Chapter 9

40 5 0
                                    


Ito ang isang bagay na kinatatakutan ko na mangyari. Isang bagay na ayoko ng bumalik, kahit kailan. Ang taong mula sa nakaraan na muling babalik sa kasalukuyan. Isang halimbawa na rito ay si Luisa. Siya ang bangungot sa maganda kong panaginip. Siya ang taong ayokong bumalik. Ito na siguro 'yong sinasabi kong 'bumalik sa simula'.

"Will you excuse us, please?" seryoso at may halong panganib sa boses ng lalaki. Zimo can handle her. I really hope so. Because, if he can't do it on his own way then I should better do it on my way. The really bad way of my mine.

Tumayo si Zimo at agad hinawakan ang braso ni Luisa at hinila palabas ng dining area. Natahimik ang lahat dahil sa nangyari. Napansin ko rin na pinagmamasdan ako ng babaeng magkapatid tila tinatantya ang magiging reaksyon ko. Gulat at galit ang nararamdaman ko. Ayokong ipakita na labis ang kaba ko dahil sa nangyari. Hindi ako dapat kabahan o siguro dapat akong kabahan? Ayoko lang makampante. Lalo na ngayon na ramdam ko na ang presensya ng babaeng 'yon. She's my living nightmare. 

"Hija, are you okay?" nag-aalalang wika ni Tita Anna. "Don't worry, Zimo can handle her," dagdag niya at tumabi sa'kin sa sofa.

Agad natapos ang hapunan namin dahil sa nangyari. Ngayon ay nasa sala na kami naghihintay sa pagbabalik ng dalawa. Halos 5 minutes na silang naroon at kailangan ko na rin umuwi dahil may klase pa ako bukas. 

"Tita, what happened between Zimo and Luisa before?" mausisang tanong ko na ikinabigla nila Tita Anna at ng babaeng magkapatid. I know she's holding back since it's not her story to tell. So, I weakly smiled to show her even a bit information would be enough.

"Hija, they had a deep fight. It was the day Zimo got home wet because of the hard-pouring rain," Tita Anna calmly said. "He said that very day was the day he met you. You two became close. I think that was one of the reasons," she added then let out a sigh.

Hindi ko alam paano ipoproseso sa isip ko ang mga nalaman. What if he didn't saw me that day? Will they still be together? When did we even start getting close? Was it before they broke up or after it? Am I the reason why their argument wasn't settled? Did their relationship start to get shaky as Zimo and I got close?

Lumipas muli ang limang minuto ay wala pa rin sila. Si Tita Anna ay nag-aalala na rin sa kung anong nangyayari sa dalawa. Masyado ba silang maraming dapat pag-usapan? May dapat pa ba silang pag-usapan gayong ilang taon na silang hiwalay? Kung may pinag-uusapan man sila, ano 'yon? Ano, ngayon pa lang ba sila magkakaclosure?

Kung kanina'y kalmado pa ako ngayon ay umuusbong na ang kaba at takot sa puso ko. Dapat na akong mabahala sa kung anong nangyayari sa dalawa. Ayokong maghintay lang dito at walang gawin. I should better do it on my way. If Zimo handled her well, they better had a conversation for just five minutes. 

"Tita, I should better check up on them," ani ko nang hindi na makatiis. Hinawakan ko ang kamay ni Tita bago umalis at bahagyang ngumiti. I know she's worried on what I can do. She knows what I'm capable of. I don't want her to worry about me and Zimo. We can handle it together. I know we can. I told her to kindly tell Mommy that I'll be home late.

Bawat hakbang na tinatahak ko papalapit sa kanila, dala ay takot. Bawat hakbang papalapit, dala ay kaba. Bawat hakbang ay kay bigat sa pakiramdam. May parte sa akin na gustong bumalik na lang sa sala at maghintay. 

Nakita ko sila sa may swimming pool area magkaharap at nag-uusap pa rin dahil si Zimo ay nakapamewang pa. Mukhang masyado ngang seryoso ang usapan nila at hindi matapos tapos. Bahagya kong binuksan ang sliding door tama lang para makadaan ako. Dahan-dahan ang bawat galaw ko para lang hindi ako mapansin. Mas gusto ko 'to dahil baka may mga salitang dapat akong marinig. Stay safe muna ako rito sa isang tabi. Magpapakita na lang ako kapag sukdulan na.

The Day I Saw YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang