15• EPIC BABE

1.8K 35 0
                                    

MAX's POV

"Mom? Bakit kayo andito?" Pagtatanong ni Jaena sa-.. WHAT!?

Mama?!

Her mom is here, at ganito pa niya kami nadatnan..

Baka akala niya sinasamantala ko ang anak niya.

"DI BA't AKO DAPAT ANG MAGTANONG!? GUSTO MO NA BA TALAGANG HUMIWALAY SA PUDER NAMIN NG DADDY MO!?!!?" Galit na galit at pasigaw na sabi ng mama ni Jaena..

Tumingin sakin si Jaena at nagsesenyas na umalis na ako..

Pero sa ganitong sitwasyon..

Mas maganda siguro kung ipakita ko nalang pinaninindigan ko ang anak niya..

Inakbayan ko si Jaena at nagsmile sa mama niya..

"Hello po tita, I'm Max.. Your daughter's boyfriend."

Nabaling ang tingin sakin ng mama niya at mas sumama pa ang itsura nito..

"Hindi kita tinatanong, kinakausap ko ang anak ko. Since sinabi mo na din kung sino ka.. Ipapabawal na kita sa mga magbabantay ng anak ko."

Tsaka niya hinila si Jaena palayo sakin.

"We-wait Ma.. Anong magbabantay!? Ma!" Pero patuloy siyang hinigit palayo sakin ng mama niya.

Humarap sakin si Jaena at parang nanghihingi ng tulong..

Hinabol ko sila ng mama niya pero paglabas namin ng pinto, agad ng isinakay sa kotse si Jaena at pinaghahawakan ako ng mga lalaking gwardya ata ng mama ni Jaena..

"JAENA!!!!!!" Sigaw ko ng malakas.

Pero sa huling sulyap ko sa kotse, ang umiiyak na Jaena nalang ang natandaan ko..

Nanghina ako syempre..

Nang dahil sakin kaya naman ngayon pinaglalayo kami. Kung hindi kami nakita ng mama niya sa ganung sitwasyon, siguro maayos pa kami ngayon..

Siguro magkakaroon pa'ko ng chance para magpakilala ng mahusay sa mama niya.

Nakahawak padin ang mga guard sakin hanggang sa makalayo ang sinasakyan nila Jaena.

"Kung ako sayo wag mo ng kalabanin ang boss namin. Humanap ka nalang ng ibang babaeng mauuto mo, dahil sa lagay mo ngayon, wala ng chance para makalapit kapa sa anak niya."

Tsaka nila ako pinakawalan at itinulak sa kotse ko.

Jaena.. Hintayin mo lang ako..

Hindi ako kung anong superhero, pero ipaglalaban kita.

Kahit sa mama mo pa.

JAENA's POV

"Ma, anong sinabi mo sa mga guards mo. Si Max.. Ayos lang ba siya?" Pagsasalita ko pa kay mama habang umiiyak ako.

Nasa ibang bansa si mama at hindi ko alam kung bakit bigla siyang napauwi dito sa Pilipinas..

I mean, ang tagal na nila akong hinayaan mag-solo sa buong buhay ko tapos bigla babalik siya para ganituhin ako.

"I didn't know na nagboboyfriend na pala ang anak ko." Pagsasalita niya pero nakatingin parin siya sa bintana.

"Pano niyo malalaman? Eh diba matagal niyo nakong hinayaan mag-isa?!" Galit na galit kong sabi sakaniya.

"Panong pinabayaan? Pinagawan kita ng bahay dahil yun ang gusto mo, pinapadalhan kita ng pera para sa mga gastusin mo. Lahat ng gusto mo ibinibigay ko sayo. Napaka-swerte mo nga dahil nabibili at nakukuha mo ang mga gusto mo, na kahit papano hindi ko pinaparamdam na malayo ako sayo.." Pero nakatingin pa din siya sa bintana.

THE UNEXPECTEDWhere stories live. Discover now