Chapter 1

8 1 0
                                    

Eighteenth day of May, and it's my eighteenth birthday.

Kasalukuyan akong inaayusan sa isa mga hotel room na kinuha nila mom at dad para sa birthday celebration ko.

"Hay naku ma'am, napakaganda niyo po, pak na pak, wa masabi ang ganda ko ma'am" sabi ng baklang make-up artist na hinire ni mommy.

Ngumiti ako sa kanya, "Ah, salamat," sabi ko habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin.

*knock knock knock

"Ma'am Lianne mag ready na po kayo in 3 minutes," paalala ng event organizer na kinuha ni mom.

"Okay,"...."Uh, okay naman na yung make-up ko diba?" baling ko sa kanya.

"Ay naku ma'am, okay na po ma'am gora ka na!" sabi niya habang pumapalakpak pa.

Tumayo ako at lumapit sa isang full size mirror, I was wearing a yellow ball gown , tiara on my head, inayos na naka messy bun ang aking buhok at light make-up lang.

Parang akong si Belle ng Beauty and the Beast. Yun yung theme ng party, favorite ko kasi yun.

My room is a living proof, dahil pinasadya pa ang kwarto ko, the walls were painted yellow at lahat ng gamit ko ay yellow.

"Uh ma'am, ready ka na po, tara na ma'am, baba ka na daw po." naputol ang aking pagpuri sa ayos ko ngayong gabi.

"Ready!" pinalakas ko kunwari ang loob ko kasi kabado talaga ako.

"And now our debutante, Miss Lianne Emily Buenaventura!" announce ng emcee.

Agad akong humakbang pababa ng hagdan, habang pababa ako ay nakangiti ako.

Karamihan sa mga dumalo ay mga closed friends ko at siyempre di mawawala ang mga taong related sa business namin, tulad ng business partners and the boardof the company.

The hall was fully decorated with yellow stuffs, yung mga mesa at upuan kulay yellow lahat.

I am Belle tonight but my beast is nowhere to be found.

Last step and kuya is my escort kasi wala naman akong boyfriend.

"You really look like a princess tonight my baby..." kuya said then took my hand and gently kissed it.

Nagsimula ang party, mula sa 18 roses, candles, gifts, at treasures.

May Dad was my first dance at yung mga sumunod ay mga kaklase ko at anak ng mga business partners ni dad.

Nakakapagod pero yaka lang, birthday ko ngayon and I'm having fun.

Natapos ang lahat ng events and its my time to talk to everyone who's present.

Tinawag ako ng emcee and the hotel staff handed me my microphone.

"Good evening everyone, first I would like to take this moment to say thank you for my mom and dad, thank you for making my debut this wonderful..." I paused for a moment and gave them a glance. Yumakap si dad kay mom na naiiyak na.

"To my Superman, Kuya Clyde, thank you for saving me everytime I'll be in trouble. Thank you dahil lagi mo akong pinagtatakpan kapag nababasag ko yung mga paso ni mommy sa garden..." everyone laughed including mom, dad, and kuya.

"Ikaw palagi yung kasama ko and thank you for protecting me always, mom, dad, kuya I love you..." nakita ko si mom na nagpupunas na ng luha habang inaalo naman ni dad. Kuya is already teary eyed.

"Sa mga bisita ko ngayon, to the company board, to my schoolmates, and other guests thank you for coming and I hope that you all have a great night. It's time for the party!" I said joyfully.

Pagkatapos ko magsalita ay ibinalik ko na microphone sa isa mga hotel staff at bumaba na ng stage.

The party went well, sayang nga lang dahil din nakarating sina Timothy at Tania, magkambal sila at best friend ko pareho.

"Princess!" sabi ni kuya sabay lahad ng braso niya na agad ko namang kinuha.

"Alam mo kuya, ang saya saya ko ngayon, this is the best birthday ever!" sabi ko na nakataas pa ang isang kamay sa ere dahil nasa braso ni kuya yung isa.

"Alam ko, kita sa mga ngiti mo..." he said while looking at me smiling.

"Let's go to mom and dad!" sabi ko sa kanya.

Pumunta kami aa gawi nila dad at mom.

"Mom, Dad..." tawag pansin namin sa kanila. They were busy talking to some people in the corporate world.

"Oh, hi sweetie, you look stunning tonight!" mom said cheerfully.

"Indeed" dad added.

"Thanks mom and dad for making my dream debut possible..." sabi ko sabay yakap sa kanilang dalawa

"No worries sweetie, we want the best for you," dad said.

"I know," sabi ko habang nakayakap pa din sa kanila.

"Uy tama na nga yan at baka magkaiyakan na naman tayo niyan..." pagbibiro ni kuya kaya kumalas na ako sa yakap nila mom and dad.

"And by the way, we will meet Anton and his son tommorow, at 7pm at our house. They apologized that they didn't make it to this event kasi ngayon pa lang yung flight nila galing Italy. We will talk about your engagement to his son." daddy said.

I was shocked, it is true that what daddy said is a must and is going to happen.

Walang kibo sila kuya at mom, tumango na lang sila sa sinabi ni dad.

"A-alright D-dad," I said and I can't help to stammer.

Together for a Hundred DaysWhere stories live. Discover now