Chapter 8

26 9 0
                                    

Short update for this day. Enjoy Reading!

CHAPTER 8

Nasapo ko ang ulo ko nang sumakit na naman. Nandito kami sa dorm namin ni Maisie habang 'yung dalawang lalaki ay lumabas para bumili ng makakain.

"I told to sleep, why don't you sleep?" Nakataas ang kilay nito habang pinaniningkitan ako ng mata. Nakaupo siya sa mesa at pumapapak ng cheese whiz para daw sa naughty juices niya.

"Ano ka, si Lisa?" Inirapan ako nito saka ipinagpatuloy ang pagpapak. Tumayo ako para sana pumunta sa kwarto ko nang dumating ang dalawa dala-dala ang mga pinamiling pagkain.

"I don't eat jollibee." Papadyak-padyak na sinilip ni Maisie ang mga nakapaper bag. "But I can eat." Napailing na lang ako saka pumasok sa kwarto ko. Mabilis kong binagsak ang katawan ko sa kama at pinatong ang kaliwang braso sa noo.

"Hey." Mabilis kong tiningnan si Magnus na umupo sa paanan ko. "You okay?" Tumango ako saka ipinikit ang mata. Kailangan kong matulog dahil baka bigla na lang akong bumagsak sa sakit ng ulo ko. Natuwa naman ako dahil hindi ko na narinig na nagsalita si Magnus kaya itinuloy ko na sa tulog.

Nagising ako dahil nakarinig ako ng pagbagsak ng paa sa semento. Mabilis akong tumayo sa pagkakahiga ko at tiningnan ang nakabukas na bintana. Tiningnan ko kung nakabukas ang aircon at napailing sa sarili. Nakalimutan ko na namang isara.

Tumayo ako para sana isara ang bintana nang maaninag ko ang bulto ng isang tao 'di kalayuan habang nakatayo sa ilalim ng puno. Napaatras ako ng bahagya niyang itaas ang kamay niya sa ere habang hawak ang parihabang bagay. Ginalaw-galaw niya ang kamay niya na parang batang naglalaro. Huminga ako ng malalim bago isinara ang bintana. Lalabas na sana ako nang madaanan ng tingin ko ang dalawang gulong ng sasakyang laruan na nakapatong sa study table ko.

Lumabas ako para itanong sa tatlo kung sinong nag-iwan ng laruan sa kwarto ko pero si Magnus lang ang naabutan kong nakahiga sa sofa at ang mga canned na alak na nakakalat na sa sahig at mesa. Tiningnan ko ang kwarto ni Maisie nang makarinig ako ng boses doon. Napailing ako nang mapagtanto kung anong ginagawa nila. Walang palya ang dalawang 'to.

Nilapitan ko ang mga nagkalat na basura nang makakuha ako ng black plastic bag saka sinimulang magpulot. Gumalaw ng bahagya si Magnus kaya inayos ko ang pagkakahiga niya. Uupo na sana ulit ako nang hilahin niya ako kaya napasubsob ako sa dibdib niya.

"M-Magnus bitaw." Pinilit kong makaalis sa pagkakayakap niya pero hindi ko magawa.

"Stay," bulong nito kaya napairap ako.

"Naglilinis ako, bitaw na." Umiling siya bago hinigpitan lalo ang yakap sa akin.

"I won't let you go. I like you, bestfriend." Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. Pinakatitigan ko ang mukha niya habang pinakikiramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko.

"M-Magnus, lasing ka lang. Let me go." Nagsimula na naman akong umalis sa bisig niya pero nagulat ako nang bigla siyang umupo at dinampi ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Pigil ang hininga akong nakatingin sa kaniya. Ilang minuto kaming nasa ganoong pwesto nang itulak ko siya. Ni hindi man lang siya natinag at agad na nakatulog kaya dali-dali akong tumakbo sa kusina para uminom ng tubig.

Sinulyapan ko siya bago huminga ng malalim. What the heck is that?

"Oh, gising ka na pala. Initin mo na lang ang pagkain, nasa ref." Lumabas si Maisie sa kwarto at gulo-gulo ang buhok.

"Nagawa mo pa talagang makipag ano." Umirap ako saka ininom ang natitirang tubig sa baso.

"What? Pampatanggal stress lang." Ngingisi-ngisi siyang pumasok sa cr kaya napailing ako.

The Unseen (School Trilogy #1)Where stories live. Discover now