Two.

12.5K 341 8
                                    

Pagkatapos kong pakainin ang tatlong alaga kong aso na sina Whitey, Blacky at Browny ay kaagad akong nagtungo sa labas para magdilig ng samot-saring halaman.


Ang sabi ni Mrs. Velasquez, maganda raw itong ginagawa ko para naeexercise ang katawan ko lalo na't nagdadalantao ako.

Mabait naman ang mag asawa at sobrang alaga nila sa akin. Dahil sa kabutihang ipinapakita nila sa akin hindi ko maiwasan ang hindi mamiss sila Mommy.

Kamusta na kaya sila? Namimiss din kaya nila ako? Hays, asa ka pa Lyrica. Hindi ka nila namimiss kaya tama na kakaasa, okay?

"Lyrica pinapatawag ka ni Ma'am at Sir." Nagtataka kong binalingan si ate Mica, mabait si ate Mica at kagaya ko teenager parin siya. She's 19 while I'm 18. Isang taon lang ang tanda niya sa akin.

"Bakit daw?"

"Hindi ko rin alam e. Pero nandyan kasi si sir Red, baka ipapakilala ka."

"Huh, bakit naman?"

"Ganun talaga sila, ipinapakilala nila lahat ng kasambahay nila sa mga anak nila."

"Ah, okay. Ilan ba lahat ang mga anak nila?" Pag uusisa ko.

"Tatlo. Ang panganay ay si Sir William, pangalawa si Ma'am Estella, at pangatlo si sir Red, siya ang bunso."

"Bakit palagi silang wala rito?"

"Si sir William nasa Italy at si ma'am Estella, habang itong bunso naman nila ay nasa Maynila. Doon siya nag aaral, may sariling bahay rin siya sa Maynila kaya madalang lang talaga 'yan umuwi rito."

"Ganun ba? Sige, punta na tayo sa kanila."

Nang makapasok ako sa mansion ay nadatnan kong nasa lamesa silang tatlo. Ang mag asawang Velasquez at ang sinasabi ni ate Mica na bunso nilang anak. Nakatalikod sa akin si sir Red kaya hindi ko pa nakikita ang mukha niya.

"M-ma'am pinapatawag niyo raw po ako?" Nakangiti kong tanong kay Mrs. Velasquez.

"Oo hija, halika maupo ka rito." Itinuro niya ang upuan sa tabi niya na kaharap naman nitong bunsong anak niya.

"Bakit po? Nakakahiya naman po, huwag na po hehe." Nahihiya kong tanggi. Bakit kasi kailangan ko pang umupo kung ipapakilala lang naman ako niya diba?

"Ikaw talaga, huwag kanang mahiya. Halika na." Dahil mapilit si Mrs. Velasquez kaya pumayag narin ako sa huli na maupo sa tabi niya kung saan kaharap ko ang anak niyang si Red.

"Red anak, siya 'yung sinasabi kong bago nating kasambahay. She's Lyrica Moore Yang." Masayang pagpapakilala sa akin ni Mrs. Velasquez sa anak niya.

"H-hello po sir, nice to meet you po." Nakangiti kong bati rito. Nang magtama ang mga mata namin ay parehong nanlaki ang mga mata namin.

"I-ikaw?" Halos magkasabay naming sabi nang makilala ang isa't-isa.

"Magkakilala kayo?" Tila natutuwang tanong ni Mrs. Velasquez.

"H-hindi po." Pagsisinungaling ko. Sh!t.

"Yes, mom. I know her." Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at hinatak ako patungo sa kung saan.

"Anong ginagawa mo rito?" Hindi niya makapaniwalang tanong.

"Nagtatrabaho." Nakayoko kong sagot.

"Why?"

"To earn money?" Hindi ko siguradong sagot.

"So your name is Lyrica? Nice name, by the way." Tila nang aasar ang tinig niya.

"So, you're pregnant? Bakit nagtatrabaho ka?" Dumako ang tingin niya sa tiyan ko na ngayon ay halata na talaga dahil medyo malaki na ito.

"Para sa baby ko. Para magkapera."

"Ako ba ang ama niyan?" Nakatingin lang ako sa kanya. Malamig na tingin.

"Bakit mo 'to ginawa sa akin?" Pagtatanong ko. Kasabay nun ay ang pagtulo na naman ng mga luha ko.

"Did you raped me?"
Tila nainsulto siya sa sinabi ko dahil naikuyom niya ang kanyang kamao.

"I didn't raped you, okay? Ikaw itong bigla nalang pumasok sa kotse ko nung gabing may nangyari sa atin, dahil sa kalasingan kaya akala ko ikaw ang girlfriend ko." Galit niyang paliwanag. So, it's my fault?

"Bakit mo ako ginalaw?" Puno ng galit at paghihinagpis kong tanong.

"Hindi naman kita gagalawin kong hindi mo rin gusto. Ginusto natin pareho ang nangyari nang gabing iyon, okay?"

"Will you marry me? Will you accept this baby?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Saglit siyang natahimik dahil sa sinabi ko.

"I can't do that Lyrica. May girlfriend ako. Mahal ko siya at ayaw ko siyang saktan."

Natawa ako sa isinagot niya.

"Ayaw mo siyang saktan kaya hindi mo ako pananagutan? Look, napalayas ako nang dahil dito sa pagkakabuntis sa akin ng hindi ko kilalang lalaki. Itinakwil ako ng mga magulang ko, tapos hindi mo ako pananagutan?"

"What's happening here?" Pareho kaming nagulat ni Red ng biglang sumulpot ang Mom at Dad niya.

"So, you're the father?" Hindi ko alam kung anong klaseng emosyon ang nararamdaman ngayon ni Mrs. Velasquez. Masama ang tingin niya sa anak niyang si Red habang nagpapalipat lipat ang tingin sa akin at sa kanya.

"Answer me Red, ikaw ba ang ama ng bata?"

Nakahinga ako ng dahan-dahang tumango si Red.

"Kaya pala ganun nalang kagaan ang loob ko kay Lyrica, dahil apo ko ang dinadala niya." Naiiyak na sabi ni Mrs. Velasquez sabay lapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Mag empake kana Lyrica, pupunta tayo sa inyo para hingin ang kamay mo sa mga magulang mo nitong anak naming si Red." Nakangiti at tila napakadali lang ng pagkakasabi niya.

Walang emosyon si Red. Hindi niya nagugustuhan itong nangyayari.

Nang makarating kami sa bahay ay si Mommy ang nagbukas ng gate. Isasara niya ulit sana iyon ngunit nang makita niyang may mga kasama ako ay pinagbuksan niya kami.

"Anong kailangan niyo?" Galit na tanong ni Mommy, nakatuon ang mga mata niya sa akin. Hanggang ngayon ay kita ko parin sa mga mata ni mama ang labis na pagkapoot sa akin, sa nagawa ko.

"Nandito kami para hingin ang kamay ni Lyrica sa inyo."

"Hindi na namin anak 'yan. Makakaalis na kayo." Napaiyak nalang ako dahil sa ginawa ni Mommy. Pinagsarhan niya kami ng gate ni hindi manlang kami hinayaang makapasok sa loob.

Kaagad akong nilapitan ni Mrs. Velasquez at hinaplos sa likod.

"It's okay hija, hayaan mo at hindi namin ipaparamdam sa'yo ang pinaparamdam ng mga magulang mo. Magpakatatag kalang, okay? Patunayan mong mali ang ginawa nilang pagtatakwil sa'yo. Nandito lang kami, we'll help you."

Tumango lang ako kay Mrs. Velasquez kahit na ang totoo ay sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon.

Carrying The Stranger's Baby (COMPLETED) Where stories live. Discover now