Chapter 23: Her Fiance

101 4 0
                                    

MADDISON'S POV

Ikakasal na ako pero bakit ganito?

Bakit naaalala ko pa rin ang huling pagkikita namin ni Jared? He's so broken because of me. I even saw him cried that day at inaamin ko, lagi kong naaalala ang mga sinabi niya matapos non.

Nababaliw na ba talaga ako? Ano bang problema at iniisip ko pa siya eh ikakasal na ako? I already moved on. Masaya na ako. Tama! I'm happy now. Kailangan ko ng kalimutan ang nakaraan.

"Lalim na naman ng iniisip natin ah." Nagulat ako at napatingin sa tabi ko. Napabuntong hininga ako nang makita ko si Lucy. Lucy is one of my friend from London. She's also a photographer and we're really close to each other kaya naman kahit malayo hindi niya pinalampas ang pagpunta dito para samahan ako sa pag-aasikaso ng kasal ko.

Naupo kaming dalawa ni Lucy sa may batuhan sa di-kalayuan habang pinapanood ang mga kaibigan at pamilya kong tumutulong asikasuhin ang pag-aayos ng reception sa mismong harapan ng bahay namin. Kasama din sa mga tumutulong ay ang fiance ko, natatawa tuloy ako dahil hindi siya makatakas sa mga magulang ko at sa kapatid ko. Good luck nalang sa kanya, sigurado akong ginigisa na siya ngayon ng mga tanong haha.

"Bakit ka natatawa?" Naguguluhang tanong ni Lucy.

"Natatawa lang kasi ako kay Clark eh haha! Ayun sila oh!" Tinuro ko si Clark na kanina pa napapakamot ng ulo. Kawawang Clark.

Napatawa rin si Lucy nang makita sila. Lucy, Clark and I are close friends. Model na si Clark sa SMA at nagta-trabaho na rin si Lucy doon noon bago pa ako dumating at makilala silang dalawa.

"Grabe, mukhang naka-hot seat pa rin siya hanggang ngayon. Haha buti nga sa kanya."

"Baliw. Pero seriously Lucy, nakakaawa si Clark."

"He doesn't have a choice Mad, ginusto niyang maging fiance mo eh edi good luck sa kanya. Pero sa tingin mo Mad, boto ba talaga sa kanya ang pamilya mo?"

"They doesn't have a choice. Kilala ko sila, hindi sila kelanman tumutol sa anumang desisyon ko sa buhay basta ba tama ito at ito ang makakapagpasaya sa'kin."

"You're so lucky." Nakangiting aniya.

"Ikaw din naman ah. Napaka-swerte mo sa lahat at lalo na sa asawa mo." Malokong saad ko. Oo may asawa na itong si Lucy at pareho nilang first love ang isa't isa dahil magkababata sila. Hindi nga sila mapag-hiwalay eh at kahit na mag-asawa na sila para pa rin silang nagliligawan kung umasta.

"Ahh nakakainis ka naman Maddi eh, hindi ako swerte sa kanya noh siya ang swerte sa'kin. Kapag narinig ka non lalaki na naman ang ulo non at magyayabang eh." Natawa nalang ako sa reaksyon niya.

"Wala naman siya dito eh kaya okay lang yan. Pero mas swerte talaga siya sa'yo."

"Yan, ganyan nga Maddi.. Dapat ako lang ang pinupuri mo at hindi ang panget na lalaking yun."
Sabay kaming napatawa ni Lucy. Baliw talaga ang babaeng 'to.

Next week na ang kasal at hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako. Hindi ako kinakabahan dahil sa hindi ako sigurado sa desisyon ko, kinakabahan ako dahil ikakasal na ako. Lahat naman siguro ng ikakasal kinakabahan diba? Malaki ang magbabago sa buhay ng isang tao kapag kasal ka na. Hindi mo na magagawa ang ibang mga bagay na nakasanayan mo, hindi nalang sarili mo ang iintindihin mo, hindi nalang ang sarili mo ang tatanungin mo kapag magde-desisyon ka sa mga bagay bagay. Magiging katuwang mo ang magiging asawa mo sa lahat. Isa lang ang bagay na sigurado ako.. Magbabago na ang buhay ko pagkatapos ng kasal.

Habang naglalakad kami ni Lucy papalapit sa mga bisita ay napatingin ako kay Clark na hanggang ngayon ay kausap pa rin nila Papa.

Napailing nalang ako.

Still You [COMPLETED]Where stories live. Discover now