Chapter 7

101 52 3
                                    

Nag inat ako ng katawan ko, Ughhhhhh Goodmorning H.U !!!!! Ang sakit ng katawan ko, bat ako yung masakit yung katawan? Dapat yung dalawa eh kase sila yung natulog sa sahig. Napansin kong wala na pala akong kasama dito sa kwarto. Tangina bigla akong napatingin sa relo ko. 

The heck 10:30 na ng umaga!!!! Start ng klase namin ngayon 8:30 eh. Jusko wala man lang nag abalang gisingin ako? Nag madali akong naligo kahit wala ng oras. Saglitang ligo lang ang ginawa ko dahil baka wala na akong maabutang klase ngayong umaga. 

May nakita akong note sa table kung saan naka lagay yung bag ko. 
"You ugly ang hirap mong gisingin kahit kailan. Sumunod kana lang sa room pag nagising kana. Sana nga magising ka- " Pinaka sexy---Janelee

Ew pinaka sexy daw. 

Pagkabukas ko ng pinto bumungad sakin si June. Shet bat ang pogi ni June ngayon, nakaka inlo---- oopsss, ano ba tong iniisip ko. Mali mali. 

"Pain killer" Inabot niya saakin yung maliit na paper bag na may laman ngang gamot. 

"Thankyouuu!!! Papasok ka na din ba? Late ka din nagising no? HAHAHAH, tara tara sabay na tayo bilis malapit na mag end yung klase" 

Sa dami kong sinabi hindi man lang siyang nag abala na sagutin ako, grabe talaga tong lalakeng to. Limitado yung salitang lumalabas sa bunganga niya, sana nababasa o naririnig ko rin iniisip niya hayssssss. Nasa likod niya lang ako habang nag lalakad, nakaka hiya namang tumabi sakanya eh tsaka baka iba isipin ng ibang estudyante dito. Hindi lang pala sa mundo ng mga normal na tao nag eexist yung mga maiissue na tao, hanggang dito din pala. Haysssss maiissue everywhere. 

"Aww"  Huminto kasi siya sa pag lalakad kaya ayon nauntog ako sa mabango at makisig niyang likod. Ugh

"Sorry"  Inangat niya yung kamay niya at......

at ginulo ang buhok ko. 

Na-estatwa ako ngayon sa kinatatayuan ko. Did he just smiled at me? Ginulo niya buhok ko? Bakit bigla akong kinilig? Halaaaa!!!! Sabihin niyo nananaginip lang ako??? Tangina bakit biglang naging ganito si June? Hala baka nabagok ulo niya? Omgggggg.

Napatigil ako sa pag iisip ng napansin kong wala na siya sa harap ko. Palinga linga ako, at ang magaling na June iniwan akong parang tanga dito. Ibang klaseng lalake. Pero ayos lang hehehehehehe at least... at leasttt... Arggghhh!!! Hindi parin ako makapaniwala talagaaaaa. 

***

Nakangiti akong nag lalakad papunta sa room namin, grabe talaga. 

"Nasan si Andrea? Wala pa ba siya?" Nagising ako sa katotohanang late na nga pala ako agad agad kong binuksan yung pinto. 

"Sorry Sir I'm late hehe" napakamot na lang ako sa kahihiyan, naka tingin ba naman silang lahat saakin tsk. Kasalanan ni June to eh HAHAHAHHAHA.

"Ang aga mo naman para sa uwian HAHAHAHHAAH"

"Sige mang asar kapa bading"  Sinalubong ako ng pang aasar ng bading na to. Totoo sa buong buhay ko walang araw na hindi ako naka tanggap ng pang aasar lalo na nang makarating kami sa lugar na to. 

"Okay so you are now complete. Let's go to the field" Nag tataka akong lumingon kay Filipina dahil ang alam ko ay mag uuwian na. Kanina pa kasi nag start ang klase eh. 

"Sis pangalawang subject na to, gising gurl." Napakamot ako ng ulo, hindi ko alam na 2nd subject na pala to. Jusko Andrea di parin nag babagong buhay.

Ituturo muna sana ngayon ni Sir ay self defense kaso nag reklamo si Collen dahil alam na daw nila lahat. So pano kami? Apaka selfish ng babaeng to. 

Hiroshimawi University (COMPLETED)Where stories live. Discover now