OS 02 ~ Magic Island

32 2 1
                                    


Yeonjun

"HALA MGA HYUNG, ANG GANDA RITO!"

Inilibot ko ang tingin ko sa isla pagka-daong ng bangkang sinasakyan namin. Ang ganda ganda nga, tama si Huening. Ang linaw ng tubig sa beach tapos puti 'yung mga buhangin sa pampang. Tila maliit lang ang isla pero may mga ilang bahay kaming nakikita. Pero ang astig lang kasi may daanan talagang sementado pagdating sa mga bahay bahay, ala-subdivision ang style.

"Hyung, anong tawag dito sa island?" rinig kong tanong ni Hyuka kay Manager-nim.

"Magic Island. May private school din dito kung saan kayo mag su-summer class. MOA Academy ang pangalan, walking distance lang." sagot naman ni Manager-nim kaya napatango na rin ako.

Pansin ko ang pagka-gulat ni Beomgyu mula nung maka-sakay kami kanina sa bangka hanggang ngayong pagdating namin. May kung ano siyang ibinulong kay Taehyun kaya naman nagulat din 'yun.

"Soobin, anong mga magiging strand nating dalawa? Susundin ba natin 'yung strand natin dati?"

Nagkibit-balikat naman siya, "Ewan din hyung eh, siguro."

Mahahalata mo ang pagod sa tono ng pananalita niya jaya for sure, bagsak 'to mamaya sa kama.

"Boys, tara na. Pupuntahan na natin 'yung magiging bahay niyo for 3 months."

------

"UY ANG LAKI! MAS MALAKI PA SA DORM! AAAAAH!!"

Natawa kaming lahat sa isinigaw ni Hyuka pagkapasok na pagkapasok namin sa magiging bahay namin. Well, tama siya. Malaki nga ito. Color blue and yellow ang pintura niya. May balcony saka second floor. Mukhang tag-iisa rin kami rito ng kwarto. May magandang kitchen saka malaking CR pa.

"Before proceeding sa mga rooms ninyo, maupo muna kayo rito sa sofa para mapag-usapan kung ano ang mga strands ninyo since Grade 12 kayo. I e-enroll ko na kayo habang nagpapahinga kayo para wala na kayo masyadong iniisip. "

Gaya ng sabi ni Manager-nim ay naupo na nga kami sa sofa. Binigyan niya kami ng mga kaniya-kaniyang forms para sa enrollment. Chineck ko ang STEM strand since 'yun naman talaga ang strand ko nung nag-aaral pa ako.

"Soobin, ano sa'yo?" tanong ko sa katabi ko, "HUMSS." sagot naman nito. Oo nga pala, pareho kaming humss dati.

Sunod kong tinanong ang mga mas nakababata. STEM ang sa amin ni Taehyun, HUMSS din ang kay Beomgyu habang ABM naman si Hyuka.

"Alright boys, pwede na kayong umakyat. May mga names na ang rooms niyo sa taas, tignan niyo nalang. Soobin, paki-lock itong pintuan dahil pupunta na ako sa academy para ma-enroll kayo."

"Ne hyung, ingat."

Sabay sabay kaming umakyat at unang bumungad sa amin ang kwarto na may nakalagay na pangalan ni Hyuka. Sunod ay ang kwarto ni Beomgyu, ang gitna ang kay Taehyun, sunod sa akin at ang pang-huli ay ang kwarto ni Soobin.

"Magpahinga kayong mabuti, ako na bahala magluto mamaya ng lunch. Gigisingin ko nalang kayo." sabi ko sakanila bago pumasok ng kwarto.

Pagkapasok ko ay pinagmasdan ko muna ang magiging kwarto ko for 3 months. May isang kama na katamtaman lang ang laki, may isang study table, sariling cr, medium sized na cabinet, at isang malaking salamin. Okay na 'to.

Agad akong nag-unpack ng maleta ko. Inayos ko na ang mga damit ko at inilagay na ang mga 'yun sa cabinet. Ayoko na kasing mag-ayos mamayang gabi, mas maganda kapag diretso tulog nalang.

Pagkatapos kong ilagay ang mga damit ko ay agad akong nahiga. Tinitigan ko ang kisame at inisip ang mga nangyari sa mga nagdaang araw.

Naging successful ang debut namin. Maraming nag-abang kahit na hindi pa debut day. May mga sumuporta pero gaya nga ng sabi nila, hindi mo mapi-please lahat ng tao sa mundo. May mga nagsasabi na kaya lang naman daw kami sumikat ng ganito kabilis ay dahil sa BTS Sunbaenims namin. Partly true, kasi karamihan ng mga MOAs sa ngayon ay mga ARMYs din and we are thankful for that. Pero sana ay makita nila kami nilang TXT, 'yung TXT na may pangarap, 'yung TXT na may talent.

Beomgyu

"Yes, tulog na." bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang naglalakad paalis sa tapat ng kwarto ni Soobin hyung. Siya kasi ang pang-huling kwarto na tinignan ko para malaman ko kung pwede na ba akong makalabas. Hinintay ko muna kasi silang makatulog para makalabas na ako at tama nga ako, nakatulog na silang apat kaagad. Pagod mga 'yun eh.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at lumabas ng bago naming bahay. Siyempre, naka-disguise ako. Mahirap na kayang mahuli.

Agad akong nagpunta sa may secret tree house na pinupuntahan ko noon dito at halos hindi ko na mapigilan ang ngiti ko nang makitang andoon na siya sa itaas, inaabangan ako.

Dali-dali kong inakyat ang tree house at agad siyang niyakap. Grabe, na-miss ko 'to.

"Hay nako Choi Beomgyu, clingy ka pa rin." suway niya sa akin na ikina-ngiti ko.

"Hay nako Erin Lim, napaka-sungit mo pa rin sa akin."

Erin Lim nga pala, girlfriend ko. Isang taon na rin kaming mag-jowa. Ano, inggit ka 'no? Joke lang. Sa totoo lang, sobrang saya ko nung sinagot niya ako last year. Gustong-gusto ko nga siyang puntahan nun kaso ayun nga, andun kami sa LA para mag prepare para sa debut namin.

"Eto oh, pinag-bake kita nung paborito mong cupcake."

Agad akong napangiti nang makita ang transparent box na iniaabot niya sa akin. Ang tagal ko ring hindi natikman 'to.

Kinuha ko iyon at ipinatong sa lamesang nasa likuran ko. Bahagyang kumunot ang noo ni Erin at tinanong pa ako kung hindi ko raw nagustuhan. Hindi ako sumagot. Instead, I pulled her for a tight hug and kissed the top of her hair.

"Ang swerte ko talaga sa'yo. Thank you." I whispered habang nakayakap sakaniya nang mahigpit.

"Swerte rin ako sa'yo. Kahit mapang-asar ka, mahal na mahal kita."

"Mahal din kita, Erin."

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Sep 03, 2020 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Our Summer • 투모로우바이투게더Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin