PROLOGUE

29 1 0
                                    


It's 3 in the afternoon, Sunday, I was busy watching the leaves of a tree in front of my window.

Magandang pagmasdan kung paano ito sumabay sa galaw ng hangin, umuulan, nakagiginhawang tingnan ang bawat pagpatak nang tubig ulan sa bawat dahon.

*knock knock*

Natigil ako sa pagmamasid sa labas ng aking bintana

"Ma'am Lianne pinatatawag ka po nila maam at ser," pagtawag sa akin ng aming katulong.

"Susunod na po ako manang" sagot ko sabay tayo sa kinauupuan ko.

Hindi ko na narinig ang pagsagot muli ni manang, malamang ay nakaalis na siya.

Habang pababa ako ng hagdanan ay may narinig akong pamilyar na boses...kaya naman dali-dali akong pumunta sa sala kung saan nagmumula ang mga tawanan...

"Kuya! I knew it was you..." excited na sabi ko. Lumapit ako sa kanya at saka ko siya niyakap.

"Well, surprise! Hahaha," sabi niya.

"Kamusta na ang baby ko? May manliligaw na ba? Pakilala mo sakin ng makilatis ni kuya..." dagdag niya kaya napasimangot ako. Umupo ako.

"Hay naku Clyde, yang kapatid mo, subsob sa pag-aaral yan, she have no time to entertain her suitors..." pagsagot ni Mommy sa tanong ni kuya.

"Yeah your mom was right Clyde!" natatawang sabi ni dad.

"That's good to hear then, dahil sinumang lalapit at magbabalak na ligawan tong baby sister ko, dadaan muna sa akin," pabirong sabi ni Kuya pero alam kong may halong katotohanan yun.

"Kuya naman, wala pa sa isip ko yamg mga ligaw ligaw na yan, di ba nga sabi mo 'Paunahin mo muna si Kuya, Lianne'" paggaya ko sa sinasabi niya sa akin palagi.

"Yan ganyan nga...hahaha" sabi ni kuya sabay gulo sa buhok ko.

"Oh siya, tara na sa dining at magmeryenda na tayo," aya sa amin ni Mommy.

Habang papunta ay magkasabay kaming lumakad.

"Bakit ka nga pala umuwi, kuya? Wala kang work?" tanong ko.

"Nag leave ako kasi, magde-debut ka na diba? Two weeks lang naman eh," sagot niya.

"Ahh, okay,"

Masaya kaming kumain habang nagkukuwento si kuya sa buhay niya sa New York, isa siyang Engineer doon at siya rin ang nag-aasikaso ng business namin doon which is a Construction Company. Dati nandito lang siya sa Pilipinas pero noong nagkaroon ng branch sa New York ay siya na ang namahala doon.

Grade 12 na ako ngayong pasukan, STEM ang strand ko, pero balak kong kumuha ng kursong medecine, ewan ko lang kung papayag sina Daddy dahil malayo yun sa business namin. Balak ko magpaalam mamaya since nandito si kuya baka makatulong siyang kumbinsihin sina Dad and Mom.

Patapos na kaming kumain kaya napagdesisyunan kong  sabihin ang balak kong maging doktor.

"Uhmmm, mom, dad, kuya, pagka graduate gusto ko sanang kumuha ng course na related sa pagdodoktor..." napapikit pa ako habang sinasabi yun.

"What, come again," sabi ni dad na parang di na dinig yung sinabi ko.

"I want to be a doctor Dad," pag-uulit ko.

Napapikit si Dad at mukhang nag-iisip ng magsalita si Mommy.

"Lianne you don't mean it right?"

"Mom yun po talaga ang gusto ko," I said almost pleading.

Tumingin ako sa gawi ni kuya para humingi ng tulong.

"Mom, Dad payagan niyo na si Lianne dahil yun naman po yung gusto niya, total nandito naman ako kaya ko pong i-manage ung kompanya." pangungumbinsi ni kuya kila dad.

"I'll say yes but there's one condition..." sabi ni dad sabay tingin kay mom na para bang nag uusap sila gamit ang mata.

"You will marry Anton's son..." dad added.

"Kung hindi ka magti-take ng Engineering course mabuting ang mapangasawa mo ay engineer at ang anak ni Anton ang kukuha ng Engineering course sa school kung saan nagtapos ang kuya mo..." dad again.

"Pero dad that's unfair..." pagtutol ko.

Kuya and mom is quiet dahil alam nilang seryuso na si dad. They can't interfere dahil tiyak na di rin nila makokontra si dad.

"That's my condition Lianne I'll say yes to you taking med school if you marry Anton's son! If you don't want to marry him then you should take an engineering course.... I'm done eating..." sabi ni dad sabay tayo sa upuan at umalis. Alam kong galit na siya.

Sinundan siya ni mom kaya naiwan kami ni kuya sa dining table.

"Kuya..." para akong batang inagawan ng lollipop sa harap niya ngayon.

"Lianne, alam mo namang pag sinabi ni Dad yun ang mangyayari, so say yes to marriage or be an engineer, that's the only option, think wisely princess..." sabi ni kuya sabay tayo at punta sa may upuan ko para mahalikan ko sa ulo ko.

Natapos ang arawa na iyon na hindi ako kinausap ni Dad.

Anong dapat kong gawin, gusto ko talaga mag med school.

Together for a Hundred DaysWo Geschichten leben. Entdecke jetzt