Chapter 4

34K 721 26
                                    

I was vomiting like there's no tomorrow. Suka ako nang suka pero wala namang lumalabas. Halos puro tubig lang. Ang sama-sama ng pakiramdam ko. Nahihilo ako na ewan. Di ko maintindihan ang pakiramdam ko.

Hinihimas ni Nicz ang likod ko. Nandito kasi ako sa condo niya. Siya ang tinawagan ko noong umalis ako ng bahay. Hindi ko masikmura ang nakita ko. I saw Carmela only wearing a robe. Natural isang bagay lang ang papasok sa utak ko. Lalaki si Gab at ex-girlfriend niya iyon. Kaya pwedeng mangyari iyon. Ang masakit pa, sa mismong bahay pa namin.

I left the house immediately. Gab called me but I didn't look back. Ayoko muna siyang makita. Naiinis ako. Nasasaktan ako sa nakita ko. Masakit isipin na ako ang asawa pero kasama niya ang ex niya.

"Pùtangnang lalaki na iyon! Bwisit! Ikaw hirap na hirap tapos siya nagpapasarap?! Leche!!! Magsama sila ng malading ex niya!" Galit na galit na saad ni Nicz habang patuloy na hinihimas ang likod ko.

I washed my face and gargled bago humarap sa kanya. Then I cried. For a hundred times I cried. I cried again and again because of Gab.

Nicz hugged me tightly. "Abby, please tama na. Hiwalayan mo na kasi. Ako ang nahihirapan para sa 'yo eh. Lagi ka na lang umiiyak dahil sa Gab na 'yon. He's not worth all your tears and love," may paalalang sabi niya. Inalalayan niya na ako paupo sa sofa. She faced me again.

"Abby...buntis ka ba?" she suddenly asked.

Bigla akong kinabahan. Buntis nga ba ako? I smiled bitterly. Kung buntis man ako, sana tanggapin ito ni Gab. Pero paano? Gab bought boxes of pills for me dahil nga ayaw niyang magkaanak sa akin. Napaiyak ulit ako sa naisip ko. Paano kung buntis nga ako? Ano'ng iisipin niya? Matutuwa ba siya? Tatanggapin niya ba na magkaka-baby na kami?

He gave me a supply of pills but I never took even one. Hindi ako pwedeng mag-take ng pills dahil bawal sa akin iyon. Allergic ako doon. Hindi ko lang sinasabi kay Gab.

"Abby, buntis ka ba?" tanong ulit ni Nicz.

Napatulala na pala ako.

"I don't know, Nicz," maikling sagot ko.

"Nag-try ka na bang mag-PT?" she asked.

Umiling lang ako. Bumuntong-hininga siya at tumayo. She went to her room and she took something. Inabot niya sa akin iyon.

"Try mo para malaman natin," sabi niya.

"Ba't meron ka nito?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hayyy...Supply ko. Mahirap na, noh! Baka mabuntis ako nang wala sa oras. Pùtang Calix na iyon, may balak yata akong buntisin. Putok ng putok sa loob ko. Ayaw kasing gumamit ng supot."

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Balahura talaga ang bibig ng babaeng ito.

After a while ay sinubukan ko. I followed the instructions. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak-hawak ang PT. Kinakabahan ako sa magiging resulta. Maging si Monique ay nakatututok sa magiging resulta. Minutes later, two red lines appeared.

"Positive, Abby," nanlalaki ang mga matang bulong ni Nicz.

I cried again. There's a life inside me now. I'm happy but I'm worried at the same time. Natatakot kasi ako na baka hindi tanggapin ni Gab at baka mas lalo niya lang akong kamuhian. Baka ipa-abort niya lang ito. Ayoko! Hindi ako papayag. Hindi ko kayang patayin ang sarili naming anak. Ito ang isa sa mga pinapangarap ko noon pa. I want to have his baby. Baby namin.

"Sinasabi ko na nga ba. Ano na? Sasabihin mo ba sa kanya?" tanong niya.

Umiling ako.

"What?! Nahihibang ka na ba? Itatago mo iyang kalagayan mong iyan? My ghad, Abby! Anak niya rin yan! Ano ka ba?! Dapat nga inaasikaso ka niya eh!" sunud-sunod na saad niya.

Napahikbi na naman ako. "Huwag na muna, Nicz. Hindi ko pa alam ang gagawin ko. Baka magalit siya kasi buntis ako. Iyon pa naman ang ayaw niya, ang mabuntis ako." humihikbing saad ko.

"Ay pusang gala! Tira siya nang tira tapos pag nabuntis ka niya, magagalit siya?! Langya siya! Dapat sa kanya pinuputulan ng kaligayahan eh!"

******

I spent the night in Nicz' condo. Ayaw ko munang umuwi. Pagagaanin ko muna ang pakiramdam ko. At isa pa, malalim na ang gabi.

Iniisip ko si Gab. Ano kaya ang ginagwa niya ngayon? Nandoon pa kaya si Carmela? Ano kaya ang ginagawa nila? Sa iniisip ko ay napaluha na naman ako. I touched my tummy. I bitterly smiled.

Sana, baby, ikaw ang maging dahilan para magbago ang daddy mo sa akin. Sana ikaw ang maging dahilan para mahalin din niya ako.

Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ko ang sigaw ni Nicz sa labas ng kwarto. Dali-dali akong tumayo at lumabas. I saw Gab. Kumalabog bigla ang dibdib ko.

"Tàngna lang, Gabriel! Lumayas ka sa pamamahay ko kung ayaw mong ipapulis kita!" galit na sigaw ni Nicz but Gab seemed not to care.

When he saw me, nilapitan niya ako agad and grabbed my arm. Napangiwi ako sa higpit nang pagkakahawak niya. "Lets go home!" he yelled while pulling me.

Aangal pa sana si Nicz pero pinandilatan ko siya ng mga mata. She rolled her eyes and just kept quiet.

Hila-hila ako ni Gab papuntang parking lot. Pabagsak niya akong ipinasok sa kotse. Halos mapangiwi ako nang biglaan akong napaupo sa passenger seat. Pabalibag niyang isinara ang pinto bago umikot at pumasok sa driver's side. He started the engine and drove fast. Halos paliparin na niya ang kotse.

Napakapit ako sa pinto ng kotse at sa upuan. "Gab, dahan-dahan lang. Baka mabangga tayo."

His jaw tightened. "Tumahimik ka, Abby. Baka maubos ang pagtitimpi ko sa 'yo. I was calling you this morning pero ano ang ginawa mo? Nilayasan mo ko! May family problem lang si Carmela. She's depressed and she needed someone to turn to kaya sa bahay ko siya pinatuloy. Kung mag-inarte ka, para kang inaagawan ng asawa."

I took a deep breath and looked outside the window beside me. Naninikip ang dibdib ko dahil sa pagpipigil na huwag maiyak sa harap niya. Someone to turn to? Bakit, wala ba siyang ibang kaibigan na malalapitan at kailangang sa isang taong may asawa pa siya lumapit?

When we reached home, he parked the car immediately. I saw a familiar vehicle. Napatingin ako sa kanya.

"Our parents are here! Surprised visit. I was calling you the whole fúcking night but your fúcking phone was unattended! Tangna lang, Abby huwag mo nang dagdagan ang mga problema ko dahil diyan sa mga kadramahan mo," he said. He opened the door but before he went outside, he faced me and threw a box of tissue in front of me and said, "Punasan mo iyang mga luha mo at ayusin mo iyang sarili mo. Baka isipin nila Mommy pinahihirapan kita dito." Then he left.


******

TamaraYuuki ( ˘ ³˘) ♡


Faded Memories (Completed)Where stories live. Discover now