Prologue

127 10 1
                                    

MILES

"Session adjourned..." said the judge, followed by the slam of the gavel.

Napapikit ako. Fuck, extended na naman ang proceedings. Kailan ba matatapos 'to?!

I properly bid my goodbyes to my client and other members of the jury. Being a criminal lawyer is really exhausting and draining, but it's also somewhat fulfilling. Pero sa mga ganitong pagkakataon, minsan napapaisip ako kung dapat bang nakinig na lang ako sa mga magulang ko na manatili na lamang bilang isang corporate lawyer. Tutal CPA naman ako.

I was fine by it, but being a criminal lawyer and representing in court really is my dream. Since I was young, I have always been fond of watching courtroom documentaries which fueled my desire to become a lawyer more. There's nothing wrong with being a corporate lawyer, pero may gusto akong patunayan; sa sarili ko, sa pamilya ko, at sa ibang taong nagsasabing hindi ko kakayanin ang propesyong ito sa kadahilanang mahina ang loob ko.

Dati 'yon.

Tinuruan niya akong maniwala sa sarili ko, magkaroon ng sarili kong desisyon at opinyon.

"Attorney Estrada." Napalingon ako nang tawagin ako ni Atty. Ramos, ang dati kong boss sa pinagtrabahuhan kong firm.

"Attorney Ramos, long time no see," pagbati ko sa kaniya.

"I saw your session back there," aniya nang makarating siya sa aking harapan.

"Well, I hope you didn't see anything disappointing," sabi ko habang pormal na nakangiti.

"I always knew you were good." Puno ng sinseridad sa kaniyang boses, "Nakakapanghinayang lang na you're not under my wing anymore." Ginawaran ko na lamang siya ng tipid na ngiti dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Hindi naman malaking kawalan sa firm niyo, nandoon naman siya.

I looked at my watch. 1:34shit, late na ako!

Hindi na rin nagtagal ang pag-uusap namin ni Atty. Ramos dahil tinatawag na rin siya ng kaniyang mga kasama.

Nagmamadali akong lumabas ng courthouse papunta sa kotse ko.

"Shit, patay na naman ako kay Cleo neto!" Singhal ko sa sarili ko at mabilis na pinaharurot ang kotse ko papunta sa restaurant ng aking pinakamamahal na kapatid. Pagkapark ko ng kotse ko ay mabilis akong naglakad papasok ng resto. Damn these heels, ang sakit sa paa!

Not that I needed to wear them. I stood five foot seven inches tall; nagsusuot lang naman ako ng heels kapag may hearing, it makes me look more intimidating. Feel ko nga mas powerful ako kapag naririnig ko yung tunog ng heels ko kapag naglalakad ako.

I was greeted by Cleo na hindi magkanda-ugaga sa pag-aayos at pagchecheck kung ok na ba lahat para sa event mamaya. Palibhasa sinabihan siya ni kuya na dito sa restaurant niya gaganapin yung welcome party para sa kaniyang "long lost love" na si Theo.

"Cleo! Umupo ka nga! Ako nahihilo sayo eh!" Singhal ko sa kaniya dahil daig niya pa ang kiti-kiti kung maglakad. Jeez! She's all over the place!

"Ate, nandiyan ka na pala! OMG! Like is this for real?! Uuwi na siya ate, uuwi na ang—hindi dyan 'yan, diba? Ang sabi ko ilagay niyo 'yang table na 'yan doon sa kabilang side," sita niya bigla sa kaniyang staff. Hindi man lang natapos ang sasabihin niya sa akin dahil sa nangingibabaw na irita niya.

"Ate, wait lang ah. Diretso ka na lang sa likod, nandoon naaman si ate Katya..." Huminga siya ng malalim sabay pag-irap ng mata niya. "Ano ba yan? Hindi ba kayo makaintindi ng simpleng instructions?! Ugghh!!!" With that, she left me to attend to her staff.

Serendipity Series: Lex Amoris (Law of Love)Where stories live. Discover now