Chapter 6: Why?

6 2 0
                                    

Natatakot ako umamin na may pagtingin ako sakanya. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari. Paano pag umamin ako? Magiiba lahat? Malalayo closeness nya sa family ko? Dahil lang umamin ako? Madidisappoint sakin family ko? Mawawalan ng kaibigan yung kuya ko? Natatakot ako.

Nabalitaan ko din na hindi sinagot ni Ate Febe si Dominique. Wala lang saakin yun. Iba pa den yung pain na naramdaman ko.

One Day, Paggising ko nilapitan ako ni mama.

"Nak, Si Dominique, Aalis na sya." malungkot na sabi ni mama.

"Huh? Saan sya pupunta?"

"States, Nak."

I admit masakit pa din yung nararamdaman ko that time, Pero may pake pa din ako sakanya. Minahal ko pa din sya. Di ako mawawalan ng pake.

Pumunta ako sa kwarto, Umiiyak. Dun na sya magiistay? Di ko na sya makakasama? Di ko na sya makikita? May magagawa ba ako? Nakita ko yung cellphone ni mama sa table.

Kinuha ko sya at tinignan ang convo ni Mama at Dominique.
___________________________
Dominique Gumabao
Active Now

Dominique: Tita, Ingat po kayo palagi.
Mama: Bakit, Dominique?
Dominique: Tita, Lilipat na po kasi ako ng States.
Mama: Nakakalungkot naman pakinggan yan. Naaawa ako kay Leo. Ikaw nalang ang natitirang kuya nun. Love ka din nun.
Dominique: Tita, Hayaan nyo po. Bago po ako umalis, Mamamasyal po kami.
Mama: Isama nyo nadin si Febe, Para may magbantay kay Leo.
Dominique: Sure po, Tita!
___________________________

Mom loves me. Napansin nya talaga na mahal na mahal ko si Dominique. Sinabi pa nya mismo. Pero kinakabahan ako. Ako? Ate Febe? Dominique? Magkakasama? Akward.

Hanggang sa dumating ang araw ng pamamasyal namin.

Sabay sabay kaming nagbyahe sa bus papunta sa perya. Excited ako. Last na perya ko is 6 years ago. Malaki daw yung perya na pupuntahan namin. Carnival daw.

Hanggang sa nakarating kami doon sa Carnival. Daming rides! Daming Booths! Daming Foods! So ayun naglaro laro lang kami. Di kami gaanong nagrides. Pansin ko yung closure ni Ate Febe at Doninique. Nawalan ako ng gana. Nawala yung excitement ko. That time, Gusto ko umuwi nalang.

After nun, Nagjeep kami pabalik. Napansin siguro ni Dominique na malungkot ako. Tinitignan nya ako na parang nagaalala.

Pagbaba namen ng jeep, Sumakay na kami ng Tricycle pabalik sa bahay namin.

"Bye, Bunso! Ingat kayo!"

Hindi ako lumingon para magpaalam, Hindi ako lumingon para ngumiti. Wala ako sa mood.

Pag uwi ng bahay, Di ako mapakali.

"Bakit ko ginawa yun? Huling pagkikita na namin yun! Bakit ko sya hinayaan lang?"

Iyak ako ng iyak. Wala na akong magagawa. Di ko pwedeng ibalik ang oras. Nakakapanghinayang.

So he left. Lumipat na sya sa States.

All i have to do is to stay calm everytime. Kinalimutan ko yung lahat ng nangyari saamin. Bumawi ako sa acads. Kinalimutan ko na din sya. Wala na sya sa puso ko. Kung nandito man sya, Yung pagmamahal na nandito, is hindi na tulad ng pagmamahal ko sakanya dati.

Hopelessly Devoted Unto YouWhere stories live. Discover now