03: Fazed by His Presence

256 29 9
                                    

ISLANNA

Nakakainis!

Labag 'man sa loob ko, bumangon na ako sa kama. Mabigat pa rin ang aking katawan, dahil hindi pa rin sapat ang tulog na ginawa ko. Mag aalas dose na ng madaling araw ng ako ay makatulog. 'Di ko masabi kung bobo lang ba ako, o sadyang may galit ang teacher namin sa Pre-Cal.

Sino ba naman kasi ang magpapa-assignment na 10 items tapos 5 point each. I-add na rin na one mistake sa solution count as zero!

"Mahabaging diyos! Anong ginagawa mo diyan Islanna? Ginulat mo akong bata ka! Ika'y nga ay bumaba dito. Samahan mo na ireng si Callisto."

Blangko akong tumingin kay Manang Celia na horrified na nakatingin akin.

Unfazed naman na lumingon saking pwesto si Kuya Calli, na kumakain mag-isa sa lamesa, "Himala. Parang ang aga mo naman ata ngayon. Quarter to five palang. Hindi ba ay mamaya pang seven ang assembly niyo."

Sinandal ko ang aking ulo sa railings ng hagdanan, at malalim na bumuntong hininga, "Sabi ni Ma'am Limaco sa group chat namin ay dapat before 6:30 ay nandoon na kaming advisory class niya." paliwanag ko.

From my peripheral view, he shook his head, "Kahit kailan talaga si ma'am. Kaya maraming nagagalit sa kanya na co-teachers eh."

Gagatungan ko sana kanyang sinabi, but realizing I was wasting too much time, napagdesisyunan ko ng bumaba at sumabay sa kanya.

"Kuya, anong oras alis niyo nila Kuya Robin?" pagsisimula ko ng usapan habang inaayos ang mga naka-downwards na utensils. "Hindi kita masusundo at maihahatid mamaya." aniya bago simisip ng kape.

Umupo ako sa aking upuan, at ipinansandok ang sarili ng sinangag, "Bakit naman? Mauuna ka na mamaya?" tanong ko.

Sinusubukan kong abutin ang plato ng bacon sa kanyang side, when he noticed it.

Inabot niya ito sa akin, "The organizers moved our rehearsal today. Yesterday was supposed the finalization, but for me lang ha, naisip ata nila na mas mainam ngayon na magsound check lalo't magagawan kaagad ng paraan kung may error." punto niya.

Napatango ako sa kanyang sinabi, "Sabagay, mahirap na. Pero sino ang susundo sa akin?" tanong ko ulit sa kanya.

"Arevalo. I guess."

Muntik na akong mabulunan nang marinig ang kanyang sinabi.

"You're telling jokes right?" kinakabahan na tanong ko sa kanya.

Tumigil siya sa ginagawa, at direkta tinitigan ang aking mata, "Do I look like I'm joking... Of course yes." bawi niya upang makahinga ako ng maluwag.

"Bakit? Iniisip mo bang ipagkakatiwala ko ang kapatid kong babae sa iba? Never mangyayari, except kung may kasama kang mapagkakatiwalaan." natatawa pero pasinghal niyang wika.

Offended, napahawak ako sa aking dibdib, "Wow. Bawal bang nagulat lang ho," depensa ko sa aking sarili. I was expecting an interesting counter from him,  nang sassy niya lamang ako na inirapan. 

***

"It's still a no for me."

Bumagsak ang aking balikat, "Kuya, akala ko nag-aalala kayo sa safety ko?" pagpapa-alala ko sa kanya, "bakit gustong gusto niyo naman matuto ako na mag-commute mag-isa po ngayon?!"

Ang gulo talaga!

"Bunso, mag e-eighteen ka na sa October, at hindi lahat ng oras, nandyan sina Calli at mga pinsan natin" sagot niya. Still making no sense!

"Eh, pwede naman kumuha ng service. Why bother me pa?" dagdag ko.

Napahawak sa sensistido si Kuya Cello na abala sa pagbabasa, "Isipin mong mabuti ang sasabihin ko, bunso ha. Hindi lahat ng oras, may taong tutulong sa iyo. Kailangan mong matuto na hawakan ang sarili mong kapakanan, dahil yourself is the only person you should trust the most." Makahulugang niyang punto.

Ventures of the Sly CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon