parang hinuhusgaan na ako. 

"Excuse me?" sabi ko sakanya.

"The girl who's always desperate  for my cousin's attention." he said and smirked again. "Tsk, pathetic."

Parang tumaas dugo ko bigla. Who's this guy?! Ang kapal ng mukha. I don't even know him. Atsaka ano raw? Cousin niya si Storm? I never heard of him ever!

"Excuse me?!" inis kong sabi. "Who are you to judge me?!"


Nakita ko siyang nag smile at nag shook ng ulo niya. Mas lalo akong naasar sa ginawa nito.

"I'm Thunder." he said tapos tinapakan niya  yung sigarilyo  na hawak hawak niya.


Then he left.

What the hell?

———
A/N :  Hi, guys new story. Gusto niyo yon dami ko time hays di pa ako nag rereview. Anyways, please support this story.  Medj, mature content ito. Maiba naman.
START : MAY 20,2020
END : ?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thunder Is On The WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon