CHAPTER 5

9 3 0
                                    

CZARINA'S POV:

Ilang araw na ng makalipas ang date namin ni ronny. At naging busy na ako sa mga dapat kong gawin, ang malala pa dito binabantayan ako ni kuya para hindi daw ako magkamali.

Ilang araw na rin niya akong pini-pressure at nakakastress talaga. Malapit na ang meeting namin with our investors at kailangan na namin na paghandaan ang presentation namin para sa kanila.

Malaking responsibility ang kailangan kong gawin upang magustuhan ng investors ang aming kompanya at hindi ma- disappoint sakin sila dad.

Ilang araw pa ang lumapas sa paghahanda namin at dumating na ang araw kung kailan ako dapat mag-present.

"Are you nervous?" Tanong sakin ni jenny. Sumama si jenny upang i-cheer ako.

"Medyo." Sagot ko.

Tinapik niya lang ako sa balikat at umalis para puntahan si kuya. Nakipagkamustahan muna ito bago makipagkwentuhan. Alam kong hindi lang ako ang kinakabahan kundi si kuya. Matagal niya na itong plinano para sa kompanya. Para umangat at mas makilala.

"Goodluck." Ronny said to me.

"Thank you ronny." Sambit ko.

"I always here for you, right." He said and smile to me.

"Hello po..maam?" Tawag sakin ng babae.

"Ahm...hi, you need something?" Tugon ko sa babae. Naka office attire siya at mukhang dito siya nagtratrabaho.

"Are you from the construction company? Maam?"

"Ahh...yes." sagot ko at tumingin kay ronny, nakangiti parin ito sakin.

"Ganon po ba? Kanina pa po kayo inaantay sa loob." Dagdag nito at ngumiti. "This way po maam."

Tumingin naman sila sakin at nag thumb-up. Sumunod ako sa babae na kumausap sakin kanina, alam kung kasama ko sila dad pero lalo yata akong kinabahan ng makapasok ako sa conference room nila.

Malaki at maganda. Yung ang masasabi ko sa lugar na ito. Makikita mong simple at walang arte ang lahat sa loob pero makikita mo din dito ang pagiging elegante nito.

"This way maam." Sambit ng babae.
Dahil malaki ang lugar ay hindi ko gaanong makabisa ang bawat parte nito, bukod doon ay may iba't ibang pinto ito na hindi ko alam kung para saan.

Nang makarating kami sa pinakahuling pinto ay kumatok muna ang babae at tsaka ito binuksan.

Sa pag bukas pa lang niya ay lalo akong kinabahan, lalo na ng makita ko kung sino sino ang mga tao na naroon.

"Diba.... si julia villanueva yan?" Tanong ni jenny sa babae. Ngumiti lang ang babae at tumungo, hindi lang si julia villanueva ang nandito, dahil nandito din ang magkapatid na lopez na kilala sa pagiging model at sa galing sa mga sport gaya ng basketball.

Bukod sa kanila ay hindi oo na kilala ang iba na naroon.

"Come in maam." Sambit ng babae.

Naunang pumasok si dad. Kasunod si kuya, ronny at kami ni jenny, at dahil sa suporta nila ay medyo nabawasan ang kaba ko.

Nakipagkamay si dad sa lahat ng nadoon at ganon din si kuya, kasunod naman kami. Medyo seryoso ang mga mukha nila maliban nalang sa isang nakangiti si julia.

"Hi...Im julia villanueva, nice meeting you." Pakilala niya.

"Ahm...Hi..Im czarina..czarina moreno." Pakilala ko din. "Nice meeting you too."

we loved each other Where stories live. Discover now