Chapter 19

316 27 14
                                    

Pagkatapos naming mag-usap ni Jane tungkol sa trabaho ay umalis na rin namana agad ako sa opisina nito. Maaga pa naman kaya naisipan kong dumaan sa starbucks na malapit lang din sa J.I para magkape. Pagkapasok ko roon ay pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Napangiti ako nang tumuon ang aking mata sa dulong bahagi ng naturang coffee shop ang isang bakanteng mesa. Pumunta muna ako sa counter para mag-oder. I ordered caffé americano. Pagkatapos nun ay humakbang ako patungo sa nakita kong bakanteng mesa.

Habang naghihintay ng order ay inilabas ko ang maliit na libro mula sa aking bag. Inabala ko muna ang aking sarili sa pagbabasa para hindi mainip sa paghihintay.

Ilang minuto ang lumipas bago may lumapag na kape sa aking harapan.

"Salamat." wika ko na hindi manlang nag-angat ng tingin.

"Ms. Ysobel?"

Doon ako umangat ng tingin. Isang dalagita ang aking kaharap. May malawak itong ngiti sa kanyang labi at ang mga mata ay titig na titig sa akin. Nakasuot ito ng bulaklaking high waist skirt at nakapaloob dito ang simpleng puting t-tsirt. Adidas white sneakers ang sapin nito sa pa. She's around eighteen years old.

"Yes, sweetheart?" Gumanti naman ako ng ngiti rito. She has a blue eyes.

"I was six when you left your writing career temporarily. And I started reading your books when I was fourteen. And I'm so lucky that you're back po."

Lalong lumawak ang ngiti ko sa tinuran nito. Isa pala siya sa mga readers ko.

"Thank you for appreciating my  works. Don't worry, gagalingan ko lalo para hindi kayo madisappoint." Kinuha ko ang kape at dahan-dahan itong ininom.

Tila nahiya naman itong yumuko.

"Sorry po sa isturbo. Natuwa lang po ako at nakita kayo sa personal. Pasensiya na rin po at inagaw ko ang kape niyo sa crew para lang makalapit sa inyo."

I giggled upon hearing her words.

"It's okay, sweetheart. Anyway, thank you for supporting my books even though I was gone."

"I brought one here po. P'wede po bang ipasign?"

Tumango naman ako. Agad naman itong nawala sa aking harapan at nang bumalik ay dala-dala na ag librong sinasabi nito. Inilapag nito sa aking harap ang libro kasama ang ballpen.

"How old are you?" tanong ko rito.

Alinlangan naman itong sumagot. "Fifteen po."

Napailing ako. Dalagang-dalaga na itong tingnan kaya ang akala ko nasa tamang edad na para magbasa ng mg librong isinulat ko.

"This book has a lot of sexual scene. And it's not suitable for the young reader, like you. Sixteen ka palang, sweetheart. You must responsible of what you are reading, a'right?"

Tila nahihiya naman itong tumango.

"Nagagandahan lang po kasi ako sa flow ng story, Ms. Ysobel..."

"Good to hear that. Marami ka namang matututunan sa mga libro ko kung iintindihin mo itong mabuti. Just focus on how the chacracters fight the trials in their life, not in a sexual scene, okay?"

"Opo." maiksi nitong tugon.

Dinampot ko naman ang ballpen. I flipped the book cover as I raised my head.

"What's your name again?"

"Ella po."

I wrote a simple message on the first page of the book.

Hi Ella,

      Thank you for supporting my book. Don't look for the chapter that has a sexual scene to read. Understand each word and you'll understand how our life works. Life isn't perfect, we did mistake in the past. But we should embrace our mistake, learn from it, and never do it again."

✔GORETTIA(NOBELISTA SERIES 1)[R18]Where stories live. Discover now